NANATILI AKONG TAHIMIK NA nonood sa masayang pagdiriwang ng mga kamag-anak ko mula sa bintana ng dating kuwarto ni Lola Bell. Pero sa gitna ng kasiyahan may may itim na kotse ang pumasok sa bakuran namin.
Wala akong alam sa mga sasakyan pero natitiyak kong hindi biro ang presyo nito.
Nakita ko ang isang matangkad, at maputing lalaki na bumababa buhat room. Para pa nga itong kumikinang sa kalinisan. Malayung-malayo ang anyo nito sa anyo ng mga kamag-anak ko na may mga bahid pa ng dvgo ang mga damit.
Hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo ko nang mapansin ko si Ama na masayang sinalubong ang naturang bisita. Parang inaasahan nito ang pagdating nito. Samantalang wala naman akong idi-ideya kung sino ang lalaking iyon.
Pero daig ko na ang binuhusan ng malamig na tubig nang umangat ang tingin ng lalaki sa dakong kinaroroonan ko, at doon ay nagtama ang aming mga mata.
Gumihit ang ngiti sa kanyang mga labi. Pero walang emosyon ko na lang siyang talikuran. Humakbang muli ang mga paa ko pabalik sa kinakain ko. Muli akong umupo sa tapat nito, at dinakot ang pvso nito.
May kakaibang aroma rin ang pvso nito. Pero wala pa rin tatalo sa lasa ng vt4k.
Kasalukuyan ko nang k!naka!n ang pvso nang bumukas ang pintuan. Para pa nga akong nasilaw sa liwanag na nanggaling sa labas.
"Tapos ka na bang kumain?" Tanong ni Ama sa akin.
Hindi ako tumugon. Nagpatuloy ako sa pagnguya.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Ama saka nito sinenyasan si Tita Corazon, at ang dalawa ko pang tiya na sila Tita Melissa at Tita Sora, "Huminto ka na. Oras na para gawin ang nakagawian ng ating angkan."
Napahinto ako. Ngayon ko lang kasi naalala ang isa pang tradisyon na kailangan kong gawin. Matapos na ipasa sa akin ni Lola Bell ang itim na sisiw, kinakailangan kong pakasalan ang una nitong apo na lalaki. At dahil sa naalala ko biglang pumasok sa isipan ko lalaking dumating kani-kanina lang, "Siya po ba si Lorenzo?"
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Ama, "Oo siya nga! Ang lalaking iyon ang aangkin sa unang dangal mo."
Nagkuyom ang kamao ko. Alam ko naman kasi noon pa na mangyayari ito. Pero noon pa ay lihim na akong tumututol sa tradisyon ng aming angkan.
"Tumayo ka na't maghanda sa iyong kasal! Naghihintay na ang mapapangasawa mo," utos ni Ama sa muling sinenyasan ang tatlo kong tiyahin bago ito lumabas ng silid.
Samantala, inalalayan naman ako ng tatlo kong tiyahin na tumayo. Pagkaraan ay inaalalayan rin nila akong magtungo sa palikuran. Doon nakita kong mga kandilang natirik sa bawat sulok ng banyo.
Napakislot na lang ako nang maramdaman ko ang pagb4ba ni Tita Corazon sa zipper ng aking damit, "Kailangan mo nang maglinis, Mahal naming Prinsesa!"
Hindi na ako tumutol nang tuluyan na niyang tanggalin ang damit ko. Maski ang piraso ng br4 at p4nty ko ay ito na rin ang nagtanggal. Kaya naman lumantad sa mata ng tatlo kong tiyahin ang magandang hubog ng aking katawan.
Pagkaraan ay si Tita Corazon pa rin ang umalalay sa akin hanggang makarating ko sa bathtub. Dahan-dahan rin niya akong inalalayan palubog sa malinis na tubig na may mga itim na talulot ng rosas.
Si Tita Sora ang nagpunas sa aking katawan. Samantalang si Tita Melissa naman ang naglinis ng aking ulo at mukha.
"Mukhang nabusog ka sa aming alay, Prinsesa!" Nakangiting saad ni Tita Corazon habang nakatingin ito sa akin, "Ano'ng parte ba ang nagustuhan mo?"
"Ang vt4k!" Mabilis kong tugon.
Napangiti si Tita Corazon, "Sang-ayon ako sa'yo, Prinsesa Lunaria! Ang vt4k ang pinakamasarap sa lahat dahil sa bawat nguya mo, parang lumilipad ka sa alapaap!"
"Kapag ba kumakain ka ng utak nakikita mo sa isipan mo ang mga alaala ng taong iyon?" Usisa ko.
"Siyang tunay, Mahal na Prinsesa! Iyon ang kakayahan nating mga Montemayor!" Pagmamalaki ni Tita Corazon.
"Matapos kong kainin ang vt4k ng taong iyon, nalaman kong siya pala iyong binatang nagtatrabaho sa karinderya sa bayan," pagpapatuloy kong turan, "Nalaman ko rin ang nakaraan niya. Pati ang pagmamaltrato sa kanya ng ama niya."
"Huli na para maaawa ka sa binatang iyon, Prinsesa. Ibinigay na rin niya ang buhay niya sa'yo!" Sabi ni Tita Corazon, "Sa ngayon, alam namin na mahihirapan ka pang kontrolin ang sarili mo. Pero alam kong makakaya mo rin ang lahat ng ito. Halos lahat kami ay naranasan ang pinagdaraanan mo."
Hindi na ako nagsalita pa. Pinagpatuloy na lang nila akong linisan. Pagkaraan ay dinamitan na nila ako ng Traje de Boda na kulay itim. Halos hindi ko nakilala ang sarili ko nang mapatingin ako sa salamin. Halos pula rin ang aking labi dahil sa pinahid ni Tita Sora na lipstick.
"Napakaganda mo, Prinsesa!" Nakangiting puri niya.
"Siyang tunay! Kahawig niya ang si Erlinda!" Dagdag na komento ni Tita Melissa.
Pagkaraan ay tumukhim si Tita Corazon. Paraan ng pagsaway nito sa dalawang babae.
Samantalang ako naman ay tahimik na nakamasid sa salamin. Kilala ko na rin kasi ang Erlinda na tinutukoy nila. Iyon ay ang aking ina. Maliita palang ako nang nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga aswang at ng mga tao. Ayon kay Ama, nalaman ng mga tao ang tunay na anyo ni Ina kaya isinunog ito ng buhay namin. Sadyang malalakas ang mga tao kaya napilitan ang mga kalahi namin na lumayo, magtago, at manirahan sa mga kagubatan. May mga ilan pa kaming mga kalahi ang nananatiling nakikisalamuha sa mga tao, pero pilit na itinatago ang tunay na pagkatao.
Simula pa pagkabata ay lagi ko nang maririnig ang tungkol sa syudad ng Maynila. Pero dahil ako ang nakatakdang tagapag-mana ng itim ni sisiw ni Lola Bell, buong buhay ko ay ikinulong ako ni Ama sa aming mansyon. Kung lalabas man ako, hanggang bayan lang. Kung saan karamihan sa aking kamag-anak ay doon nakatira.
Dahil sa lalim ng aking iniisip hindi ko namalayan na oras na para sa pag-iisang d!bd!b namin ni Lorenzo, ang unang apo na lalaki ni Lola Bell. Pangalawang pinsan ito ni Ama. Madaling salita, tiyuhin niya ito. Wala na siyang masyadong alam tungkol sa lalaking ito dahil hindi naman ito lumaki sa mansyon.
Nagawa na akong alalayan ni Tita Corazon palabas ng aking kuwarto hanggang sa malawak naming hagdanan. Kahit nakatalukbong ako ng itim na belo ay nakita ko pa rin ang mga itim na paniking animo'y mga paru-parung lumilipad sa paligid.
Nasa ibaba na ako ng hagdaan nang inabutan ako ni Tita Sora ng mga itim na rosas, iyon ang nagsilbi kong bouquet.