Margaret Akari's Pov
"Phoebe, oh!" iniabot ko sa kaniya ang printed shirt na ipinasadya pa ni Mama para lang sa feeding program at charity event ngayong araw. Nang matapos 'to sa paglalagay ng moisturizer sa braso ay saka pa lamang 'to humarap sa 'kin.
Hindi nakatakas sa matalas kong mata ang pagngiwi nito nang makita n'ya ang kulay puting t-shirt.
She rolled her eyes, "Required ba talaga nasuotin 'yan? Ate, ayoko," anito. Tumayo s'ya at pumasok sa walk-in closet n'ya.
Ilang segunda ang lumipas ay lumabas na 'to roon at muling naupo para isuot ang kulay pink na sneakers na ipinares nito sa high-waisted shorts at off-shoulder hanging top.
That's quite revealing, but it suits her though.
"P'wede naman na sigurong hindi. Ayoko n'yan," anito saka tumayo na at hinablot ang kulay pink din na ysl sling bag.
Wala na 'kong nagawa pa nang ngisian na lang ako nito saka s'ya nilampasan. Mukhang ako lang ata ang magsusuot ng t-shirt na 'to, ang sabi kasi ni Mama ay hindi kasya sa kaniya 'tong large size, medyo masikip daw at hindi s'ya makahinga, si Kuya Marcus naman ay nag-iinarte rin katulad ni Venus.
Sayang lang ang mga t-shirt na 'to.
"Dapat mamayang mga 7 am na lang ako pumunta sa center, e. Hindi naman ako makakatulong sa pagluluto. Sigurado rin naman ako na maraming volunteer doon na tutulong doon," Phoebe whined while we're stepping inside of the Suv. Dahil si Kuya Marcus ang magdadrive, sa shotgun ako mauupo at sa passenger seat naman si Phoebe.
Sina Mama naman ay susunod na lang sa 'min dahil kailangan pa nilang sunduin si Father na magmimisa sa orphanage mamayang 6 am.
"Peb, Charles kept on calling me. You're ditching him?" Kuya Marcus asked while driving. Nilingon ko si Phoebe at kitang-kita ang hesitasyon sa mga mata nito. She opened her mouth and I thought she'll speak up but in the end, she closed her mouth again.
Umayos ako nang upo at si Kuya Marcus naman ang binalingan.
"If Phoebe wake up and start picking up her senses, she should have been ditch the asshole the first time he cheated," dire-diretso ko nang sinabi.
"Ate naman," angal nito na pinagkibitan ko na lang ng balikat, sa t'wing nahahalo si Charles sa pag-uusap naming dalawa ay parate niya lang nirarason na hindi pa raw kasi ako na-in love kaya hindi ko maintindihan kung bakit n'ya paulit-ulit na binibigyan ng chance si Charles.
"I love him—,"
"There she goes again, kapag ba nagmamahal required na magpakatanga?" muli kong nilingon si Phoebe na ang tanging nagawa na lang ay mapanguso dahil sa mga litanya ko.
I felt Kuya's gazes at me, secretly telling me to stop my litany but I just couldn't do it.
"Look at you, ubos na ubos ka na. One day, magmamahal ako pero hindi ko ibubuhos lahat para sa lalaking 'yon. Ang hirap kayang buuin ulit ang sarili mo kung durog na durog ka talaga—,"
"Margaret stop. Let Phoebe realize things, kahit naman anong pagalit mo sa kaniya hangga't hindi yan pagod na pagod hindi 'yan titigil kakaasa na magbabago si Charles," sansala ni Kuya Marcus sa sinasabi ko.
I shrugged my shoulders and settled myself comfortably on the shotgun seat. "Why don't you just date Saturn instead?" bigla kong suhestyon. It popped up in my head randomly after remembering that they're almost kissing in the gate when I saw them last night.
Phoebe may be head over in love with Charles, but I must say that she look better with Saturn. Isa pa, that young man is better than Charles.
Kuya's laughter heaped the corners of our car. Pinaningkitan ko 'to ng mata.
I'm dead serious!
"Saturn is just a friend," giit nito. Hindi na 'ko nakaimik pa dahil matapos ang ilang minuto naming pagdidiskusyunan na magkakapatid ay nakarating na kami sa center for the orphanage.
"Anong mayroon?" takang tanong ko nang mapansin na nagkukumpulan ang mga tao sa tapat ng orphanage. Hindi ba dapat sa kusina sila nagkukumpulan kasi roon kami magluluto.
Tumingin ako kay Marcus. Inayos nito ang suot na t-shirt pagkatapos niyang maisara ang pinto ng sasakyan. He gave me a cold shoulder and walk nonchalantly to the sea of crowd for his curiousity to be answer.
"Ate Flora, ano pong mayroon?" tanong ko ulit. Ilang saglit pa'y nakita ko ang baby na karga-karga ni Sister Adela. I don't know if the baby is a girl or boy but she or he's cute.
Maputi 'yon na may mahahabang pilik-mata. Ang kaniyang labi ay manipis na hugis puso at ang kaniyang pisnge ay nakakapangigil dahil sa labis na katabaan.
Sandali lang, parang wala pa naman dito kahapon ang baby na 'yan ah.
"Iniwan sa tapat ng gate, si Bochok pa nga ang nakakita paghatid n'ya ng mga inorder na baboy," sabi ni Ate Flora.
The baby whom I guess is about five or six months cried. Kahit na sinasayaw at hinihele na 'to ni Sister Adela para tumahan ay hindi 'yon epekto at sa halip ay mas lalo lamang lumalakas ang pagtangis nito.
Kawawa naman 'yong baby. Sino kaya ang magulang n'ya at bakit siya iniwan ng basta-basta rito sa center?
"Venus, tawagan mo nga si Ranus. Mukhang nagugutom na talaga ang baby na 'to," si Sister Adela. My forehead furrowed.
Bakit si Ranus ang hinahanap nila eh di ba dapat gatas na mapapadede o hindi kaya nanay na p'wede niyang mapag-breastfeed-an?
Venus took her phone and started to dial in her phone. Habang tinatawagan ang pinsan nito ay patuloy pa rin ang baby sa pag-iyak.
Kahit na anong paglalaro ang gawin ng mga taong nakapalibot sa kaniya ay hindi pa rin 'yon sa pag-iyak.
Maybe it's a motherly instinct—I don't know if I should call it like that by my mind urges me to take the baby from Sister Adela ang lull it to sleep.
"P'wede po?" medyo ninenerbyos ko pang tanong. Sanay akong mag-alaga ng mga batang edad two years old pataas pero ito ang unang beses na bubuhat ako ng baby na as in baby pa talaga.
Ngumiti sa 'kin si Sister at maingat nitong ipinabuhat ang baby. Ang isang kamay ko'y nasa may pwetan nito at ang isa naman ay nasa maliit niyang likuran bilang pagsuporta.
Unti-unti akong gumalaw para ihele ang baby na sa himala ng Diyos ay unti-unti namang tumigil sa pag-iyak. Everyone cheered silently because of it, it's like a victorious moment for everyone in the center.
Ilang minuto pa ang nilaan ko sa paghehele rito ay tuluyan na ngang nakatulog ang baby. Ang mga tao na nakikiusisa ay pumunta na sa kusina at ginawa na ang kaniya-kaniya nilang trabaho, habang ako naman ay dumiretso sa isang kwarto na nakalaan talaga para sa mga baby na ngayon na lang ulit magagamit. Pagkatapos kasi ng halos apat na taon ay ngayon na lang ulit may nag-iwan ng baby rito sa orphanage.
Marahan kong inilapag ang baby sa crib at itinakip sa kaniya ang kulay puting kulambo para tiyakin na hindi ito pagpipyestahan ng lamok.
Napatingin ako kay Sister Adela, "Bakit po?" I asked, half-smiling. Binuksan nito ang electric fan ngunit hindi n'ya 'yon idinirekta sa baby, marahil ay para hindi ito kabagin.
Umayos ito nang tayo at muling tumingin sa 'kin. "Ang galing mo naman, parang natural lang sa 'yo ang pagiging Ina," puri n'ya na mas lalo pang nagpangiti sa 'kin.
Hindi ko rin alam pero noon pa talaga, gustong-gusto ko na 'yong pakiramdam na may inaalagaan akong mga bata. I'm fond of children so much that the thought of having one is frequently visiting my mind. If not for my hate to dealing with men and that so called relationship struggles, maybe I'll consider getting married years ago, after I turned 21.
Bumukas ang pinto at ipinakita non sa 'min si Ranus na may dalang paper bags at plastic na may box ng gatas na pang-baby.
"Sorry po medyo natagalan—who made her stop crying?" tanong nito nang makita ang baby na payapa nang natutulog sa crib.
So the baby is a she? Nang masulyapan ko ang iba pang mga dala-dala ni Ranus ay saka ko na lang napagtanto kung bakit s'ya ang hinahanap kanina.
Itinuro ako ni Sister Adela at kaagad na tumingin sa 'kin si Ranus. Noong una ay kapansin-pansin na parang hindi pa 'to makapaniwala.
"Kung mag-asawa lang kayong dalawa. Matutuwa ako kung kaya ang aampon sa baby na 'to," Sister declared unexpectedly.
Nang magtama ang mata namin ni Ranus ay kaagad na nag-init ang pisnge ko. The hell I am imagining a life with Ranus and this baby?
Goodness, Margaret... stop it!
"If we're, we'll gladly will, but Margaret is in the midst of chasing and turning her dreams into reality. Maybe after her Miss Universe competition," diretso at seryosong saad ni Uranus. Lumapad ang panga ko sa sahig ng kwarto dahil sa mga narinig.
Ayos lang ba s'ya?
I know that there's a big possibility that what he said is a joke, it's just that the way he deliver it is off. Kung makapagsalita naman kasi 'to ay para kaming magkasintahan at nagpoforeshadowing na s'ya pagkatapos ng Miss Universe competition ay yayain n'ya na 'kong magpakasal.
Natawa na lamang si Sister Adela. Ranus on the other hand remained serious and stoic. Seriously, this man should learn how to loosen up sometimes.
"S'ya, kayo muna ang bahala kay baby, a. Gigisingin ko lang ang ibang bata para makapaghanda na sila," pagpapaalam ni Sister Adela na halos sabay naming tinanguan ni Ranus bilang pagpayag.
Mabilis pa sa kisap-matang nakalabas si Sister sa kwarto at kami na lang ang natira sa kwarto. Dead silence conquered as and I'm starting to have regrets.
Dapat pala ay sumama na lang ako kay Sister, mukhang kaya naman ata ni Ranus ang mag-alaga nitong baby ng mag-isa.
"Maybe I should make a milk for her, once na magising s'ya sure ako na mas gutom na gutom na yan kaysa kanina," I said to lighten up the mood.
Isa-isa kong nilabas ang baby bottle, lata ng gatas na sakto para sa baby at ang 1 litro ng distilled water.
"Marunong ka magtimpla?" he asked in his more casual voice, the one that he uses when he's talking to Venus. Natigil ako sa pagbubukas ng distilled water. Napatingin sa kaniya at nahihiyang umiling.
He hide a smile and took the water from me after he grabbed the baby water.
"See that?" itinuro nito ang parang measurement na nasa gilid ng baby bottle. Habang seryoso pa ring nakatingin sa itinuturo nito ay tumango ako sa kaniya.
"Pour water until it reaches the number 8 then put a four scoops of milk," anito habang ginagawa 'yon. Muli nitong tinakpan ang lata ng gatas. Tumingin 'to sa 'kin bago n'ya tinakpan ang baby bottled.
Nang matapos ay kaagad niya 'yong iniabot sa 'kin. "As easy as that," he murmured.
Amazed, I stare at him with so much admiration that I just couldn't hide. It looks to me that he knows so much 'bout taking care of baby, plus pogi points kaya 'yon. Literal kasi na mabibilang lang sa kamay ang lalaking alam ang ganitong mga bagay.
Naputol ang pagtitinginan naming dalawa nang mag-vibrate ang phone ko na ipinatong ko sa lamesa kanina nang usisain ko ang mga dala-dala n'ya.
He stared at it before he looks back at me.
"Your boyfriend is calling," he said, and he sounds bitter or was it just me?
Bago ko pa makuha ang aking cellphone ay namatay na 'yon. Nag-angat ako ng tingin kay Ranus. "Michael is a dear friend and trainor of mine. Hindi kami talo, he's gay. Wala pa sa isip ko na magkaroon ng karelasyon ngayon. Maghintay muna ang mga lalaki na 'yan," natatawa kong sinabi.
"Hmm, then I'll wait."