Chapter 1

2050 Words
Margaret Akari's Pov "I told you it's a sure win." Malapad at miski ata ang matatayog na skyscraper rito sa Manila ay hindi mapapantayan ang tayog ng mga ngiting nakaguhit sa labi ni Michael. The Michael Yiué of the Pageant World. He's a renowned beauty queen trainer, a fashion guru and an architect by profession. Feeling the crown above my head that I got after winning the Binibining Pilipinas. Everything is sinking in my mind carefully. I made it! I won as the Miss Universe Philippines. I really can't believe that I made it this far. Everything is overwhelming. Iginala ko ang aking mata sa loob ng restaurant kung saan ginaganap ang victory party para sa 'kin. Ang bawat taong nasa loob ng apat na sulok ng lugar na 'to ay malaki ang naitulong sa 'kin at naging papel para sa tagumpay ko. Without them, I would not have made it. They are awesome! "Thank you," I said. Michael raised his  forefinger and move it sideways. Sumeryoso ng kaonti ang mukha nito ngunit ang kurba sa kaniyang labi ay naroon pa rin naman. His eyes climb up to my head. He's admiring my crown again the way I am admiring it. "May alam akong korona na mas bagay pa sa 'yo," anito. My forehead twitched a bit as I looked at him a little bit confused. "Margaret! Join us here." Sigaw ni Hyacinth. Ang aking stylish. I bore a glance at her and raised my hand, telling her to wait. "I'll be," I said loud enough for them to hear it. Muli kong hinarap si Michael na seryoso pa rin ang mukha. "Excuse me? What were you saying again?" Tanong ko. He sipped on his wineglass filled with his favourite brand of champagne. Nang tapusin na nito ang pag-inom n'ya ay binasa n'ya naman ang kaniyang pang-ibabang labi. "The Mikimoto crown suits you," anito na nagpangiti sa 'kin. Bago pa man ako sumabak sa Binibining Pilipinas, at nanalong Miss Universe Philippines ay confident na talaga siya na maipapanalo ko 'yon kahit noong nagti-training pa lang kami. I can still remember how he told me that I will represent our country in the Miss Universe pageant with such determination and fierce. Now I'm seeing those look at his eyes again. "I'll do my best, Michael. I'll do my best so I can wear the Mikimoto Crown, I promised." "Your highness." Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko ng ibinaba pa ni Phoebe ng bahagya ang kaniyang ulo na para bang nagbibigay galang ito sa isang maharlika. "You did it!" She squeals and went to hug me tightly. Her and my parent's proud smile completed this victory of mine. Kung hindi naman nila ako sinuportahan ng sobra, hindi rin makukumpleto ang pagkapanalo ko kahit na nasa 'kin pa ang korona. This is my dream but I always want to share this dream of mine with them. Mahigpit na niyakap ko rin sina Mama. And for the nth time this day I saw her cried again. Oh, Mama! Marami pa 'kong nilapitan na taong kinausap, kinumusta at pinasalamatan sa pagpunta at sa naging parte nila sa 'king pagkapanalo. Gano'n pa man ay hindi pa rin nakatakas sa 'kin ang lungkot sa mga mata ni Phoebe na alam kong pilit niyang tinatago mula sa lahat. Mula sa glass wall ng restaurant at nakita ko s'ya sa tapat nitong establisyemento. Mukhang kaswal lamang siyang nakikipag-usap sa kaniyang cellphone ngunit nang lumingon s'ya sa gawi ko'y hindi na nakatakas pa mula sa 'king mata ang kaniyang pag-iyak. "Excuse me." Pagpapaalam ko sa babaeng kinakausap ko. Pumayag naman 'to at nakangiting tumango na lamang sa 'kin. I was about to pull the door and step outside when a female staff of the restaurant approached me. "Ms. Margaret." Sumulyap ako kay Phoebe na abala pa rin sa kausap nito. I sighed heavily and went to see the restaurant staff. Nakangiting iprinisinta ko sa kaniya ang aking sarili. "Yes?" "P'wede po bang magpapicture sa inyo? Kahit isang beses lang," anito. Her eyes is hopeful and so do the small curve in her full lips with a shade of orange velvet of lipstick. I nodded that widened the said smile. Kaagad akong lumapit sa kaniya. Kinuha ko na rin ang cellphone nito para ako na mismo ang kumuha ng picture naming dalawa dahil abala ang iba pang tao sa loob nitong restaurant at mukhang walang ibang gagawa nito. I pasted a smile in my lips and took couple shots of us. Nang matapos ay ibinalik ko na rin kaagad sa kaniya 'yong phone at nagpaalama na. Mabilis na 'kong lumakad palabas pero wala na sa dati niyang kinatatayuan si Phoebe. Where did she go? Naglakad-lakad ako para hanapin 'to. Dead batt ang phone ko at nasa bag ko 'yon na nasa loob naman ng restaurant kung kaya't hindi ko siya magawang tawagan. My frustration to find her fade eventually upon seeing her standing in the alley of the two establishment. Puffing her smoke that I loathed the smell, I started to get irritated. Ito ba ang natutunan niya sa pag-aaral niya sa ibang bansa? "What the f—," "Go say that f word. I'm gonna throw you out of this planet, Phoebe Gallium!" Banta ko rito matapos kong kunin sa kaniya ng biglaan ang sigarilyong hinihithit n'ya dahilan para sa kamuntikan nitong pagmumura. Ayoko talaga sa amoy ng sigarilyo. Lalo na sa mga taong naninigarilyo at hindi ako makapaniwala na ginagawa n'ya 'to ngayon. "What is it?" I reprimand with a more calm voice. Dad always believe that Phoebe is the black sheep of our family but for me and to our Kuya Marcus, she's just a misunderstood one. She may be a trouble maker at times, loves to take everything easy but I really can't blame her. She's just nineteen. She's experiencing things and building up herself through mistakes and lesson that it has. Lahat naman ng tao dumaan sa gano'n. Nagulat na lamang ako ng bigla itong yumakap sa 'kin at umiyak. She's sobbing really hard and choking on it. It made me feel as if she's been going through a lot but she can't tell anyone about it. Parang ang dami-dami niya ng kinikimkim at ngayon n'ya na lang 'yon nagawang iiyak at ilabas. "Phoebe?" Nang-aalong tawag ko rito. I saw her sniff, a tired smile lightened up her beautiful face. Maingat niyang pinalis ang mga luhang dumaosos sa kaniyang pisnge. Her eyes crane up to me. Binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi at bumuntong hininga. "S-si Charles." Muli itong humikbi. Naalarma ako at nagsimula na ring mataranta. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pilit na ipinagdaop ang mga mata namin. "Charles cheated on me again, Ate." She confessed. Sumayad ang panga ko sa makitid na kalsada ng iskinita. The mere fact that her boyfriend, Charles whom I thought is decent and faithful cheated on him is a surprise for me and yet when I realize that the word 'again' is attached on that statement of hers, it blown me away. "What do you mean again? Nag-cheat na s'ya sa 'yo dati? Pero, Phoebe wala ka namang nabanggit sa 'kin na kahit ano tungkol sa bagay na 'yon." She wipe her set of new fallen tears. Muli itong suminghot at nahihiyang tumingin sa 'kin. I somehow hated the idea that she got into a relationship at the age of seventeen but I keep it to myself. Gusto nina Mama at Papa si Charles para kay Phoebe dahil nagmula rin naman 'to sa prominenteng pamilya ng mga pulitiko sa Nueva Ecija. And though Charles has this bad boy aura with him from the very start, I thought it'll be just for he look very sincere. Sixteen years old si Phoebe nang niligawan n'ya 'to at naging sila pagkatapos ng 17th birthday ng kapatid ko. They're in a relationship for almost two years now. No one thought, not even me that he can cheat on her. Oh, well...What do I expect from boys? Phoebe Gallium shook her head. Muli niyang pinunasan ang pisnge at matamis ng ngumiti sa 'kin. "Let's not talk about him now. I don't want to spoil this special night. Magkukwento ako pero hindi muna ngayon," aniya. Hindi na 'ko nagpumilit pa. Baka kailangan niya rin ng space para makapag-isip. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na gugustuhin pang magkabalikan sila. If your partner cheated on you, by all means you should walk out from the said relationship. Dapat matuto ang tao na h'wag gawing excuse ang salitang 'mahal ko kasi' para itolerate ang mga kasalanang sinadyang gawin ng mga karelasyon nila. Cheating is a mistake made by choice. "I'm sorry hija as much as we want to stay longer we can't. Alam mo namang malapit na ang fiesta sa Santiago, maraming kailangang asikasuhin lalo na't centennial 'yon," anas ni Papa, sa tono pa lamang ng boses nito ay mahihinuhuna ang labis niyang panghihinayang. Wala naman ng kaso 'yon sa 'kin. After all he's the Congressman, and he should be there. Sapat na sa 'kin na kahit abala at puno ang schedule nila ni Mama ay nagawa pa rin nilang lumuwas dito para panuorin ang pageant at dumalo sa victory party. I smiled and hug him back. "Ayos lang po. Uuwi rin ako kaagad sa Santiago kapag natapos na 'yong meeting with the board of Binibining Pilipinas," sabi ko pa. He pats my heads and nod too. Ilang minuto pa ang lumipas na iginugol ko sa pag-uusap namin at pagbibilin niya ng mga bagay-bagay. He hugged me tightly as if we won't be able to see each other again. Si Mama talaga. "After three weeks, Margaret magsisimula na ang training mo para sa Miss Universe." Mahigpit na paalala sa 'kin ni Michael habang papasakay 'to sa kaniyang subaru. I grin at him and nodded. Tuluyan niya ng isinara ang bintana ng kaniyang kotse at maya-maya pa'y pinaharurot na rin ang kaniyang sasakyan. Sumulyap ako sa 'king wrist watch at nakitang ala-una ng madaling araw. I glance at the restaurant and saw that the staff werr cleaning the venue that we used for the party. "Tara na ho?" sabi ni Caloy, ang personal driver ko. Siya rin ang personal driver noon ni Papa sa Santiago pero nang mag-aral ako rito sa Manila ay ipinasama na s'ya sa 'kin ni Papa bilang bodyguard at driver ko. He opened the door of the SUV's passenger seat. Muli akong napatingin sa may restaurant at kumuway sa manager no'n bilang pagpapaalam bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kotse. "Kuya ingat po sa pagdadrive ah, umulan kanina eh, madulas ang kalsada." Paalala ko na tinanguan na lamang ni Caloy. He nodded, I pressume on sitting myself comportably. Mula alas-tres ng madaling araw kahapon ay gising na 'ko. Pagod na pagod na rin ako dahil sa mahabang araw na 'to at gustong-gusto ko nang matulog. Bago ko pa man maipikit ang aking mata para umidlit ay napabalikwas na 'ko sa 'king kinauupuan ng bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na tunog dala ng pagbungo namin sa kung ano. Napahawak ako sa sandalan ng driver's seat at mariing napapikit. Labis labis ang bilis ng t***k ng aking puso dahil sa kaba. "Kuya ano pong nangyari?" I asked immediately. Problemadong bumaling s'ya sa 'kin at kitang-kita na kaagad ang pamumutla sa kaniyang mukha. "Sorry po, Ma'am. Nabangga ko 'yong kotse sa unahan natin. Mukha pa namang mamahalin," anito saka nag-alis ng kaniyang seatbelt para labasin ang may-ari ng sasakyang nabunggo namin. I sighed deeply and went after him. Tama nga s'ya mamahalin nga ang kotseng nabunggo n'ya dahil Ferrari 'yon. "Malala ho ba 'yong damage, Kuya?" Pang-uusisa ko. I stomped my feet violently when the rain started to pour. Isang bagsakan lang at basang-basa na 'ko dahil sa lakas no'n. A man years older than me, I guess? Step out of his Ferrari not minding the heavy rain. He look pissed and angry all at the same time. Of course he will be. Inalis nito ang hood ng jacket na suot niya at ng magtama ang mata namin ay parang bigla akong kinilabutan. His eyes is like a rabid beaufort scale. The heavy feeling his way of staring gave me is an enough reason to hide myself. Something about him tells me that he's dangerous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD