Chapter 2

1974 Words
Margaret Akari's Pov "S-SANDALI lang. Bakit n'yo po s'ya ipinapasok sa kulungan?" maagap na tanong ko sa police officer. Tinuloy nito ang pagbubukas sa maliit na gate ng rehas bago s'ya bumaling sa 'kin at seryosong tumingin. I bit my lower lip and shifted my eyes to Mang. Caloy. He turned to me casually  with a reassuring smile, telling me that it's fine. I shook my head in dispute. "Sige, pasok na ho kayo," ani ng police officer. "Margaret—," "Atty. Dela Vin, please do something about this. H'wag kayong pumayag na makulong si Mang. Caloy." Malalim itong napabuntong hininga habang sinisipat niya si Mang. Caloy na tuluyan nang naipasok sa loob, pagkatapos ay muli nitong ibinalik sa 'kin ang buong atensyon n'ya. Why am I having a bad feeling that whatever is it that he's gonna say is something I wouldn't like. "Mr. Cojuangco file a reckless in driving resulting to damage to property against Caloy. It's a serious offense punishable by law that's why they're taking him in prison after getting his statement, the good news is it's bailable." Napangiti na 'ko dahil sa pagkabunot ng tinik sa 'king dibdib dala ng mga narinig ko ngayon. That Mr. Cojuangco, whoever he is lost it in his mind what kindness and consideration means. I'm sure that he knows my driver isn't driving recklessly, the road is slippery and what happened is a mini road incident. We could have just settle the damages in his car without this kind of fuss. Kaya ko namang bayaran 'yong mga na-damage sa Ferrari n'ya. "Mamayang nine pa ang office hours, until then, they're keeping Mang. Caloy," sabi sa 'kin ni Luhence pagkatapos nitong makausap ang officer na humahawasak sa kaso ng aking driver. I took my phone out of my bag to check on time. It's just 2: 13 am, we still have to wait for 8 hours. Ibinaba ko 'yon saka ako nag-angat ng tingin kay Luhence at tumango na lamang bilang tugon sa lahat ng mga sinabi n'ya. He took his phone out of his pants and went out to pick it up. Bubuntong hininga pa lang ako nang maramdaman ko rin ang pagba-vibrate ng phone ko na nasa 'king palad pa rin. I stood up from the bench and sauntered towards the corner of the police station before I asnwer Papa's call. "I'm fine. No, you don't have to come over. Atty. Dela Vin can handle this. We'll be fine, yes, I will still be home in Santiago tonight." I bit my lower lip as I listen to their words and reminders. I just couldn't understand it for Mama's bombing me with lots of it. Mula sa 'king kinatatayuan ay napatingin ako sa gawi kung nasaan ang kulungan. Tahimik lang na nakaupo si Mang. Caloy sa isang sulok at kitang-kita sa mukha nito ang kaniyang frustration. "We will, I love you too." I ended the call and sighs again. Bitbit ang aking bag ay napagpasyahan kong umalis muna para bumili ng kape sa katapat na convenience store nitong police station. My sleepless night will be extended and I need to have caffeine in my blood to keep me awake for the next hours. Pagtulak na pagtulak ko pa lamang sa babasaging pinto ng convenience store ay lumukob na sa 'king katawan ang mala-yelong lamig na dala ng aircon sa loob. I was hesitant to come inside for a moment is on the verge of coming back to police station until I find myself yawning and my heavy eyes wants to shut itself. Bahala ng lamigin. Habang nakapila sa counter para bayaran ang instant coffee na nasa cup na bibilhin ko ay hindi maiwasan na napapatingin sa 'kin ang ibang tao lalo na't kapansin-pansing basa ang dress na suot ko dahil sa naging pag-ulan kanina. I plan on ignoring their stares and gossips until I get what I want. I'm doing it accordingly until I felt a unforseen hand that taps my shoulder. Nilingon ko 'yon suot ang saktong ekspresyon sa 'king mukha. She shrieked and cover her mouth. Her chubby cheeks turned cherry pink as she squeals again. Nang mapagtanto kung bakit gano'n ang reaksyon nito ay dali-dali ko siyang sinenyasan para tumahimik at h'wag nang sabihin pa kung sino ako. "Can we have a picture together—," "Next," sabi ng cashier. Kinuha ko ang cellphone ng babae na nakahanda na at dali-daling nag-selfie kasama nito na inabot lang naman ng ilang segundo. I smiled at her before I walk to counter and pay for my coffee. "48 pesos lang po," nakangiti pa rin ang cashier habang sinasabi 'yon sa 'kin. Binuksan ko ang wallet na kanina ko pa rin hawak para kumuha ng perang ipambabayad ko rito. "Thank you," anito, tanging ngiti na lamang ang isinagot ko sa kaniya. Pagkatapos kong malagyan ng mainit na tubig ang kapeng binili ay dumiretso muna ako sa pinakadulo sa hilera ng mga upuan. Ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa ang bag at marahang hinipan ang kape bago ako ro'n maingat na sumimsim. I was enjoying my cup of cheap yet great tasting coffee while watching cars and vehicle to pass on the street till I saw someone sit on the stool next to me. Napailing na lamang ako malalim na bumuntong hininga at umirap sa ere bago ko itinuloy ang pag-inom sa 'king kape. "Hindi ba p'wedeng h'wag mo na lang ituloy 'yong kaso laban sa driver ko?" hindi ko na napigilan pa ang sarili na magsalita. Ibinaba nito ang lata nang iniinom na energy drink saka nagtapon sa 'kin ng tingin na mas malamig pa sa hanging ibinubuga ng aircon nitong convenience store. The way his ivory black eyes hold his seriousness indicates that he's not up for negotiation. "Kaya ko namang bayaran ang damages sa sports car mo kahit na ngayon na—," Clenching his jaw, he glare at me that made me stop from talking, "This isn't just about the damages. It's about your driver and his reckless driving. Paano kung hindi lang kotse ko 'yong naging damage? Paano kung may namatay dahil sa aksidente?" he huffed. His lips didn't even lift when he was saying those. "He isn't driving recklessly, the road is slippery. He's been driving for my family for God knows since when! What happened earlier is an accident—," "Na hindi dapat mangyayari kung mas naging maingat lang s'ya," pagputol nito sa sinasabi ko. His reason and logic pushes me to shut it already. Mas malaki pa ata ang chance ko na masungkit ang korona sa Miss Universe kaysa maipanalo ang argumento na 'to sa kaniya. Kung magsalita kasi siya at bumirada pabalik ay parang bihasang abugado lang ang kausap ko na nasa gitna ng isang trial at dinedepensahan ang biktima. Ibinuhos ko na lang ulit ang aking atensyon sa kapeng iniinom. Kahit ata ubusin ko ang lahat ng kape na nasa convenience store na 'to at mag-palpitate pa 'ko ay hindi pa rin maiibsan non ang inis ko para sa kaniya. Sipping on my coffee, my eyes made wanders to street as I gazes at the glass wall of this convenience store. A familiar scenario that I may not get to see everyday caught my attention. Nakapako lamang ang mata ko sa batang lalaki na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang pa lang. Marumi ang punit-punit at may kalakihang kulay puting t-shirt na suot nito. Ang kaniyang mukha at buong katawan ay nanlilimahid na rin dahilan para pandirian ito ng bawat taong lalapitan niya para manghingi ng tulong at mamalimos. Buhat ang mas nakababatang kapatid nito sa kaniyang bisig ay hindi ko maialis sa isip ko na maawa sa kanilang dalawa. Habang may mga tao rito na katulad namin, na ang tanging pinoproblema ay ang sira sa mamahaling kotse, may katulad nila na araw-araw problema kung saan banda sa malawak na sulok ng siyudad na ito nila hahagilapin ang kahit na anong p'wede nilang ipanglaman sa mga kumakalam na sikmura. Nasaan kaya ang mga magulang