CHAPTER 9

1014 Words
MARIEL PENINCULA Tanghaling tapat na ngayon pero hindi pa rin nawawala sa alaala ko ang lahat ng nangyari. In fact, hanggang ngayon nga ay 'yon pa rin ang laman ng isipan ko. Hindi talaga ako makapaniwala. Totoo ba? Akala ko talaga nang una med'yo masungit 'tong si Hernold pero parang hindi naman pala. Tamad pa nga ang loko! Akala ko wala na siyang balak tumayo sa kama kung hindi ko pa siya pinilit. Yes. Ako pa nagpilit sa kanya. Pinilit ko siya dahil umiiyak na rin si Kleo sa tabi naming dalawa. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Nakasimangot kong pinagmasdan ng tingin si Kleo pero nang makita kong nakatingin din siya sa akin ay agad akong ngumiti sa kanya. "Very good! Akala ko mahirap ka paliguan katulad ng sabi nila pero hindi naman pala." Natapos ko nang punasan at patuyuin ang buhok ni Kleo. Binibihisan ko na lang siya ng damit at pupunta na kami sa first floor ng bahay para pumunta sa kusina at hindi pa kumakain ng breakfast si Kleo. Si Hernold naman ay kanina pa umalis. Mukhang wala pa nga sa wisyo nang umalis dahil nakapikit pa siya nang mapagmasdan ko siya sa kotse pagkaupo na pagkaupo niya kanina. Napapailing na lang tuloy ako ng ulo sa tuwing naaalala ko ang tungkol doon. Grabe talaga. "But, mommy. I'm doing good things because you're here." bigla na lang akong niyakap ni Kleo at hindi na ko nagpumiglas sa kanya. Med'yo sanay na rin kasi ako. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti sa tuwing yayakapin ako ni Kleo. Alam ko naman na hindi ko talaga siya anak pero sa special treatment na pinapakita at pinaparamdam niya sa 'kin simula pa lang nang una kaming magkita ay wala na kong ibang choice kundi ma-appreciate pabalik si Kleo. Totoo naman pala ang sinasabi ng iba na napaka inosente ng mga bata. Dati kinaiinisan ko pa mga katulad ni Kleo pero ngayon, kung iisipin ko si Kleo ay talagang mas gugustuhin ko pang maging anak na nga lang siya ng totoo. Umupo ako sa may kama dahil may isang bagay akong naisip bigla na itanong kay Kleo. Gusto kong magtanong sa kanya pero may konting pag-aalinlangan ako dahil hindi ko alam kung may karapatan ba kong magtanong sa kanya. Baka magalit pa tatay nito kapag kinuwento ni Kleo. Tss. Pero, kung sabagay. P'wede ko namang pakiusapan si Kleo. P'wede ko naman siyang utuin. Pft! Tinapos ko munang binihisan si Kleo. Nilagyan ko pulbo katawan niya at likod. Pagkatapos sinuklay ko pa ang buhok niya bago ako nagsalita ulit sa kanya. "Kleo, itong tanong ko sa 'yo huwag mong sasabihin sa daddy mo na tinanong ko. Maliwanag?" tinitigan ko siya sa kanyang mata. Ngumiti naman sa akin si Kleo at tumango siya agad bilang tugon sa akin. "Okay." Aba! Masunuring bata talaga ang isang 'to ah! Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko at niyakap ko na muna siya ng mahigpit dahil na rin sa gigil bago ako ulit nagsalita sa kanya. "Ahm, 'di ba mommy tawag mo sa 'kin? Wala ka bang nakikitang kasama ng daddy mo? I mean, kasamang babae. Yung totoong mommy mo? Hindi mo ba talaga alam kung sino totoo mong mommy?" natanong ko na rin sa kanya sa wakas. Akala ko nga matatagalan pa ko magtanong pero hindi naman pala. Kaya lang, bigla na lang nagbago ang expression ng mukha ni Kleo. Nawala ang ngiti sa mukha niya at parang ano mang oras ay iiyak na siya. Nakatingin pa rin siya ng diretso sa mga mata ko at sa ngayon, kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nag-iba rin tuloy ang expression ng mukha ko. Wala pa siyang sinasabi pero bigla tuloy akong nakonsensiya bigla. Shet! Tanga ko talaga. Bakit ko pa tinanong ang tungkol doon? Halata namang wala na siyang nanay. Patay na! Hanggang sa tuluyan na ngang tumulo ang luha sa magkabilang pisngi ni Kleo at umiyak na nga siya. "Mommy! Mommy!" Patuloy sa pag-iyak si Kleo habang binabanggit ang mga katagang 'yon. Nakagat ko na lang tuloy ang ibabang labi ko habang nakatingin ako sa kanya. Sinasabi ko na nga ba at hindi na dapat ako nagtanong. Tsk. Niyakap ko na lang ulit si Kleo at hinagod ang likod niya. Unti-onti naman siyang kumalma pero naririnig ko pa rin ng mahina ang pag-iyak niya. "Tahan na. Pasensiya ka na. Hindi ko na uulitin. Nandito naman ako 'di ba? Ako ang mommy mo 'di ba? Sige na. Huwag ka na umiyak." Grabeng guilty talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Kung p'wede ko lang ibalik ang oras ay ginawa ko na. Wala man sinabi o binanggit sa akin si Kleo tungkol sa nanay niya pero ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit nanay ang turing niya sa akin. Mas lalo tuloy akong naawa sa kanya bigla. Marahil naaalala ni Kleo ang nanay niya kaya ako ang gusto niyang umakto bilang mommy niya para matanggal ang lungkot niya kahit paano. Yumakap pabalik sa akin si Kleo at sinubsob pa niya ang mukha niya sa dibdib ko. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko naman siya tinulak palayo. Nasa gano'n kaming sitwasyon nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok sa loob si Hernold. Nanlaki ang mata ko nang makita siya dahil kakaalis lang talaga niya para pumasok sa trabaho. Sa sobrang gulat ko nga sa kanya ay hindi na ko nakapagsalita at sinundan ko na lang siya ng tingin. Naglakad siya pahiga sa may kama at natulog. Baliw talaga! Natulog na naman siya. Ano ba 'to? Lasing? Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasubsob ang mukha niya sa may kama. Hindi ko rin tuloy alam kung tulog na nga talaga siya. Sinundot-sundot ko na lang ang likod niya gamit ang hintuturo ko sa kanan pero hindi naman nagbibigay ng reaction si Hernold. Shet! Mukhang tulog na nga ang isang 'to. Tsk. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tama ba 'tong pinasok ko? Parang ang weird ng amo ko at may bata pa ritong sarap ampunin. Waah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD