CHAPTER 12
NAGINGINIG ang kamay ni Ivy habang binabasa ang nakasulat sa kapirasong papel. Isang papel na pipermahan niya para daw sa kasunduan nila ni Matthew. Napapikit siya ng mga mata nang sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina sa palengke.
Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon sa harap ng maraming tao. Hindi lang si Matthew ang pinahiya niya kundi na rin sarili niya. Bakit kasi naman ang gaga niya? Ano bang nangyayari sa kanya at nagawa niya iyon? Paano kung malaman ng mga magulang niya ang nangyari at baka atakihin ang kaniyang Inay.
Dahil sa kagagahan niya napahamak tuloy siya. Sino naman kasi ang hindi iinit ang ulo hindi nito pinirmahan ang request niyang scholarship. Lalo na at umaasa siya na pipirmahan nito pero hindi pala.
Napakislot siya nang hampasin ni Matthew ang lamesa kaya napadilat siya ng mata at tumingin dito.
“Ano, pipirmahan mo ba 'yan, oh, makukulong ka dito kasama ng mga lalaki.” galit nitong wika sa kanya.
Sa inis niya dito tinaasan niya ito ng isang kilay. “Excited lang, Gov. hindi ba puwedeng basahin ko ng mabuti. Malay ko bang may nakalagay ditong papatayin mo ako.” inis na wika niya.
Sa inis nito sa kaniya ay hinampas ulit nito ang table at masama ang tingin sa kaniya. “Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, babae. Kanina pa ako nagtitimpi sa iyo.” gigil na wika nito sa kanya.
Bigla siyang natigilan dahil sa sinabi ni Matthew kaya naman pinagpatuloy na niya ang pagbabasa ng kontrata daw nila.
“Paano kung hindi ko ito pirmahan tulad ng ginawa mo sa scholarship ko?”
makulit niyang tanong kay Matthew.
“Madali akong kausap, babae.” wika nito. Binalingan ng tingin ang pulis na nasa tabi ng pinto.
“Dalhin mo na itong babae sa kulungan kung saan makakasama niya doon ang mga lalaki.” maatoridad na utos nito sa pulis.
Takot ang nararamdaman niya kaya naman pilit niyang pinapalma ang sarili. “Matthew, hindi ka na mabiro. Ito na nga pipirmahan na nga.” takot niyang wika. Kaya binasa niya muli ang papel.
Laking gulat niya ng mabasa ang huling nakasulat sa papel. “You're mine in six month and tonight you will be mine alone. Lahat ng gusto ko susundin mo.” mga nakasulat na ikinagulat niya at saka tumingin kay Matthew.
“Mas gugustuhin ko pang makulong keysa pirmahan iyang mga kasunduan mo. Ano iyan gagawin mo akong s*x slave sa loob ng anim na buwan?” galit niyang tanong kay Matthew.
Ngumisi sa kaniya si Matthew. “Okay, kung iyan ang gusto mo.” wika nito sabay talikod at naglakad palabas ng kuwarto na iyon.
Wala na siyang nagawa ng lumapit sa kanya ang pulis at sapilitan siyang dinala sa silda kung saan makakasama niya ang mga lalaki. Nasa tapat na siya ng silda nang makita niya ang mga hitsura ng mga lalaki. Nangingilabot ang katawan niya dahil sa hitsura ng mga ito. May mga tattoo ang mga ito at lahat ay nakangisi sa kaniya. Lalong nagtaasan ang balahibo niya ng inilabas ng isang lalaki ang dila at pinaikot sa labi nito.
Akmang bubuksan na ng pulis ang pintuan ng silda ng tumakbo siya palabas ng prisento. Ngunit bago pa man siya makalabas ng prisento ay may isang brasong yumakap sa kaniya. Napakislot pa siya nang magsalita ito at mabosesan ang taong nakayakap sa kanya.
“Sa tingin mo makakatakas ka.” bulong nito sa punong tainga niya.
Halos maitulak niya si Matthew sa pagkakayakap nito sa kanya. Pero mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap ng isang braso nito sa kaniyang baywang.
“Bitawan mo ako.” nagpupumiglas niyang wika.
Ngunit hindi siya nito pinakinggan, hinila siya nito pabalik sa silda kung saan galing siya kanina.
“Buksan mo iyang pinto at ako mismo ang papasok sa babaeng ito diyan sa loob.” utos nito sa pulis.
Naiiyak na siya dahil sa takot, “Gov. Please. Patawarin mo na ako hindi ko naman iyon sinasadya.” nagmamakaawa niyang wika kay Matthew.
“Okay, pipirmahan ko na iyong papel huwag mo lang akong ipasok diyan.” pikit mata niyang wika.
Mas gugustuhin niyang maging s*x slave nito kaysa makasama at pagpiestahan ng mga lalaki sa loob. Siguro naman gagalangin siya nito kapag magkasama na sila.
Naramdaman na lamang niya na nasa loob na pala siya ng sasakyan nito. Nakahinga siya ng malalim ng wala na siya sa loob ng prisento.
“Pirmahan mo na 'yan, at siguraduhin mong susundin mo lahat ng nakalagay diyan dahil kung hindi ipapakulong talaga kita.”
Wala na siyang nagawa nang lumapat ang bolpen sa papel at pikit mata siyang pumirma. Wala na, isususko na talaga niya ang lahat sa isang iglap at dahil iyon sa katangahan niya.
May luha sa kanyang mata habang inaabot kay Matthew ang papel. Nagtataka siyang hindi man lang nito kinukuha ang papel sa kanya bagkus nakatingin lang ito sa kanya.
“Itago mo at dahil pinirmahan mo iyan may tiwala na ako sa iyo. Huwag mo lang sirain ang tiwala ko dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” wika nito sabay na binuhay ang makina ng sasakyan.
Nagtataka na nakatingin siya kay Matthew. “Paano kong baliwalain ko lahat ng nakasulat dito. Paano kong hindi ko sundin ang huling nasa kasunduan.” seryoso niyang wika kay Matthew.
“Sa tingin mo papayag ako, lahat ng nakasulat diyan susundin mo. Wala ka nang magagawa dahil nakapirma ka na.
Oh, baka gusto mong bumalik sa loob at pagpiestahan ng mga gutom doon sa loob.” walang emosyonal nitong wika sa kaniya.
Pinahid niya ang luhang lumandas sa pisngi niya. “Saan mo ko dadalhin?”
“Sa hotel kung saan isusuko mo sa akin ang lahat. Aangkinin kita dahil akin ka na.” walang kagatol-gatol nitong wika sa kaniya.
Lalong lumandas ang mga luha niya sa mata dahil sa sinabi nito. Sa ganitong paraan lang mawawala ang iniingatan niyang virginity. Sa edad niyang buente dos mawawala na lamang ng ganoon. Kahit nga labi niya wala pang nakakahalik na lalaki dahil ibibigay niya lamang ito sa lalaki niyang mahal.
Ipinarada nito ang sasakyan sa isang hotel sa lugar na iyon. Unang bumaba ito at umikot para pagbukasan siya ng pinto.
Wala siyang nagawa kundi ipikit ang kaniyang mata. At hintayin ang pagbukas ng pinto ng sasakyan habang patuloy pa rin ang pagluha niya, naramdaman niya ang kamay na humawak sa pisngi niya. Nagmulat siya ng kaniyang mata at guwapong mukha ni Matthew ang namulatan niya. Mataman siya itong tinititigan habang pinupunasan ang luha niya sa pisngi.
“Bumaba ka na diyan dahil gutom na ako gusto na kitang tikman at kainin” wika nito sabay talikod sa kaniya.