22

1999 Words

NAKARATING nang matiwasay si Zantiago sa Pilipinas habang ang alam ng lahat ay nasa Africa siya. Nanatili muna siya nang ilang araw sa Maynila habang inaayos ang tutuluyan nila sa probinsiya. Ayaw pumayag ni Georgie na makisilong sa tiyo at tiya nila sa Salem. Dahil walang mauupahang magandang bahay sa kanilang bayan, naghanap sa ibang bayan si Georgie. Wala namang kaso sa kanya kahit kailangan muna nilang bumiyahe bago makarating sa Salem. Ang importante ay makita niya ang taong nais makita. Habang nasa Maynila, nanuluyan si Zantiago sa malaking bahay ni Robert Torre, ang beteranong aktor na nakatulong nang malaki sa kanya upang makapasok sa entertainment industry. Pagdating nila ni Gregorio sa Maynila noon, hinanap nila ang address na ibinigay ni Nana Adeng sa kanila. Hindi naman sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD