Napatili siya sa naalala. Did she just marry Niccolo? Or was it a dream? Pero klarong-klaro sa isip niya ang pagsuot ng singsing na iyon matapos niyang mag-I do.
“What’s wrong?”
Napaangat siya ng tingin at bumungad sa kanya ang nakaupo na sa kamang si Niccolo. He was looking at her with seemingly worried eyes. Pero wala roon ang atensyon niya. Muli kasi siyang napatitig sa katawan ng lalaki. Mas naging prominent ang six packs abs nito pati na rin ang matitigas na braso.
Shems!
Bakit ba niya pinag-iinteresan ang katawan ni Niccolo? Hindi iyon ang tamang panahon!
Tumikhim muna siya bago magsalita. “What’s this?” tanong niya habang pinapakita ang singsing.
Isang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki. “You chose that, remember?”
“Me?”
Tumango ito. “I asked you to choose our wedding ring. I have mine with me.” Pagkasbi ay itinaas nito ang kamay at pinakita ang singsing. Ang suot na singsing ni Niccolo ay hindi kasing laki ng sa kanya pero mayroon pa ring nakadisenyong diyamante sa palibot niyon. Mas panglalaki nga lang ang hitsura.
“W-wait… the wedding… is it real?”
Niccolo let out a boyish smile. “It is, baby.”
Baby? OMG! Wala pang tumatawag sa kanyang ‘baby’ ever!
“But it’s not registered, right? I mean… it’s just a ceremony. We didn’t really get married,” pagkaklaro niya rito.
“I’m afraid our marriage is legal. We both agreed to it anyway.”
Napahigpit siya ng hawak sa kumot. Alam niyang may mga kung anu-anong requirements para maikasal nang ligal sa Las Vegas. Pero sa ipinamalas na impluwensya nito noong naaresto siya dahil sa traffic accident, hindi imposibleng magawa rin nitong mapabilis ang mga kung anu-anong kailangan para sa kasal. Hindi tuloy maipaliwanag ni Abbey ang nararamdaman. How did she allow herself to get married to a stranger?
Muli niyang inalala ang nangyari kahapon. Mas naklaro na nga sa isip niya ang seremonyang naganap. She did say ‘I do’. At nagsimula iyong lahat nang ikwento niya kay Niccolo ang heartbreak niya. Pinatulan naman niya ang suhestiyon ng lalaki na uunahan nilang magpakasal sina Monique at Jock. Inaamin niyang medyo nakainom siya. Kaya naman ganoon na lang siya katapang na pumayag sa kasal.
“Niccolo… you know this was a mistake, right? You and I... we were drunk last night.”
Nagkibit balikat ito. “We got a few drinks, yeah. But I’m pretty sure I’m sober.”
“Niccolo Moretti, we barely know each other. We really can’t get married,” paliwanag niya.
“And why not? We’re both single. Sure we can marry.”
“That’s not why I mean. My family will be furious. They can’t know about this mistake.”
“Then we won’t tell them if that’s what you want,” kalmadong sagot nito.
Napasandal siya sa pader sa narinig mula kay Niccolo. Ang chill naman yata ng lalaking ito. Hindi ito nagpi-freak out na tulad niya!
“Hey, baby… are you okay?”
Hindi na masagot ni Abbey ang lalaki. Unti-unti na kasi siyang napaupo sa sahig dahil sa panghihina. Nagla-lag yata ang utak niya habang pinoproseso ang nangyayari. Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Niccolo upang tulungan siya pero imbes na mapakalma ay mas naalarma siya. Nagdaiti kasi ang mga balat nila habang nakahubad pa rin si Niccolo!
Oh tukso, layuan mo ako!
“C-can you please wear something?” utal niyang sabi sa lalaki. Kahit pa gaano kaganda ang hubog ng katawan nito eh hindi naman pwedeng mag-usap o maglapit sila nang ganoon.
Bakit girl? Virgin ka pa ba?
Oh my! Virgin pa nga ba siya kung ganoong hubad na hubad silang dalawa pagkagising?! Gusto niya sanang tanungin ang lalaki pero nahihiya siya. Paano nga naman niya itatanong iyon?
Ah, Niccolo… virgin pa ba ako? or… Niccolo… chinukchak mo ba si jenjen ko kagabi?
OMG! Maloloka yata siya sa kaiisip! Pero alam niyang kailangan niyang lakasan ang loob. Siya ang may-ari ng katawan niya. Dapat ay informed siya sa nangyari roon!
Nilingon niya si Niccolo na sinunod naman ang kanyang pakiusap. Naglakad ito at pinulot ang boxers sa sahig. Sinuot din iyon agad ng lalaki.
Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Okay… let’s say we did got married yesterday. So…”
Kunot noong tinitigan siya ng lalaki. “So what?”
“Sooo…” Dahil hindi masabi ang nais ay itinuro na lang niya ang parehong hubad na katawan. “Did we...?”
Isang impit na tawa ang lumabas sa bibig ng lalaki. Tumango ito habang ‘di pa rin napapalis ang ngiti sa labi.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata. “What? Seriously? I… I didn’t know! I didn’t even remember!”
“Woah woah, wait. We didn’t… I mean… I didn’t put my p***s inside your hoo-ha so technically, you’re still a virgin.”
Napamaang siya. “But we’re both naked.”
“Yeah, it’s kinda frustrating really. You slept after I tasted you last night.”
“YOU WHAT?”
Hindi alam kung saan itatago ni Abbey ang nag-iinit na pisngi. Bakit ba ang bulgar ng lalaking ito?! Walang preno ang bibig! Pero ang nakakalokang sinisigaw naman ng utak niya ay kung paano ito nanghihinayang dahil hindi man lang niya maalala ang nangyari kagabi!
Abbey! Sira ka na talaga!
“B-but wait… how did you know I’m still a… you know?”
“A virgin?”
Marahan siyang tumango. “Y-yes.”
“Well you told me you were. And I’m kinda glad.”
Shit! Bigla na lang kasi ngumit si Niccolo nang banggitin nitong ‘glad’ ito nang malamang virgin siya.
OH MY GOD!
Ipinilig niya ang ulo upang mawala ang mga tulungan maliwanagan ang isip. Huminga rin siya nang malalim bago nagsalita.
“Okay… Niccolo…”
“Yes, baby?”
Baby… s**t! Bakit ba parang sumikdo ang puso niyang nang marinig ang endearment na iyon? Pero pinilit niyang kumalma at magsalita nang maayos. Napakaraming bagay na dapat unahin tulad na lamang ng pagpapawalang bisa ng kasal nilang dalawa.
“Niccolo, what happened is ridiculous. Maybe we should start talking about divorce now.”
“Divorce?” kunot noong tanong ni Niccolo. Para bang isang joke ang salitang ‘divorce’ dahil hindi maikakailang may sumilay na ngiti sa labi ni Niccolo.
“Why? Isn’t divorce the next best thing to do after what happened?” mariing sagot niya.
“You have a point. But I guess you’ll have to attend another wedding first before anything else.”
Monique and Jocks wedding! Paano niya nakalimutan ‘yon? Sinipat niya ang relos na nakasabit sa pader. May halos kalahating oras nalang bago ang kasal!
Puro ka kasi Niccolo, girl!
Ayaw man niyang aminin pero totoong mas madalas na yata niyang kasama ang lalaki kesa sa bride. Naturingan pa naman siyang maid of honor.
Nagmamadali siyang mag-ayos upang makaalis na. Babalikan na lamang niya si Niccolo para pag-usapan ang dapat na pag-usapan. “Okay, we’ll talk later. I have a wedding to attend to. I should get going.”
“I’ll be ready too. I’m coming with you.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “W-what? No!”
“Why not? It’s a couple’s thing. We should go together.”
Couple? Couple na nga ba sila ngayon? Oh my goodness!
“Of course not!” tutol niya. “What would they say if they saw me with a husband who I just met over the weekend? It’s crazy!”
“Trust me, baby… they won’t especially Jock. Let’s show him how sorry he should be for not choosing you.”
Napahilot siya ng sentido. “This is not going to happen. This won’t work. We’re getting a divorce,” mariin niyang sabi. Of course, pangarap din naman niyang magkaasawa ng isang isang gwapo at mayaman tulad ni Niccolo Moretti pero hindi tama naman na sa ganitong paraan. Just because she’s heartbroken and drunk ay magpapakasal na siya. It’s not right.
Pero imbes sumang-ayon ay isang iling ang sagot ni Niccolo. “I won’t. We’re not going to file a divorce.”
Namilog ang kanyang mga mata. “And why not?!”
Doon na niya nakita ang pagseryoso ng mukha ng lalaki. Sure she saw Niccolo being nice to her. Smiling and even laughing. But this is the first time that she’s seen him so serious. Sa isang iglap ay nakaramdam siya ng kaba sa dibdib.
Humakbang si Niccolo papalapit sa kanya. He looked at her in the eyes and then kissed her in the cheek. “Because I said so, baby. And I’ve decided do anything just to make this marriage work.”
OMG! Ano bang gulong napasok niya?