INIKOT ni Abbey ang mga mata sa buong wedding venue. Sure that the Tuscany theme of the wedding impressed her. Maganda sana kung ganoon din kaganda ang naging wedding niya. Hindi lang basta nagising siya sa isang kama na may singsing na sa daliri at katabi ang bagong asawa. She should have been like Monique. Nakaplano lahat. Napangasawa ang mahal na lalaki. Nakasuot pa ng magandang wedding gown. Hindi naman siya maiinggiting tao. Pero sa mga oras na iyon ay sandali siyang nangarap na sana’y nasa paa siya ni Monique. Kakatapos lang ng kasal at isa-isa nang nagpupuntahan ang mga tao sa restaurant kung saan magaganap ang reception. Naglalakad na lang din siya sa tulad ng mga tao nang may tumawag sa kanya. “Signora…” Ayaw niya sanang lumingon pero wala siyang ibang katabi sa paglalakad. Kay

