Margaret Akari's Pov "Hindi ba dapat bigyan muna natin ng name si Baby, Ate? Nasaan nga pala s'ya?" Phoebe curiously asked. Inilapag ko sa harap nito ang maliit na basket ng repolyo na kailangan n'ya ring hiwain pagkatapos n'ya sa carrots at patatas. I saw her frowned but hide it quickly. Pinilig nito ang ulo at nang matapos na 'to sa hinihiwang patatas ay kinuha n'ya na kaagad 'yong isang piraso ng repolyo mula ro'n sa basket saka inilagay sa sangkalan. Gamit ang rubberband na nakuha ko sa sitaw na hinugasan ko rin kanina. Mabilis na pinuyuran ko ang aking sarili at pinunasan ang aking leeg na kanina pa pinamumugaran ng pawis. "Nasa kwarto ni Sister Adela, iniwan ko muna ro'n kasama ni Ranus para makatulong ako rito," I said. Naglakad ako papunta sa may pingganan saka kumuha ng is

