“Hi, Abbey,” bati sa kanya ng lalaki nang makalapit na ito. He sure does look dashing in his black tuxedo. “Hi, Jock. Congratulations,” sagot niya. Hindi iyon pilit o kaya ay labas sa ilong. It was a genuine gesture from her. Ngayong kasal na ito kay Monique ay tuluyan na niyang maisasantabi ang anomang nararamdaman niya para sa lalaki. She will no longer want him nor think of him in a romantic way. He’ll now only be Jock—her friend’s husband. Pero imbes na magpasalamat ug sumeryoso ang mukha ni Jock. “I heard something. I hope it’s not true.” Kunot noo niyang sinalubong ang mata ni Jock. “Ano naman?” “Moretti. You’ve been with him?” mapang-usig na tanong ni Jock. Nagitla siya. “Nakita mo kaming nag-usap kahapon. Is that what you mean?” “You know what I mean,” matigas nitong sagot. H

