MARIEL PENINCULA
Nang imulat ko ang mata ko ay muntikan ko pang masuntok sa mukha si Kleo. Mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko. Shet!
Dahan-dahan akong bumangon na nakasimangot pa ang mukha ko.
Sino ba naman kasing hindi magugulat kung pagdilat pa lang ng mata ko ay nakita ko agad ang mukha ni Kleo na malapit pa sa mukha ko. Nakatitig lang siya sa akin as in.
Kinabahan tuloy ako bigla ngayon. Malay ko ba kung isa na pala siya sa mga taong pinapasukan ng masalang espiritu.
Nang maramdaman ko na med'yo kumalma na 'yong sistema ko ay saka lang ako tumingin sa direksiyon ni Kleo na nakatingin pa rin sa direksiyon ko hanggang ngayon.
"Ahm, Kleo. May gusto ka bang sabihin? Anong problema? Saka bakit nakatingin ka lang sa 'kin kanina pa. Hindi mo man lang ako ginising." kinurot ko sa magkabilang pisngi si Kleo dahil bigla na lang akong nakaramdam ng gigil sa kanya.
Ang cute kasi talaga ni Kleo. Med'yo chubby ang katawan niya at gano'n din ang pisngi niya. Hindi ko tuloy maiwasan kurutin ang pisngi niya minsan o yakapin siya ng mahigpit lalo na tuwing may ginagawa siyang mabuti para sa akin.
Nako. Kung sariling anak ko lang ang batang 'to ay baka ang dami ko nang naituro sa kanya. Hindi lang kasi siya binibigyan mas'yado ng pansin ni Hernold.
Well, ilang araw pa lang ako rito sa mansion at wala pa kong isang linggo pero nararamdaman ko na ang kakaibang pagtrato sa kanya ni Hernold. Med'yo hindi marunong mag-alaga ng bata ang isang 'yon. Kaya siguro akala nila makulit talaga itong si Kleo at hindi nasunod sa mga taong nag-aalaga sa kanya.
Ilang araw pa lang kaming nagsasama ni Kleo pero alam ko na agad ang nais niyang magkaroon at kung ano ba talaga ang bagay na gusto niya.
Napangiti ako sa naisip ko kaya kahit na hindi pa rin ako sinasagot ni Kleo ay ngumiti pa rin ako ng malawak sa kanya.
"Hayaan mo, Kleo. Matagal-tagal pa naman ako rito sa mansion at kung hindi ka man nila naturuan ng mga simpleng bagay na dapat natutunan mo na, ako na lang ang magtuturo sa 'yo. Makinig ka lang sa akin, okay?"
Lumipas ang ilang segundo at bigla na lang ngumiti sa akin si Kleo pabalik.
"Yes, mommy. I will do what you told me," masiglang reply pa niya sa akin.
Hindi na tuloy mawala-wala ang ngiti sa labi ko dahil kay Kleo.
"Dahil d'yan, bumangon na tayo! Pumunta tayo ng first floor at tuturuan kitang lutuin ang mga pagkain na specialty ko," pagmamalaki ko pa sa kanya.
Pero, biglang nagsalubong ang dalawang kilay ni Kleo sa sinabi ko at parang naguluhan siya bigla.
"Ahm, food? Why do we need to cook, mommy? I'm not hungry."
Napaiwas ako ng tingin kay Kleo nang makita ang naguguluhan niyang itsura pero sumagoy pa rin naman ako sa katanungan niya kahit na hindi ako nakatingin sa kanya.
"Bilog ang mundo, Kleo. Paano kung maging mahirap kayo bigla ng daddy mo? Kailangan mong matuto kung paano magluto para kapag nangyari ang bagay na 'yon at nawalan kayo ng pera, alam mo na kung paano bigyan ng pagkain ang sarili mo," mahabang paliwanag ko kay Kleo.
Binagalan ko lang 'yong pananalita ko. I mean, sakto lang para maintindihan 'yon ni Kleo. Kaya pagkalipas ng ilang minuto ay agad siyang tumango sa akin bilang tugon.
Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Kleo at naglakad kami patungo sa first floor ng bahay. Kaya lang, pagkalabas pa lang namin ng kuwarto ay natigilan na agad ako. Paano ba naman ay may mga katulong pa sa labas ng kuwarto na tila hinihintay talaga nila ang paglabas naming dalawa ni Kleo.
Pero bakit naman kaya?
Hindi rin naman sila lumapit sa aming dalawa ni Kleo pagkalabas namin. Umiwas pa nga sila bigla sa direksiyon naming nang makita nila ang paglabas naming dalawa ni Kleo. Nakakapagtaka lang talaga.
"Err. Ahm, Kleo. Tara na sa baba."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Med'yo mabagal pa kasing maglakad si Kleo dahil maliit pa ang mga paa niya. Walang sabi-sabi ko na lang siyang kinarga para mabilis kaming makadating sa first floor.
Ewan ko ba. Nakasunod din kasi sa amin 'yong mga katulong na tinutukoy ko kanina at hindi ko alam kung bakit.
May gusto bang sabihin ang mga 'to? Med'yo kinakabahan na nga rin tuloy ako dahil baka may fake news nang kumalat sa mansion katulad ng kinakatakutan ko.
Tsk. Sinasabi ko na nga ba. Kaya hangga't maaari ay gusto kong mag-ingat at umiwas sa presensiya ng amo ko. Shet! Baka akalain pa ng mga 'to ay may special treatment sa akin si Hernold.
Kaya ayo'ko talagang magkaroon ng interaction sa tatay ni Kleo dahil dito pero wala naman akong magagawa dahil kailangan ko naman kasing makita talaga ang isang 'yon lalo na at ako pa ang nag-aalaga mag-isa kay Kleo.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko nang tuluyan na kaming nakababa sa may first floor ni Kleo.
Pagkababa nga namin ay dumiretso agad kami sa may kitchen. Maging sa first floor ay kapansin-pansin ang pagtingin sa direksiyon ko ng mga katulong kaya mas lalo tuloy ako kinabahan pero hindi ko naman 'yon pinahalata sa kanila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at kunwari na lang na hindi ko sila napansin para mawala rin kahit paano ang kaba na nararamdaman ko kanina pa.
Pagkadating namin sa kusina ni Kleo ay saka ko lang siya binaba. Tagaktak na nga rin ang pawis ko. Med'yo mabigat kasi ang bata na 'to dahil nga siksik ang katawan niya at med'yo malayo pa ang nilakad ko dahil sa laki ng mansion na 'to.
"Mommy, what are we going to cook?" excited na tanong sa akin ni Kleo.
Ngumiti muna ako sa kanya bago ko sinagot ang kanyang katanungan.
"Something easy for a child like you."
Pft! Med'yo natututo na kong magsalita ng straight english kaka-English nitong si Kleo. Hindi magtagal, dahil pa kay Kleo kaya ako matututong mag-english.
Anyway, nararamdaman ko pa rin ang mga matang nakatingin sa direksiyon namin pero hindi ko pa rin sila tinuunan ng pansin at nagpatuloy na lang ako sa balak kong gawin.