bc

Lunaria (R-18)

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
lies
superpower
like
intro-logo
Blurb

BUONG BUHAY NI LUNARIA ay nakakulong lang siya sa kanilang mansyon upang pangalagaan ang kanyang pagkadalisay hanggang sa umabot siya sa edad na labing-walo. Ito na ang tamang edad para tanggapin ang pamana ni Lola Bell. Hindi naging madali kay Lunaria ang mga sumunod na nangyari lalo na't kinakailangan pa pala niyang magpakasal, at isuko ang kanyang pagkabirhen sa isa sa mga kalahi niya.Si Lorenzo Montemayor. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Ang tanging alam lang niya ay pinsan ito kanyang Ama.Hindi sang-ayon si Lunaria sa nais ng kanyang ama kaya sa ikalawang pagkakataon ay nagawa niyang tumakas. At sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siya. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Lunaria ang mundo sa labas ng kanilang mansyon. Pero hindi naging maganda ang unang araw niya sa mundo ng mga tao. Nalagay siya sa panganib. Mabuti na lang may isang taong tumulong sa kanya, si Lorenzo. At dahil wala siyang kaalam-alam sa mundo ng mga tao, pumayag siyang pansamantalang makitira sa pamamahay nito. Tinuruan ni Lorenzo kung papaano kontrolin ang kanyang pagnanasang kumain ng tao. Nagawa siya nitong iienroll ni Lorenzo sa Unibersidad ng Manila kung saan isa naman itong Neologist Professor. Si Lorenzo ang tumayong guardian niya. Ito rin ang taga-linis ng kanyang mga kalat. Pero habang tumatagal ay unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Lunaria para sa binata.Handa na ba niyang sumunod sa kagustuhan ng kanyang Ama? Handa na ba niyang tanggapin reponsibilidad bilang prinsesa ng mga aswang ganoong may banta ng kaguluhan sa pagitan ng mga tao at aswang?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MADILIM ANG BUONG KALANGITAN. Malakas rin ang hangin ng mga sandaling iyon na para bang may banta ng may paparating na malakas na ulan. Pero bilog na bilog naman ang buwan. Hindi ko alintana ang mga tuyong sanga at dahon na tinatapakan ko habang ako ay nakayapak na tumatakbo sa gitna ng kagubatan. Ang tanging gusto ko lang sa mga sandaling iyon ay ang makatakas. Maliit palang ako ay naipaliwanag na sa akin ng mga magulang ko ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Ayon sa kanila, nasa tradisyon na ng aming angkan na ang unang apo o anak na babaeng birhen ang siyang nakatadhana para ipagpatuloy ang aming lahi. At dahil ako ang unang apo ni Lola Bell na birhen, sa akin nakapasan ang responsiblidad bilang isang Montemayor. Ngayon ang araw ng ika labing-walong taong kaarawan ko. Ngayong gabi na rin dapat gaganapin ang pagtanggap ko sa pamana ni Lola Bell. Pero hindi pa ako handa. Natatakot ako dahil alam ko ang resposibilidad na haharapin ko sa oras na ipasa na sa akin ang itim na sisiw. Kaya bago pa may makaalam, nagawa ko nang matakas sa amin mansyon. Pero sadyang malakas ang pakiramdam ng aking Ama. Halos hindi pa ako nakakalayo sa aming mansyon ay nagawa na niya akong sundan. Ngayon ginagawa ko ang lahat para makatakas. Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit ramdam ko ang mabibilis na mga yapak ni Ama na humahabol sa akin. Tanaw ko na ang pinakadulo ng aming teritoryo nang biglang lumitaw sa harapan ko si Ama. Wala akong magawa kungdi ang huminto habang walang patid ang paghangos ko. Aktong magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong sinugod. Mabilis rin niyang hinawakan ang leeg ko, at buong lakas na isinandal sa isa sa mga punong naroroon. "Ano'ng ginagawa mo?" Galit na tanong sa akin ni Ama. Halos mapangiwi ako nang maramdaman ako ang pagbaon ng kanyang kuko sa leeg ko. Kitang-kita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata habang mariin niya akong tinititigan. "A-A....A-Ama..." Kahit hirap na ako sa paghinga ay nagawa ko pa ring tawagin siya, at nagsusumamo ko siyang tinitigan. "Mayroon tayong kasunduan, Lunaria! At bilang panganay na apong babae ni Lola Bell, ikaw ang nakatakdang magmana para ipagpatuloy ang ating lahi!" Maawtoridad na saad ni Ama, "Ginawa ko ang lahat para umabot ka sa edad mong iyan na isang dalisay na babae. Tapos tatakasan mo lang ako?" "P-Pero natatakot po ako!" Katwiran ko sa kanya na siya namang totoo. "Iisipin mo pa rin ba ang takot ganoong unti-unti nang nauubos ang lahi natin?" Tanong ni Ama, "Mamili ka, Lunaria! papatayin kita, o tatanggapin ang katangkulan mo bilang prinsesa ng ating angkan?" May pagbabantang tanong ni Ama. "K-Kaya mong patayin ang nag-iisa mong anak?" May pagdududang tanong ko sa kanya dahil alam ko kung gaano ako kamahal ni Ama, at hindi niya ako makakayang patayin. Pero nagkamali ako. Nagulat na lang ako nang nagawa niya akong ihagis gamit lang ang isa niyang kamay. Para lang akong papel na tumalsik sa kung saan. Damang-dama ko ang matinding sakit dahil pagkakatama ng katawan ko sa mabato at maduming lupa. Habang pinipilit kong bumangon, nakita ko ang pagkislap ng mga mahahabang kuko ni Ama nang tumama ito sa sinag ng buwan. Nakita ko rin ang maala-pusang mata niya. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan ang paglapit niya sa akin. At nang nasa harapan ko na siya, umarko sa ere ang kanang kamay niyang may matutulis na kuko. Handa na akong patayin ni ama nang magsalita na ako dahilan para mapahinto siya. "Sige na! Pumapayag na ako! Tatanggapin ko na ang itim na sisiw ni Lola Bell!" Halos pumiyok pa ako habang binibigkas ko ang mga katagang iyon. "Papayag ka rin pala, pinahirapan mo pa ako!" galit pa rin ang timbre ng boses ni Ama. Pabalang pa niya akong hinawakan sa aking kamay, at halos kaladkarin ako pabalik sa aming mansyon. Pagpasok palang namin sa loob ng aming mansyon ay kaagad na kaming sinalubong ng iba naming mga kamag-anak "Mabuti naman naibalik mo na siya, Rodolfo!" Sabi ni Tita Corazon, bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala, "Magmadali! Hindi magiging mabuti kung unang mamatay si Mamang bago isalin ang itim na sisiw!" At dahil sa sinabing iyon ng aking tiyahin ay nagmamadali na akong kinaladkad ni Ama patungo sa silid ni Lola Bell. Nasa pintuan palang kami, nakahelera na ang iba naming kamag-anak, "Oras na, Rodolfo! Oras na para sa salin-lahi ng Montemayor! Ang anak mong si Lunaria, ang tanging makakapagligtas sa atin sa herenasyong ito!" Halos iisa ang mga sinasabi ng mga ito kay Ama. Nagpakawala muna si Ama ng malalim na buntong hininga bago niya sinenyasan si Tito Wilfredo na buksan ang pintuan. Kadiliman ang bumungad sa akin nang pumasok na kami ni Ama sa loob ng silid. Pero kaagad kong nakita si Lola Bell na naka-upo sa kanyang antigong tumba-tumba. Kung hindi ako nagkakamali, lagpas na sa isang daan taon ang edad ni Lola. At bakas na bakas na rito ang labis nitong katandaan. Aktong magsasalita pa sana ako nang buong lakas na hinatak ni Ama ang aking braso kaya nawalan ako ng lakas, at automatikong napaluhod ako sa harapan ni Lola Bell. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ang buong akala ko ay hindi na nagagawa pang idilat ni Lola Bell ang kanyang mga mata. Pero sa pagkakataong iyon, nakita kong dumilat ito. At kitang-kita ko ang maala-pusa niyang mga mata. Katulad ng mga mata ni Ama kapag nagbabagong-anyo. "Lunaria, Ija..." Sambit ni Lola Bell sa aking pangalan. Napalunok naman ako ng sarili kong laway. Para bang nagkaroon ng lakas si Lola Bell ng sandaling iyon. Nagawa na niyang makatayo sa kanyang tumba-tumba, at naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Pagkaraan ay nagawa rin nitong hawakan ang panga ko, at buong lakas niyang ibinubuka ang aking bibig. Aktong papalag pa sana ako nang nagawa namang hawakan ni Ama ang aking mga braso buhat sa aking likuran. Lumapit ang mukha ni Lola Bell sa mukha ko. At halos manlaki ang mga mata ko nang namilog ang bibig ni Lola. At mula sa loob ng bibig nito, kitang-kita ko ang unti-unting paglabas ng isang itim, at maliit na nilalang. Sinubukan ko pa ring pumalag pero sadyang mas malakas si Ama kaysa sa akin. Wala na akong magawa kungdi tanggapin ang itim na sisw na pinapasa sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagpasok ng naturang nilalang na iyon sa aking bibig, at nagdirediretso ito sa hanggang sa lalamunan ko. Pagkapasa sa akin ni Lola Bell ng naturang itim na ibon ay saka siya bumagsak sa aking harapan. May isa kaming kamag-anak na tumingin sa kanyang pulso. "Wala na si Mamang!" Malungkot nitong hayag sa lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
820.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
379.5K
bc

Not just, the Beta

read
360.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook