MARIEL PENINCULA
"Stop it."
Natigilan ako sa pagsundot kay Hernold nang bigla ko na lang marinig ang boses niya.
Sa sobrang bigla ko nga ay muntikan ko pang matulak sa sahig si Kleo na nakayakap pa rin sa akin.
Shet! Akala ko tulog na talaga siya. Late reaction lang pala katawan ni Hernold!
"S-Sorry."
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya na rin ng nararamdaman ko.
"Why is my son crying?"
Narinig ko na naman ang boses ni Hernold at natigilan na naman ako sa sinabi niya. Napatingin tuloy ako kay Kleo.
Hindi na naman umiiyak si Kleo pero huminto lang siya ng tuluyan sa pag-iyak nang dumating si Hernold.
Kinabahan ako bigla dahil naalala ko 'yong tanong ko kay Kleo kanina. Hala! Baka sabihin pa niya 'yon sa tatay niya. Yari ako!
"Ah— Naiyak ba? Ah, oo! Kinagat lang siya ng langgam. Hehe." Niyakap ko ng mahigpit si Kleo na nakasubsob pa rin sa dibdib ko dahil baka maisipan biglang bumangon at magsalita sa tatay niya. Yari pa ko ng wala sa oras. Tsk.
Pagkatapos kong magsalita, muli kong binalik ang paningin ko sa direksiyon ni Hernold. Hindi na kasi siya ulit nagsalita. Absuwelto na ba ko? Naniwala ba siya sa sinabi ko? Parang hindi na naman nagsasalita ang isang 'to? Buhay pa ba 'to?
Napakamot na lang tuloy ako sa sarili kong ulo. Inisip ko na lang na baka napagod siya sa trabaho kahit na kakaalis lang talaga niya kanina.
Malay mo naman pumirma lang siya ng kung ano at natapos din agad ng mabilis ang trabaho niya. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong klaseng trabaho ba talaga meron si Hernold. Mahirap naman manghula nang wala akong basehan 'di ba?
Humiga na lang din ako at hiniga ko naman si Kleo sa tabi ko. Sa kakaisip ko ng kung ano, hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ang alaga ko dahil sa kakaiyak niya kanina. Kaya pala hindi na siya ulit nagsalita. Tulog na pala.
Napabuntong hininga tuloy ako bigla. Tingnan mo nga naman. Hindi mapagkakailang magtatay pa ang dalawa dahil parehong antukin.
"Ano na'ng gagawin ko nito? Tulala na lang ako sa kisame dahil tulog na binabantayan ko? Yung tatay naman mukhang tulog na rin. Tss." Hindi ko tuloy naiwasan magreklamo ng wala sa oras.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok sa loob ang isang lalaki.
Natigilan ako sa nangyari at agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. Ngayon ko lang nakita 'yong lalaki. Nakasuot siya ng itim na suit at nabaling ang atensiyon niya sa direksiyon namin ni Hernold.
Mukhang alam ko na kung sino ang hinahanap ng isang 'to.
"Si Hernold ba? Ito oh. Bagsak. Tulog. Hindi ko alam kung anong inumin ang tinungga nito at natutulog na naman. Pasensiya ka na. Ikaw na bahala gumising sa kanya," kuwento ko pa sabay turo kay Hernold na nakadapa pa rin.
Nauna na kong magsalita sa lalaki nang magtama sandali ang mga mata naming dalawa. Lumapit naman ito sa akin sa amin at lumuhod pa siya sa harapan ni Hernold para maabot nito ang amo ko.
Teka, sandali. Parang mali yatang nandito ako ngayon sa tabi ng amo ko? Shet! Baka akalain pa nitong may affair kaming dalawa ni Hernold. Yuck!
"Sir Hernold, we need to go back to the company. You need to finish your work today."
Napataas ang isang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.
Hala! Sinasabi ko na nga ba at may trabaho pa si Hernold sa company. Kakaalis lang kasi talaga ni Hernold at tanghalian pa lang ngayon. Pagkatapos, nandito na siya agad.
"Shut up, Lance. It's lunch break."
Yung kaninang nakadapa na si Hernold ay bigla na lang bumangon at umupo sa tabi ko. Tumingin pa siya bigla sa direksiyon ng lalaki na tinawag pa niyang si Lance.
Hala! Lunch break lang pala, bakit nandito siya? Baliw talaga 'tong si Hernold! Nag-lunch break na lang siya, kailangan pa niyang umuwi.
Teka. Baka naman malapit lang 'yong company dito sa bahay na pagmamay-ari niya.
Hindi ko naman time para magsalita kaya nakinig na lang ako sa usapan ng mga kasama ko ngayon. Natutulog naman si Kleo kaya wala pa kong gagawin sa mga oras na 'to.
"But, sir. You need to go back to the company. You could do your lunch break at our company. If you don't leave this time, you will going to be late again."
Napapataas na naman ang kilay ko. Kasi naman. Kanina pa panay ang english ng dalawang 'to. Mabuti na lang at med'yo naiintindihan ko sila kahit na wala naman akong mataas na pinag-aralan.
Bale hula ko na lang 'yong ibang words sa mga bibig nila. Hindi ako sigurado kung anong meaning ng mga pinagsasabi nila.
"Urgh! Shut up! Bukas na ko papasok. Can't you see? I'm still sleepy and tired, Lance. I don't have the energy to go back to work today."
"But, sir. You kept saying those words every time you found a reason to go back home. Please, sir. You need to go back to work. You have a special meeting today and you can't missed it again."
Hala! Base sa pagkakaintindi ng braincells ko ay parang hindi naman pagod itong si Hernold. Tinamaan yata 'to ng katamaran pero seryoso? Ganito siya kahit parang mataas ang katungkulan niya sa company na sinasabi ni Lance?
Napailing na lang tuloy ako sa sarili kong naisip.
"But—"
Hindi ko na kinaya ang sarili ko na makinig na lang. Binatukan ko na si Hernold nang magsasalita na sana siya ulit.
Hindi ko na hinayaang magsalita kasi alam ko naman na mangangatwiran lang naman ulit ang isang 'to. Tsk.
Kaya lang, dahil sa ginawa ko ay napatingin sa direksiyon ko ang dalawang nag-uusap lang kanina.
Sinalubong ko naman ng tingin si Hernold na nakatingin na ng masama sa direksiyon ko ngayon.
"Oh. Baka magalit ka pa niyan, sir? Sabi mo naaantok ka 'di ba? Hayan. Binatukan na kita para magising ang kaluluwa mo at pumasok ka na sa trabaho. Pft!" Isang malawak na ngiti ang binigay ko kay Hernold kahit na parang sasabog na ang expression ng mukha niya dahil sa inis.