MARIEL PENINCULA
Hindi ko sure kung dapat lang ba na nasa kitchen kaming dalawa ni Kleo ngayon pero since wala rin namang pumipigil sa aming dalawa ay nagpatuloy na lang din ako sa ginagawa ko.
Natutuwa rin naman ako sa nangyayari. Bukod kasi sa napakadaming ingredients at pagkain dito ay ngayon lang ako magkakaroon ng freedom na magluto kung ano man ang maisipan ko.
Waah! Ito kaya ang pangarap ko dati. Ang maging isang chef at makapagluto sa mga mayayaman na tao. Kaya lang, since mahirap ang panahon at dalawa na lang kami ni kuya ang bumubuhay sa isa't isa, hindi rin namin kayang sundin kung ano man ang gusto naming dalawa.
'Yong pangarap ko noon, akala ko hanggang pangarap na lang. Ngayon, hindi man dahil sa pagluluto kaya ako nandito ngayon sa mansion na 'to, atleast kahit paano ay nagagawa ko pa rin ito.
'Yon nga lang. Talagang may nakatingin sa direksiyon ko kanina pa. Tsk. Kapag ako naasar ay baka makasuntok pa ko nito ng wala sa oras dahil sa kakatingin nila sa direksiyon naming dalawa ni Kleo.
Wala naman kaming ginagawang masama ni Kleo pero kung makatingin sila at makasubaybay ay parang may gagawin kaming masama bigla. 'Yung tipong naghahantay sila na baka bigla kong dukutin bigla ang young master nila.
Neknek nila! Kahit naman hindi sila magsalita sa akin ay nakikita ko pa rin silang nakabuntot. Tss. Nakakaasar tuloy bigla!
"Nakita mo ba ginawa ko Kleo? Gano'n lang magbukas ng itlog. Pagkatapos, ilalagay mo lang dito sa bowl at hahaluin. Lalagyan mo lang ng asin o ng pinasarap na ingredients para mas malasa. Tandaan mo ang mga pangalan dahil baka iba ang malagay mo. Okay? Naiintindihan mo ko?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman agad sa akin si Kleo bilang tugon. Pft! Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ko pero panay tango lang ang tugon niya sa akin. Ayos lang din naman dahil hindi bata pa naman si Kleo. Kaya lang naman gusto ko siyang magpunta sa kitchen ngayon para makapaglibang siya at maigalaw naman niya ang katawan niya. Pangit naman kung buong maghapon ko lang siyang patutulugin 'di ba?
Kumuha pa ko ng isang bowl at nilagay yon sa tabi ni Kleo. Anyway, pinaupo ko nga pala si Kleo sa may tabi ng sink ng kusina para maabot niya at makita ng maayos kung ano man itong pinaggagawa ko.
Pagkatapos, inabot ko kay Kleo 'yong isang itlog na fresh at may shell pa s'yempre. Kinuha rin naman ito ni Kleo mula sa akin.
Muntikan pa nga akong matawa dahil muntikan pang hindi magkasya sa kamay ni Kleo 'yung itlog dahil sa liit ng kamay niya. Mabuti na lang at nahawakan pa rin niya ito kahit paano. Nakahinga ako ng maluwag.
"Go, Kleo. Gawin mo lang kung anong sinabi ko kanina, okay?" nakangiti ko pang wika sa kanya sabay abot ng kutsara na gagamitin naman ni Kleo para pangbasag ng itlog at panghalo nito once na nailagay na niya sa mangkok.
"Wait, mommy. Do I really need to try my best? What if the yellow part will get broken, mommy?"
Napahawak ako sa sarili kong bibig para pigilan ang tawa na muntikan na namang kumawala sa bibig ko.
Pft! Sinasabi ko na nga at hindi man lang nakatuntong pa si kitchen ang bata na 'to. Grabe! Iba talaga kapag anak mayaman. May sarili pa silang tagaluto.
Nakakaasar nga lang mga katulong nila dahil parang wala nang ibang ginawa kundi pakiaalaman ako. Wala naman akong ibang ginagawang masama. Tsk.
Umiling ako bilang tugon kay Kleo. "No, baby. Sundin mo lang kung anong sinabi ko sa kanya at makaka-survive ka na," nakangiti kong tugon kay Kleo.
Tumango naman siya bilang tugon sa akin habang ako naman ay nakangiti lang sa kanya at nakasubaybay nang magsimula na siyang gawin ang inuutos ko kanina.
Kaya lang, kakabukas pa lang ni Kleo ng itlog ay bigla na lang may pumigil sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ni Kleo at pilit na pinabitiwan ang hawak nitong kutsara na nabitiwan din agad ni Kleo dahil hindi hamak na mas malakas naman talaga ito kumpara kay Kleo.
"Young master, you don't have to do that. It is our job to serve and protect you. You don't have to follow this woman's instruction, young master."
Binalingan ako ng tingin ni Manang Anna pagkatapos niyang magsalita at tinitigan niya ko ng masama.
Hindi rin naman ako nagpatalo sa kanya at sinalubong ko rin ang masasama niyang tingin sa direksiyon ko.
"Manang Anna, pasensiya na po pero hindi naman ako 'this woman' lang. May pangalan—"
"Tumahimik ka at pakinggan mo ang sasabihin ko sa 'yo mamaya."
Hindi ko na natapos ang pananalita ko dahil narinig ko ang mahinang bulong ni Manang Anna sa direksiyon ko.
Teka, teka. Alam kong mas matanda siya sa akin at mas matagal na siya rito sa mansion pero hindi naman yata tama ang ginagawa niyang pakikitungo sa akin 'di ba? Daig pa niya mga nambubully sa akin noon niyan. Hindi naman yata tama 'yon.
Baka mamaya niyan makalimutan ko pang matanda na siya at hindi ko mapigilan ang sarili kong sampalin siya o suntukin siya.
Tsk. Nakakaasar talaga tuloy!
"Manang Anna, hindi ko naman po pinagluluto si Kleo ng totoo. Tinuturuan ko lang siya," mahinang katwiran ko sa kanya.
Yung volume ng boses ko ay sapat lang para marinig ako ni Manang Anna. Baka marinig kasi ako ni Kleo at kung ano pa gawin—
"Aaah! Young master, stop it! Stop it!"
Natigilan ako nang bigla na lang kagatin ni Kleo ang kamay ni Manang Anna. Pagkatapos, lumayo ng konti dito si Kleo at yumakap siya sa akin. Sinubsob na naman ni Kleo ang mukha niya sa dibdib ko.
Shet! Pft! Huwag kang tatawa, self. Kapag tumawa ka ay katapusan na rin na 'yong buhay kaya ano mang mangyari ay huwag kang tatawa.
Pft! Ito ba ang sinasabi nilang katigasan ng ulo ni Kleo? Sa nakikita ko, sila naman ang may mali at hindi si Kleo. Kung anu-ano pang iniimbento nila sa bata at pinaparating pa nila sa ama nila.
Hinagod ko na lang ang likod ni Kleo at kunwaring nag-aalalang nakatingin sa direksiyon ni Manang Anna na nakatingin naman sa kamay nitong kinagat ni Kleo.