CHAPTER 11
HABANG nagsasalita siya sa gitna ng entablado ng palengke, napansin niya ang isang babaeng masama ang tingin sa kaniya. Nagtataka siyang nakatingin lamang sa babae hindi niya pinapansin ito. Mas lalong nagtaka siya nang unti-unti itong naglalakad patungo sa kanya. Parang slow motion itong lumalakad papalapit sa kaniya.
Hanggang nasa tapat na niya ang babae, tinitigan niya ito pero masama pa rin ang tingin nito sa kaniya. Nakacross arm pa ito habang nakatingin din sa kaniya. Maya-maya kinuha nito ang microphono at nagsalita.
Laking gulat niya sa pinagsasabi ng babae sa harapan niya at sa mga tao.
“Huwag po kayong maniwala dito.” may galit sa boses na wika nito sabay turo sa kanya. “Wala po siyang kuwentang governador dahil hindi po niya pinermahan ang request kung scholarship.” wika nito habang masama ang tingin sa kanya.
Halos magsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ng babae. “Miss ano'ng pinagsasabi mo diyan.” may diin na wika niya kay Ivy.
Pero siya nito pinansin nagtuloy ito sa sinasabi. “Alam mo ba na iyon lamang ang pag-asa ko para makatulong sa pag-aaral ko. Tapos hindi mo pinirmahan. Akala ko ba programa mo iyon para sa mga studyante at magulang na walang-wala.” pagpatuloy na wika nito sa kaniya. Nakikita rin niya dito ang galit.
Nagbubulungan na rin ang mga tao sa paligid. Ano bang problema ng babae na ito. Masisira ang buo niyang pangalan dahil sa babaeng ito. Pati na rin ang dignidad niya. Kinuha niya ang microphone dito.
“Miss, tumigil ka na, huwag mong sirain ang iniingatan kong pangalan.” maatoridad niyang wika sa babae.
Bumaling ito nang tingin sa kaniya at kinunotan siya ng noo. “Bakit Gov. takot kang masira ang pangalan mo? Ngayon mo patunayan sa harapan ng mga tao na mabuti kang governador.”
“Binabalaan kita, Miss kapag hindi ka pa tumigil diyan.” mahina at may diin na wika niya sa babae.
“Bakit ano'ng gagawin mo sa akin ipapakulong mo ako? Go, ahead gov. Hindi kita uurongan kaya kitang siraan sa buong lalawigan ng Romblon.” matapang na turan niya kay Matthew.
Sa inis at galit ni Matthew hinawakan niya sa dalawang braso ang babae. “Bawiin mo ang sinabi mo sa mga tao huwag mong sirain ang pangalan ko, Miss. Dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa iyo.” bantang wika niya kay Ivy.
Ngunit laking gulat niya ng sumigaw ito. “Tulungan po ninyo ako,
pinagbabantaan po ako ni Gov.” sigaw nito habang nagpupumiglas ito mula sa pagkakahawak niya sa braso.
Humarap siya sa mga tao “Mga kababayan ko, huwag po kayong maniwala sa babaeng ito.” nakangiting wika niya sa mga tao. Dahil nagbubulongan na ang mga ito.
Maya-maya may lumapit na pulis sa kanila. “Gov. ano pong nangyayari dito!”
“Ikulong mo iyang babae na 'yan. Huwag palalabasin ng kulungan hangga't hindi ko sinasabi. Parusahan mo hanggang tumino.” galit na wika niya sa pulis. Habang ang mga mata nakatingin sa babae, nagulat pa ito sa sinabi niya sa pulis kaya bahagya itong umatras sa kaniya.
“Yes, Gov.” saad sa kaniya ng pulis sabay hawak sa kamay ni Ivy. Nagpupumiglas ito habang hinihila ng pulis palabas ng palengke.
Humingi siya nang pasensiya sa mga tao sa palengke. Pinaliwang niya ang lahat kung bakit hindi niya pinermahan ang mga scholarship ng mga studyante. Matapos niyang ipaliwanag ang lahat ay umalis na siya ng palengke at dumaretso sa police station. Gusto niyang makausap ang babae. Sisirain pa nito ang imahe ng kanyang pangalan.
Pagpasok niya sa loob presinto ay sinalubong siya ng isang pulis.
“Nasaan iyong babae?” tanong niya rito.
Sinamahan siya nito kung saan nandoon ang babae pagdating niya sa silid kung nasaan ang babae ay agad siyang pumasok sa loob.
Nakaupo ito sa isang upuan na nandoon. Nagulat pa ito nang pumasok siya.
“Ano'ng karapatan mong sirain at ipahiya ako sa maraming tao?” galit na tanong niya kay Ivy.
“Nararapat lamang iyon sa iyo dahil wala ka naman talagang kuwentang governador.” matapang niyang sagot kay Matthew.
Sa galit at inis ni Matthew sa babae nahampas niya ang table na ikinagulat nito. “Isa pang salita, Miss at nabubulok ka talaga dito sa kulungan. Hindi ako nagbibiro.” galit niyang wika kay Ivy.
“Magsasalita ako dahil gusto ko, sasabihin ko ang nais sabihin dahil iyon ang totoo. Malaking tulog sa akin iyong scholarship na 'yon tapos hindi mo pinirmahan.” mataray na pagkakasabi nito kay Gov. Wala siyang pakialam kung governador ang kausap niya basta galit siya at lalaban siya.
“Hindi ka ba makaintindi, Miss. Siguro naman pinaliwanag sa iyo ni kapitan ang dahilan ko kung bakit hindi ko pinirmahan ang scholarship mo.”
“Ngayon bawiin mo ang sinabi mo sa mga tao dahil kung hindi mo iyon gagawin. Mabubulok ka dito kaya kung gawin ang lahat, Miss. Kaya huwag mo akong kalabanin.” galit na galit niyang wika.
“Hindi ko iyon babawiin dahil iyon ang totoo.”
Napahawak si Matthew sa kanyang batok at galit na tiningnan ang babae. Sobrang matapang ito kaya tinawag niya ang hepe.
“Ikulong mo 'yan, doon mo siya isama sa kulungan ng mga lalaki para pagpiestahan siya doon at rapin.” utos na wika niya.
Nanlaki ang mata nitong tumingin sa kaniya. “Ano'ng sabi mo? Ipapakulong mo ako dito at isasama doon sa mga lalaki.”
“Oh, bakit, Miss takot ka. Kanina ang tapang mo.”
“Susundin ko na ang gusto mo, huwag mo lang akong ipakulong.” mangiyak-ngiyak nitong wika sa kaniya.
Ngumisi si Matthew dahil sa sinabi nito. “Gagawin ko ang gusto kong gawin dahil ang nararapat sa mga kagaya mo. Kanina ang tapang-tapang mo sa harap ng mga tao. Hindi ka natatakot kahit isang governador pa ang nasa harapan mo at ang sinasabihan mo ng walang kuwenta.” nakatingin niyang wika sa babae. Nagtama ang kanilang mga mata at nakikita niya rito ang nararamdamang takot. Ngayon lang din niya napansin na medyo kamukha ito ng kaniyang asawa.
Ang pagkaiba nga lang nila ng kaniyang asawa ay ang mahaba nitong mga buhok at mahahaba nitong pilik mata. Pumikit siya ng kaniyang mga mata baka sakaling pagmulat niya ay iba na ang makikita.
Ngunit nagulat na lamang siya at napadilat ng mga mata nang lumuhod sa kaniyang harapan ang babae.
“Gov. sorry po kong nagawa ko iyon. Nagalit lang naman ako dahil hindi mo pinirmahan ang scholarship ko.” umiiyak na nitong wika sa kaniya.
Pero nanatili lamang siyang nakatayo at nakatingin sa babaeng nakaluhod sa harapan niya. Kailangan niyang bigyan ng leksiyon ang babae dahil sinira nito ang maganda niyang imahe sa mga tao. Ngunit nakakaramdam siya ng awa para dito.
“Sorry po, gagawin ko po ang lahat para lamang po mapatawad ninyo ako. Nag-aalala po ako para sa Inay ko kapag malaman niya ito. May sakit siya sa puso.” patuloy na wika nito sa kaniya.
“Tumayo ka riyan,” utos na wika niya.
Umiiyak na tumayo ang babae at umupo sa upuan, “ Tatanggapin ko po ang parusa ninyo sa akin. Huwag lang po ninyo akong ikulong at isama doon sa mga lalaki.” nakayuko nitong wika sa kaniya.
“Talaga gagawin mo lahat.” panigurado niyang tanong.
Tumango ito sa kaniya kaya napangisi siya. Kinuha niya ang isang papel sa kaniyang bulsa. Kanina habang papunta siya dito sa presinto gumawa siya ng kasunduan para sa babae. Kasunduan na magpapahirap sa babae at magiging kaniya ito sa loob ng anim na buwan.
Inilapag niya ito sa harapan ng babae, “Pirmahan mo iyan, dahil diyan nakasalalay ang kalayaan at buhay mo.”
Nagtatakang tumingin sa kanya ang babae, “ Ano ito?”
“Kasunduan natin, puwede mo siyang basahin para alam mo ang nakasulat diyan.” turan niya. Wala siyang choice kundi gawin ang bagay na iyon. Hindi lang pangalan ang sinira niya pati dignidad at pagkatao niya. Kaya dapat lang na maging kanya ang babae.