ng dalawang batang 'yon? Napatayo ako sa 'king kinauupuan at dali-daling hinablot ang aking bag para puntahan ang magkapatid na nanlilimos. Labis-labis ang pag-aalala na bumangga sa 'king dibdib nang makita kong mawalan sila ng balanse matapos itong tabigin ng isang lalaki na hinabol nila para panlimusan. Kahit na nakita nitong natumba na ang magkapatid dahilan para maiyak iyong batang buhat ng batang lalaki ay patuloy pa rin ang mga tao sa paligid sa hindi pagpansin sa kanila. "H'wag ka na kasing umiyak, g-ginagawan naman na ni Kuya ng paraan para makakain na tayo ih, may eight pesos na 'ko. Mamaya ay bibili tayo ng kanin," rinig kong sabi nito sa kapatid niya ng makalapit ako. I was quick to hide my tears when they turned at me. Paano kung kami nina Kuya Marcus at Phoebe ang nasa kalagayan nilang magkapatid? Paano kung si Phoebe ang umiiyak sa 'kin dahil sa gutom? Hindi ko ata alam kung anong gagawin ko. "Miss Beautiful, palimos po, pangkain lang ng kapatid ko. Kung gusto niyo po ay p'wede kong punasan ang kotse n'yo—," "Sige, roon na lang tayo sa convenience store. Bibilhan ko kayo ng pagkain. Ano bang gusto n'yo?" nakangiting tanong ko. I never imagined that I will see someone's face turned this bright with such offer. Ang kislap sa mga mata nila ay parang mahikang ipinararating sa 'kin na iniligtas ko sila sa mahabang panahon nang tagutom. Nang makapasok kaming tatlo sa loob ng convenience store ay wala na si Mr. Cojuangco sa dati naming p'westo. Hindi ko na rin pa pinag-aksayahan ng oras na hanapin ito at sa halip ay binilinan ko na lang muna ang magkapatid na maupo muna roon sa stool at hintayin ako habang umoorder ako ng rice meal na p'wede nilang kainin na dalawa. I redeemed my composure and is on the act of walking to counter when I saw Mr. Cojuangco stepping in our way with two plates of chicken meal in a tray that he's carrying. Noong una ay naguluhan at nagtataka ko pa 'tong pinagmasdan hanggang sa tumigil siya sa tabi ng magkapatid at maingat na inilatag sa harapan nila ang mga pagkain na binili maging ang bottled water. "Ubusin n'yo lahat 'yan," he said while smiling to the siblings. Their smiles brought a curve in my lips too and it made me smile to Mr. Cojuangco. Maybe he's kind and considerate too, in his own way. "Kuya, atin 'tong kanin at shiken?" the younger one asked innocently. Ngiting-ngiti na tumango ang kuya nito bago n'ya sinubuan ang kapatid ng pagkain. The moment he smiled while chewing his food is priceless. Minsan nakakaloko rin talaga ang mundong 'to, habang nagkalat ang tao na hindi makuntento sa bagay na mayroon sila at maging masaya na mayroon silang mga gano'n ay marami ring katulad ng magkapatid na 'to, isang kanin at friedchicken lang ang magpapasaya. Maybe happiness really comes from little things like how little things hurt us the most. "Maybe you're not as ruthless as I think you are," wala sa sariling nasabi ko. Napatakip na lamang ako sa 'king bibig nang ma-realized ko na malaki ang posibilidad na narinig din ni Mr. Cojuangco ang mga 'yon. Magkatabi lang naman kami habang pinapanuod pa rin namin ang magkapatid na kumain. Tumingin ito sa 'kin pero hindi na umimik pa. Napanguso na lamang ako at napayakap sa 'king sarili nang maramdaman ko na ulit ang panunuot ng lamig sa 'king katawan. My eyes widened, I looked at him stunned and shock when he wrap his hoodie on my quivering body. "My mother taught me that we should fight and side for what is right but above all, she told me that kindness will save thousand of lives. Hindi nakakababa ng pagkatao na tumulong sa mga taong nangangailangan," anito. His words left me dazed that until he left the convenience store, my eyes keeps searching for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD