CHAPTER 14

1031 Words
MARIEL PENINCULA "Mariel, mag-uusap tayo pagkatapos mong alagaan si young master mamaya. Do you understand?" nakatingin pa rin sa akin ng masama si Manang Anna kaya tumango na lang ako sa kanya bilang tugon. Patay! Kahit med'yo nagustuhan ko 'yong ginawa ni Kleo kay Manang Anna ay hindi pa rin ako nakaligtas sa ginawa niya. Tsk. Pagkatapos, umalis na rin sa wakas sa Manang Anna habang ang iba namang katulong ay nasa paligid pa rin namin. Hindi kl na alam kung nakatingin pa rin sila sa direksiyon namin ni Kleo dahil natuon na ang buong atensiyon ko sa direksiyon ko kay Kleo na nakayakap pa rin sa akin hanggang ngayon. "Kleo." Tinawag ko si Kleo at naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin niya ko sinasagot. Hala! Umiiyak na naman ba siya? "Kleo." inulit ko ang pagtawag kay Kleo habang dahan-dahan kong sinusuklay ang kanyang buhok. Tumingin ako sa paligid. Med'yo konti na lang ang nakatingin at nakabantay sa amin ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa nakita ko o maiinis ba ko ulit. Hinayaan ko na lang din at binalik ko na ang atensiyon ko kay Kleo. Nilapit ko ang mukha ko sa ulo ni Kleo para marinig niya ang sasabihin ko kahit na nakayuko pa rin si Kleo hanggang ngayon. "Kleo, baby. Hindi ko naman sinasabing mali ang ginawa mo, okay? Pero, bakit mo ba ginawa 'yon? P'wede bang sabihin mo sa 'kin?" bulong ko sa kanya. Naghintay ulit ako ng ilang minuto. Akala ko hindi na talaga sasagot sa akin si Kleo dahil ilang minuto na ang lumipas ay nanatili pa ring tahimik ang paligid. Hanggang sa natigilan ako dahil nakarinig ako ng maliit at mahinang boses mula kay Kleo. "I'm sorry, mommy. I will not going to do that again. I'm sorry, mommy." Natigilan ako kasi habang humihingi ng tawad sa akin si Kleo ay nanginginig din ang dalawa kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa damit ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa nakita at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong naawa kay Kleo at parang may ibang kutob na naman ako sa kanya. Para pakalmahin si Kleo although hindi naman siya umiiyak at nanginginig lang, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Pagkatapos, muli akong nagsalita at bumulong malapit sa tenga niya. "Ano bang hinihingi mo ng sorry? Sinabi ko naman sa 'yo na hindi mo naman kasalanan lahat ng nangyari. Tinatanong lang kita ngayon kung bakit mo naisipan na gawin 'yon." Naghintay ako sa magiging sagot sa akin ni Kleo at nagtagumpay naman ako. "I'm sorry, mommy. Mommy is getting yelled at. I don't want someone to do that to you, mommy. I'm sorry, mommy." Nanlaki ang mata ko sa paliwanag ni Kleo. Totoo ba ang sinabi niya? Bumilis bigla ang t***k ng puso ko dahil sa tuwa na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang pagmamahal sa akin ng bata na 'to kahit na hindi ko naman talaga siya kadugo. Mas lalo tuloy humigpit ang pagkakayakap ko kay Kleo dahil sa sinabi niya pero hindi naman mas'yadong mahigpit to the point na nasasaktan na si Kleo. Sakto pa rin naman kahit paano. "Ginawa mo 'yon para sa 'kin? Dapat lang pa lang alisin mo na ang mukha mo sa dibdib ko dahil bibigyan kita ng isang mahabang kiss!" Pagkasabi ko pa lang ng bagay na 'yon, kumalas na agad sa akin si Kleo. Nakita ko na rin sa wakas ang mukha niya. Med'yo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala talaga siya umiyak. Malapit pa lang siguro dahil med'yo namumula pa ang mata niya. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya at pagkatapos ay agad ko siyang hinalikan sa kanyang noo. Na-miss ko tuloy bigla ang kuya ko. Wala si kuya ngayon para damayan ako sa lahat ng problema ko pero nagpapasalamat ako at nandito pa rin si Kleo. Nakilala ko siya nang mga panahon na kailangan ko ng tulong. Oo nga pala! Nang dahil din pala kay Kleo kaya ako nagkaroon bigla ng trabaho. Shet! Bakit ngayon ko lang naisip ang tungkol doon? Hinawakan ko sa dalawang balikat si Kleo at tinitigan ko siya pabalik sa kanyang mga mata. Ngayon na napagmasdan ko siya. Med'yo hawig din pala niya ang tatay niya. Kumbaga chubby version siya ni Hernold. Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko habang nakatingin ako sa kanya. "Kleo, thank you. Thank you, baby." Sumilay din ang ngiti sa labi ni Kleo nang marinig niya ang sinabi ko. Nakikita ko man ang bungi sa kanyang ngipin ay hindi pa rin siya nagdalawang isip na ngumiti sa akin. "Mommy. . ." Kumulubot lang 'yong pagngiti ko nang marinig ko na naman ang isang salitang 'yon mula sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya na tigilan na niya ang pagtawag sa akin ng gano'n kasi baka masaktan ko lang si Kleo. Saka na siguro. Isa pa, isang buwan lang din naman ang balak ko na manatili rito. Pagkatapos ng lahat, iiwan ko na rin naman si Kleo. Sana lang hindi niya ko hanapin sa oras na iwan ko na siya. Napapikit-pikit ako bigla ng mata ko dahil sa sarili kong naisip. Ano ba 'to? Parang hindi naman yata tama ang mga naiisip ko. Tss. Hindi ko na dapat iniisip ang bagay na 'yon dahil nagpapagulong lang 'yon sa isipan kong huwag na lang umalis. "So, ano? Magpatuloy na tayo sa pagluluto, okay?" "Okay, mommy!" nakangiting sagot sa akin ni Kleo. Grabe. Med'yo antukin din itong si Kleo katulad ng tatay niya pero hindi naman siya mas'yadong tamad. Actually, hindi ko pa nga siya nakitang nagkaroon ng mababang energy. Siguro tuwing gigising lang si Kleo pero pagkagising niya titingin lang siya sa akin. 'Yon lang gagawin niya hanggang sa mapansin ko siya. Anyway, since gabi na rin naman at sa tingin ko malapit na rin umuwi si Hernold, itong gagawin namin ni Kleo ay idadagdag na lang din namin para sa hapunan namin. Pero, teka sandali. Allowed ba kong kumain kasama nila? Parang hindi naman yata dahil katulong lang din ako. Urgh! Bahala na nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD