CHAPTER 11

1017 Words
MARIEL PENINCULA Natigilan ang dalawa sa sinabi ko at kapansin-pansin ang pagtulala nila sa direksiyon ko habang ako naman ay napaiwas na lang bigla ng tingin. Shet! Na-realize ko kasi bigla 'yong nagawa ko. Kabobohan ko talaga. Baka masisante pa ko nito ng wala sa oras! "Pft—! Sir Hernold, pasensiya na. Hindi ko lang kasi talaga matigilan matawa. Pft!" Bigla na lang humagalpak ng tawa si Lance habang nakahawak pa siya sa tiyan niya habang si Hernold naman ay parang clueless pa rin hanggang ngayon at parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ako naman ay hindi na makatingin ng maayos sa kanila dahil tinamaan ako bigla ng sarili kong hiya at takot na baka mapaalis ako bigla sa trabaho. Shet! 'Yong five million pesos ko! "Tss. I'm going to work now." Bigla na lang tumayo si Hernold at naglakad patungo sa pintuan ng kuwarto. "Oka— What?! Really? You're going back just like that?" Hindi ko na narinig 'yong iba pang pinag-usapan ng dalawa dahil pareho na silang nakalabas ng kuwarto. Nanliit ang mata ko hanggang sa tuluyan ko nang hindi nakita si Lance at Hernold. Med'yo hindi ko rin talaga maintindihan reaction no'ng si Lance. Pinapapunta niya sa work si Hernold pero magugulat naman siya kapag pumayag si Hernold sa nais niya. Tiningnan ko na lang ulit ang oras at malapit na pa lang mag-alauna. Hinayaan ko na lang muna matulog si Kleo dahil tanghali pa rin naman kung iisipin at ang katulad niyang bata ay talagang kailangang matulog ng tanghali. Mabuti na nga lang at hindi na ko nahirapan patulugin siya dahil kusa na siyang natulog. Umupo na lang ako sa kama at binuksan ang drawer sa ilalim ng lamesa na nasa tabi ng kama. Kinuha ko 'yong maliit na eco bag na nandoon. 'Yong eco bag na kinuha ko ay talagang sa akin nanggaling ah. Hindi ko : 'yon kinuha dito sa mansion kundi pagmamay-ari ko talaga siya. Binuklat ko 'yon at kinuha sa loob ang cellphone ko. May cellphone pa rin naman ako kahit paano. Basag na nga lang siya dahil ilang beses na 'tong nabasag nang hiniram ito ni kuya. Nabasag pa lalo nang habulin ako ng mga loan shark nang nakaraang araw. Ngayon ko lang naisipan na buksan 'to ngayon at tingnan kung gumagana pa dahil nais kong makita kung may message ba ko ngayon. Malay ko ba kung naisipan pala kong tawagan o i-text ni kuya gamit ang ibang cellphone dahil kahit paano, malaki man ang naging atraso sa akin ni kuya, kapatid ko pa rin siya at gusto ko pa ring malaman kung nasaan na siya ngayon at kung ano na ang kalagayan niya. Napangiti ako at magwindang ang puso ko dahil bumukas pa rin naman yung cellphone. Dali-dali ko pang inopen 'yong message kahit na sobrang lag na ng cellphone ko. Old model na rin kasi ito. Wala rin naman akong balak palitan dahil wala naman akong pera para pampalit dito. In fact, binigay nga lang ito sa akin sa barangay namin dahil sa good deeds na ginawa ko sa barangay namin. Kaso ngayon, mukhang hindi na ko makakabalik sa amin dahil mukhang wanted na ko dahil sa loan sharks na yon. Kaasar! Yung ngiti ko kanina napabusangot din agad dahil wala man lang ni isang message akong natanggap mula kay kuya. Tiningnan ko na nga rin mga spam message pero wala talaga. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Wala na. Wala na 'to. Hanggang ngayon wala man lang paramdam ang kuya ko. Hindi ko na tuloy alam ngayon kung magagalit pa ba ko sa kanya dahil sa mga bagay na ginawa niya sa akin o magsisimula na talaga akong mag-alala ng malala dahil wala pa rin akong balita sa kanya hanggang ngayon. Tsk. Hindi tuloy ako mapakali bigla. Gusto ko tuloy lumabas ng mansion at maglakad kung saang parte ng bansa ko maaaring makita si kuya pero alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ko magagawa ang lahat ng bagay na 'yon. Nasa duty pa ko. Isa pa, sa oras na lumabas ako ay siguradong makikita ko lang ulit 'yong mga tao na humahabol sa akin at hinahanap ang kuya ko. Wala akong ibang magawa tuloy ngayon kundi maghintay na lang na maisipan ni kuya na tumawag sa akin o tapusin ang isang buwan sa mansion na 'to at makuha ang sahod ko para maibayad sa mga taong inutangan ng kuya ko. Ito na lang ang magagawa ko para maiwasan ang mga worst pa na maaaring mangyari. Pagkatapos kong titigan ang sarili kong cellphone, binalik ko na 'yon sa eco bag at 'yong eco bag naman ay binalik ko na sa loob ng drawer sa ilalim ng lamesa. Humiga ako sa tabi ni Kleo na mahimbing pa ring natutulog hanggang ngayon. Pinikit ko ang mga mata ko. Alam ko sa sarili ko na hindi maayos ang pakiramdam ko kaya hindi na ko nagdalawang isip na tumagilid at niyakap si Kleo. Grabe talaga ang magic ng bata na 'to. Kahit hindi ko naman siya ka-ano ano ay nagagawa niyang pakalmahin ang damdamin ko. Siguro kasi kahit na alam kong wala pang naiintindihan si Kleo sa problema na meron ako, alam kong nag-aalala pa rin siya sa 'kin. Nakakatuwa lang dahil kahit na hindi ko totoong anak si Kleo, parang anak na rin tuloy ang turing ko sa kanya. Teka, sandali. Pft! Natawa naman ako sa part na 'yon. Parang nakakatawa naman kung tinuturing kong anak si Kleo at alam ko na agad ang pakiramdam na may isang anak kahit na hindi ko pa naman na-experience na magkaroon talaga. Ay, ewan! Nakaramdam ako ng pagod bigla kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at naipikit ko na lang ang dalawa kong mata. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang nakaramdam ng antok. Tanghaling tapat din naman at tulog din naman ang alaga ko. Wala naman sigurong masama kung matulog ako 'di ba? Hindi man ako sigurado kung maaari o bawal akong matulog sa mga oras na 'to, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na tuluyan na ngang makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD