CHAPTER 8

1060 Words
MARIEL PENINCULA "Yey! I will sleep with mommy and daddy today!" Napalingon kaming pareho ni Hernold sa direction ni Kleo. "Hindi ah!" "Sir." Salubong ang dalawang kilay ko nang tumingin ako sa direkisyon ni Hernold. "Let's go. I'm so tired." "What? Sir! Ano ba?" inis ko pa ring tinawag si Hernold pero parang hindi na niya narinig ang boses ko. Nakapikit na nga siya. Aba'y—! Oh, sige. Ayos lang naman. Ayos lang naman ako. Piste! Sa sobrang inis ko, inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid. Binuksan ko ang malaking closet na nasa gilid. Thankfully, may makapal na kumot naman akong nakita doon. Tumingin ako sa direksiyon ni Kleo na nagtataka lang na nakatingin sa direksiyon ko. Ngumiti ako sa kanya. Kahit naiinis talaga ako ngayon, nawawala minsan inis ko kapag nakikita ko itong si Kleo dahil sa sobrang cute. "Kleo, go at matulog ka na sa tabi ng tatay mo," nakangiti ko pang utos sa kanya. Tumango naman siya sa akin at agad na sinunod ang sinabi ko. Nang makahiga na si Kleo ay saka ako naglakad sa direksiyon nila dala yung makapal na kumot na kinuha ko. Inayos ko ang paglatag nito sa may sahig dahil dito ko na lang balak matulog. Kaysa naman tumabi ako sa kanila. Feeling family lang? Baka hindi pa ko nagsisimula dito ay maging topic na ko ng chismis ng bahay na 'to. Ano ba kasing naisipan ng mag-ama na 'to at hindi ko alam kung anong gusto nilang palabasin sa 'kin. Pft! Konti na lang iisipin ko nang may gusto rin sa akin ang amo ko. Hindi ngayon dahil kung may gusto talaga siya ay hindi siya mauunang matulog. Ay ewan! Makatulog na nga rin. Maaga pa ko bukas na mag-aalaga dito kay Kleo. "Mommy, why are you there?" Inangat ko ang paningin ko sa direksiyon ni Kleo na nakatingin ngayon sa direksiyon ko habang nakaupo siya sa may kama katabi ng tatay niya. "Dito ako matutulog at kayo ng tatay mo, d'yan na kayo. Huwag ka na magtanong, okay? Matulog ka na d'yan." Tinaasan ko ng kilay si Kleo pero nagsalubong lang ang dalawang kilay niya. Sumimangot pa siya sa harapan ko. "But, I want to sleep with you. Mommy, can I sleep over there?" Urgh! Totoo nga ang sinabi nila. Med'yo makulit nga talaga ang bata. Napapabuntong hininga na lang tuloy ako rito kay Kleo dahil hindi ko na alam kung anong klaseng paliwanag o dahilan pa ang sasabihin ko sa kanya. "Sige. Matutulog na ko sa tabi mo." Napapakamot na lang ako sa sarili kong ulo bago ako tumayo at lumipat sa tabi ni Kleo. Pagkahiga ko ay bigla pang bumilis ang t***k ng puso ko. Lalo na nang makita ko ang natutulog na mukha ni Hernold. Shet! Tumaas yata bigla blood pressure ko dahil sa mga nangyayari. Nakakaasar. "M-Matulog na tayo." Nang magbalik ang isip ko sa realidad ay agad akong umiwas ng tingin sa direksiyon ni Hernold at binalik ang tingin ko kay Kleo. Ngumiti naman si Kleo sa akin at bigla na lang niya kong niyakap. Nang una nga ay nakaramdam ako ng pagkailang dahil pakiramdam ko ay nagkaroon talaga ako ng anak bigla nang hindi ko inaasahan pero hindi ko na lang pinansin ang kakaibang nararamdaman ko at pinikit ko na lang aking mga mata kasabay ni Kleo. Kinabukasan, nagising ako bigla dahil parang may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Gising na ko pero tinatamad pa rin akong imulat ang dalawang mata ko. Pakiramdam ko nga ay parang gusto kong managinip na lang muna. Kaya lang, natigilan ako dahil 'yong nakadagan sa akin ay parang bigla na lang gumalaw. Sa sobrang takot ko ay tuluyan ko nang nadilat ang dalawang mata ko nang wala sa oras. Natigilan ako nang makita si Kleo na nakahiga ang kalahating katawan niya sa dibdib ko. Shet! Oo nga pala! Nandito ako ngayon sa mansion ng batang 'to! Dahan-dahan kong inikot pakanan yung ulo ko at mas lalo akong natigilan sa nakita ko. Si Hernold ay talaga katabi ko na at hindi lang 'yon. Yung isang kamay niya pa ay ginawa ko pang unan. Waah! Bumilis na naman ang t***k ng puso ko pero sa ibang dahilan na. Hindi ko kasi alam kung anong uunahin kong gawin. Kung aalisin ko ba muna si Kleo ng dahan-dahan sa ibabaw ko o tatayo na ko ng diretso para makaalis na agad sa kamay ni Hernold. May last option pa naman. 'Yon ang magtulog-tulugan na lang ulit at kunwaring hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa paligid ko. Pero, hindi ko na talaga kaya. Huminga na lang ako ng malalim at inalis si Kleo sa harapan ko. Mabuti na lang at hindi siya nagising kahit na hindi na naging dahan-dahan ang pag-alis ko sa kanya. Pagkatapos kong gawin 'yon, umupo na muna ako at tuluyan na kong nakaalis kay Hernold. Pagkaupo ko ay napahawak ako agad sa sarili kong dibdib. Shet! Parang magkakasakit pa yata ako sa puso dahil sa mga nangyayari. Ano ba naman 'to? Sino bang hindi magugulat kung magigising kana lang bigla na may katabi ka nang lalaki at isang bata? Pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako bigla ng asawa at anak. Para akong napunta sa ibang dimension bigla ng wala sa oras. Tsk! Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang gumalaw itong katabi ko. Pagkatapos, may bigla na lang akong naalala. Teka. Anong oras na nga ba ulit? Tiningnan ko 'yong orasan na nakalagay sa may gilid ng kama at nakapatong sa may lamesa. Nanlaki ang mata ko dahil alas nuwebe na pala. Teka, teka. Bakit tulog pa ang mga 'to? Ganito ba talaga tulog mayaman? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ginising ko na talaga sila. Bahala na! "What? I'm still sleepy." Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin kay Hernold. Ano daw? Bakit parang mas bata pa kung umakto ang isang 'to kapag tulog? Tss. "Sir, gumising ka na. Tanghali na. Wala ka ba talagang pasok ngayong araw? Lunes na lunes kaya," sagot ko na lang sa kanya. Pagkasabi ko ng mga katagang 'yon ay bigla na lang dumilat ang kanyang mga mata. "What? What time is it now? Tss. I'm still lazy to get up. I don't want to do anything." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ganito ba talaga siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD