Margaret's Pov
"Ate, s'ya ba 'yon?" pabulong na tanong sa 'kin ni Phoebe. Talaga lang ha, hindi na s'ya nakapaghintay na usain ako pagdating sa bahay at dito na s'ya bumubulong.
Tumingin lang ako sa kaniya pabalik ngunit hindi na nagsalita pa. Mas lalong lumapad ang mapang-asar at mapang-udyok na ngiting nakapirmi sa labi ng bunso kong kapatid.
Naiiling na binaba ko na lang ang aking mata at inilagak ang buo kong atensyon sa 'king cellphone.
From: Michael
Akari, gusto na tayong makita ni Ferdie para mapag-usapan na raw ang designs ng gown na gagamitin mo para sa Miss Universe.
Excitement flows in my vein immediately at the simple message. Ang mag-brainstorming ng mga ideya para gown ang isa sa pinaka-gusto ko sa t'wing sumasali ako ng pageant. Simula't sapul kasi ay mga couture na ang sinusuot ko.
"Sino 'yan?" dumukwang si Phoebe sa cellphone ko. Ang excitement ko'y walang-wala sa excitement nito dahil napatili pa s'ya at halos naghahyperventilate na.
I put my forefinger in my lips to hush her. Iginila ko ang mata sa paligid para alamin kung mayroon ba kaming naperwisyo ngunit kaagad kong binawi ang mata ko at nag-iwas ng tingin nang makita ko si Uranus na sumusulyap sa 'min.
His forehead is like a scrunched piece of paper that's most likely impossible to flatten again. Hindi ako sigurado kung sa 'kin ba 'to mukhang naiirita o roon sa bahagyang pagtili ni Phoebe kanina.
"Sorry," rinig kong sinabi ni Phoebe pero kung sino man ang sinabihan n'ya non ay hindi ko na tinangka pang alamin.
To: Michael.
"I'll be in Manila after two weeks. Will it be okay? Kung hindi ay ayos lang din naman.
Ilang segundo matapos kong maisend dito ang reply ko ay rumehistro na kaagad ang pangalan n'ya sa screen ng cellphone.
His incoming call made me stood up from the couch and walk hastily outside.
"Michael," I chirped.
His soft and familiar chuckles welcomed my ears.
"Okay, we're actually on our way in Santiago for your town's renowned Summer Festival." The newly acquired news from him gave me another reason to feel this strong adrenaline.
Kinagat ko ang aking labi para itago kahit papaano ang hindi ko maipaliwanag na excitement.
"Dito na rin ba natin pag-uusapan 'yong tungkol sa gown?" pang-uusisa ko. I heard murmurs from the other line that I didn't get to clearly understand.
"That's possible..." si Ferdie na ngayon ang kausap ko. I lick my lower lip ang bite it again to stop the quivering caused by this unexplainable excitement of mine.
Parang bula naman na nawala ang ngiti sa labi ko nang paglingon ko ulit sa front door ng mansyon ay nakatayo na roon si Ranus. Bagama't hindi ito nakatingin sa 'kin at mukhang wala naman talaga siyang pakialam sa existence ko ay hindi ko maiwasang hindi isipin na nakinig ito sa mga pinag-usapan namin.
I narrowed my eyes on him, "What?" pasungit na tanong nito sa 'kin.
Iniling ko na lang ang aking ulo bilang tugon atsaka s'ya nilampasan para pumasok na sa loob ng mansyon nina Venus.
Hindi naman ako mainipin, pero pakiramdam ko'y binibilang ko ang bawat segundong lumilipas at nasasayang habang tahimik naming hinihintay ni Phoebe na matapos magbihis si Venus at makababa na ulit.
"Sorry, medyo matagal... naligo pa kasi ako," anito sa 'min. We didn't waste time and headed to my car.
"Kuya Ranus, sama ka sa 'min sa simbahan?" pagyaya ni Venus na gusto ko mang tutulan ay hindi ko na nagawa pang sabihin.
That Uranus Galliver Cojuangco is too much, his aura and that rabid ivory black eyes of him and the way he bore his eyes on me as if I have done something maleficent to him is making me stuffy and anxious.
Binuksan ko ang pinto ng Suv at sasakay na sana ro'n nang wala ng balak na makinig pa sa usapan nilang magpinsan ay nahagip naman ng mata ko ang pagtango nito bilang pagpayag sa alok sa kaniya ni Venus.
Binuhay ko ang makina ng sasakyan ngunit hindi muna 'yon kaagad na minaniobra paalis, sa halip ay ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at tinawag si Venus.
"Mauna na kami sa simbahan." She nodded her head and smiles. Isasarado ko na sana ulit ang bintana nang matulala ako sa kanilang magpinsan matapos siyang pagbuksan ni Ranus ng pinto.
He even smiled at her.
Pinilig ko ang aking ulo at tuluyan na lang sinarado ang bintana at pinaharurot na nang tuluyan ang kotse palabas ng gate nitong mansyon.
"Ate, hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko kanina." Sandali akong tumigil sa pagpapatakbo ng kotse para hayaang tumawid ang mga taong nasa pedesrtian lane.
I switched the gear stick and maneuver the car again. "Ano 'yon?"
"Na 'yong anak ni Governor 'yong may-ari ng Ferrari na nabangga ni Mang Caloy. Ramdam ko kaya na tensyonado ka kapag kaharap s'ya." I pull over in the church's limited parking space.
Pinatay ko ang makina ng sasakyan saka ko hinarap ang aking kapatid na balak atang sundan si Tito Boy sa pagiging usisera at pagsasalang ng tao sa hot seat.
"Yeah, he is." She snapped her fingers. "I know it," lumabas na 'ko ng sasakyan at hindi na inintindi pa si Phoebe.
"Sister, kasunod na po namin sina Venus," sabi ko pagkatapos magmano kay Sister Mary. Ang ibang kasama sa santa cruzan ay narito na, maging si Ariz na siyang escort din ng Reyna Elena na pinalitan ni Venus dahil nagkasakit ay nandito na.
Hindi ba't trabahador din naman nila 'yon.
"Ah, oo nga pala. Dumating na 'yong iba't ibang disenyo ng sash na gagamitin ng mga Reyna para sa Santa Cruzan, p'wede mo ba 'kong tulungan mamili?"
"Lahat kasi ay magaganda naman par sa 'kin," sabi ni Sister Mary. Hindi na kami naghintay pa ng panibagog minuto na lumipas ay pumasok na kami sa loob ng simbahan.
Si Phoebe na katulong ng ibang madre at tauhan ng munisipyo na inilalagay ang iba't ibang mga Reyna sa tama nilang pagkakasunod ay hindi ko na nagawa pang pagpaalamanan.
Hayaan na nga, mabilis lang naman 'to.
"Ito sila, hija." Nakangiting tinuro sa 'kin ni Sister Mary ang limang disenyo ng mga sash na maayos na nakalatag sa ibabaw ng higaan sa loob ng kwarto nito.
I walk towards her bed nonchalantly and grabbed the sash from it that earned my smile and interest. Pumihit ako paharap kay Sister saka pinakita rito ang sash na napili ko at sa tingin ko'y pinaka-maganda sa lahat.
The white thin and silky fabric that complimented the gold glitters used to form the Reyna Elena is endearing to look at. The folded details of red ribbon on the side of the sash pulled a simple yet elegant vibe on it.
Besides, white is associated to purity and red is for love. That makes the sash more meaningful rather than being just beautiful.
Mas lalong kumurba ang sulok ng labi ni Sister Mary. "Oo nga, mukhang ito talaga ang babagay sa mga Reyna natin," sabi n'ya pa. Napangiti na lang ako.
"Ate, saan ka galing?" Phoebe asked immediately as soon as her eyes saw me approaching her. "Nagpatulong lang si Sister para sa mga sash. Andito na ba sina Venus—,"
Tumigil ako sa pag-atras nang maramdaman kong natapakan ko na ang sapatos ng kung sino man. My eyes look at Phoebe, asking.
Imbes na sagutin ako'y nakakapanglokong ngiti ang nakuha rito bago n'ya 'ko tinalikuran. Kaagad akong humakbang paabante saka pumihit para harapin—si Ranus.
Puro kahihiyan na lang ba talaga ang aabutin ko kapag s'ya ang kaharap ko?
"S-sorry," I said nervously. Ang puting-puti nitong gucci na sapatos ay may dumi na.
Kahit na hindi na 'ko nakikipagtitigan sa kaniya ay ramdam ko pa rin ang pamimirmi ng mata nito sa 'king mukha.
"Isn't that Beauty Queens supposed to be cautious and seamless?" makahulugan nitong sinabi. Alam ko naman na pasimpleng panunuya n'ya 'yon sa 'kin na pinili kong h'wag na lang pansinin dahil unang-una ay kasalanan ko naman ang nangyari at pangalawa, simula ata nang magkrus ang landas naming dalawa ay puro kamalasan na lang ang inabot n'ya sa 'kin.
Lilinawin ko lang, wala pala akong kasalanan sa nangyari sa kotse n'ya noong unang beses kaming nagkita. Sakay lang din ako ng Suv non.
"Hindi ko naman alam na nasa likuran na pala kita. It's my fault, I'm sorry." I apologize sincerely.
Nagkibit balikat na lang 'to at inabot sa 'kin ang isang bottled water. Imbes na tanggapin na 'yon agad-agad magpasalamat at inumin ay ipinahiya ko na naman ang sarili ko.
"Tubig lang walang pagkain?" That should be a joke to lighten up the mood between us but it came wrong. Mas pinantindi lang nang sinabi ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
Margaret, accept the damn water, say thankful and save yourself from this embarrasment. I scolded myself.
Nang kukuhain ko na ang tubig ay bigla na lang ako nitong tinalikuran na nakapagpanganga sa 'kin.
"Kuya saan ka—," hindi na naituloy pa ni Venus ang sasabihin nito nang nilampasan lang din s'ya ni Ranus basta-basta.
Wala na 'kong nagawa pa kung hindi ang mapanguso na lang. Na-offend ko ba s'ya? I was just trying to be funny here, mukhang mas lalo pang napasama.
"Ate!" Phoebe snapped. Paglingon ko'y nasa harap ko na 'to at nakapaskil na ang ngiting may balak na mang-usyoso.
Hindi ba't marami dapat siyang ginagawa at busy s'ya? H'wag niyang sabihin na hindi pa nakatakas sa matalas nitong mata ang nangyari.
"What happened? Bakit nag-walk out si Attorney?" interesadong-interesado 'to. Wala sa sariling sinundan ng mga mata ko ang puting Chevrolet ni Ranus na lumabas na ng bakuran ng simbahan.
Ah, so abogado pala s'ya... kaya ba masiyado siyang seryoso sa buhay at parang pansan-pasan nito ang maraming problema?
If he'd just smile ocassionaly, he'll be more lovesome.
Pingkibitan ko na lang ng balikat si Phoebe saka ako dumiretso nang lapit kay Venus na nakikipagsukatan ng tingin kay Ariz.
This two, I can feel that there's something between them and I must say that I'm a shipper.
"Stand up tall and straight. Keep your shoulders down and push them back," bahagya kong inurong ang balikat ni Venus para igiya ito sa tama at dapat na posisyon nito.
Madali n'ya naman 'yong nakuha at nanatili na 'to sa gano'ng ayos, sa totoo lang, p'wedeng-p'wede rin siyang sumali sa mga pageant. She's beautiful, smart, well-spoken and nice too.
"Lift from your ribcage. Keep your core (abdominal muscles) tight. Keep your chin up and your neck long. Don’t stick out your chest/tummy or arch your back." Mahigpit kong paalala rito at nang magawa niya ang lahat ng 'yon nang tama ay mas lalo pa 'kong napangiti.
Naalala ko kung gaano ako nahirapan na imintain ang proper posture noong nagsisimula pa lang ang training ko para sa mga pageant. Nakakangawit 'yon sa likod pero si Venus, parang maning-mani lang sa kaniya ang mga 'yon.
"And don't forget that sunshine like smile," I said. A refreshing curve beamed in her lips. Till it faded when her eyes landed on my back.
Nagtatakang pumihit ako paharap at katulad ni Venus ay naglaho ang ngiti sa 'king labi at napalita ng pagkabigla nang makita ko si Ranus sa 'king likuran na may dala-dalang paperbag.
"Burgers, bread, fries, a rice meal, tokneneng and kikiam. Ikaw na lang ang mamili ng kakainin mo," anito saka ibinigay sa 'kin ang paper bag na punong-puno ng mga pagkain.
Imbes na mahiya ay na-excite pa 'kong silipin ang mga 'yon at hindi na nga natapos pa ang aking galak nang makita ang french fries, my favourite!
Nang mag-angat ako ng tingin dito ay nakalahad na sa harapan ko ang pamilyar na bottled water sabay sabing, "Kung may gusto ka pa, sabihin mo lang."
Maghunos dili ka Margaret, hindi mo nga s'ya type 'di ba?