HALOS HINDI KO NA ALAM ang nangyayari sa paligid ko matapos kong maramdaman ang pagpasok ng itim na sisiw sa bibig ko. Ramdam na ramdam ko pa nga kung paano ito dumaan sa lalamunan ko. At ilang saglit pa ay naramdaman ko ang paghalukay ng kung anong bagay sa sikmura ko.
Napahawak ako sa aking tiyan.
Napahiga ako sa sahig at namilipit sa sakit.
Ilang saglit pa ay bumvlw4k ang pvl4ng l!k!do sa aking bibig. Dahil doon, nanghihina kong tinungkod ang dalawang kamay ko sa sahig. At doon ko nakita ang unti-unting pagtulis ng aking mga kuko.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko rin ang pagtubo ng dalawang pangil ko.
Halos hinihingal na ako sa mga sandaling iyon samantalang naroroon lang naman ako sa silid ni Lola Bell. Ramdam na ramdam ko rin ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko, may kung anong enerhiya ang biglang humalo sa aking dvgo na siyang mabilis na dumaloy patungo sa aking ut4k.
Wala sa loob na napahawak ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay may sasabog sa loob. At dahil doon, malakas na sigaw ang pinakawalan ko na halos umalingawngaw sa buong mansyon namin ng gabing iyon. Pagkaraan ay awtomatikong nawalan ako ng malay-tao.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. Nagising na lang ako nang makarinig ako ng tila pag-iyak ng isang lalaki. Kasabay nito ang kakaibang aromang naaamoy ko mula rito.
Maliksi akong napabangon. Para na akong isang pusa kung tumindig habang malalim ang pagkakatitig ko sa aking bisita.
Napakislot naman ang lalaki. Wala itong anumang suot na saplot kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan ng pangangatawan niya.
"Please pakawalan mo na ako rito!" Tila pagmamakaawa nito habang pilit nitong pumapalag sa pagkakagapos ng buong katawan nito.
Maliksi akong lumapit sa kanya. Nakita ko ang gulat at takot sa kanyang mukha. Halos hindi rin nito alam ang gagawin kung paano nito itatago ang hvb4d nitong katawan.
Sumisinghot akong lumapit pa nang husto sa kanya. Daig ko pa ang isang hayop na inaamoy ang nakahain na pagkain sa harapan ko. Napangisi ako dahil rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng d!bd!b niya.
Umakyat ang pang-amoy ko hanggang sa kanyang leeg patungo sa kanyang mukha. Doon ay may kung anong kakaibang aroma akong naaamoy.
Mabango.
Nakakagutom.
Nagsimulang umiyak ang lalaki, "Maawa ka! Pakawalan mo na ako!"
"Shhhh..." Utos ko sa kanya, at tinakpan ko mismo ang bibig niya gamit ang dalawang daliri ko. Pagkaraan ay inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga, "....Ayoko ng maingay habang kumakain!"
Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Parang may ideya na ito kung anong pagkain ang tinutukoy ko.
Ngumisi ako, "Alam mo bang birthday ko ngayon? At tingin ko, ikaw ang birthday gift nila sa akin!" Sabi ko saka ko hinawakan ang kanyang panga, "Huwag kang malikot! Saglit lang ito!" Nangingislap ang mga mata kong tinitigan siya.
Pilit na pumapalag ang lalaki. Umiling-iling ito para maalis ang kamay ko. Pero kinainis ko lang ginawa niya, "Sabi kong huwag kang malikot!" galit kong sabi sa kanya saka ko din4km4 ang kanyang s4nd4t4.
Nagulat ang lalaki, at napasigaw.
"Masyado kang maingay!" Galit kong sabi saka ko walang awang binunot ang s4nd4t4 niya. Bvmulw4k ang pvl4ng l!k!do mula sa kanyang katawan.
Halos umaalingawngaw sa bawat sulok ng aming mansyon ang pagpulahaw niya.
Nagawa ko pang d!laan na parang sorbetes ang kanyang s4nd4ta. Habang wala pa ring patid ang kanyang pagtangis.
Ramdam ko na ang panghihina ng aking pagkain. Kaya naman lumapit na ako sa kanya, at buong lakas kong !b!nvka ng kanyang bibig. Parang gripong tumagas ang pvl4ng l!k!do sa ulo nito. Wala na akong pakialam kung maligo man ako ngayon ng sariwa nitong dvgo. Mas nanakam ako dahil mas humalimuyak ang mabangong aroma ng kanyang vt4k.
Halos ngangatog pa ang mga kamay ko habang kumukuha ako ng pirasong ut4k niya. Pagkaraan ay lakas loob ko itong !s!nvbo.
Halos humahangos pa ako habang ninunguya ko ang aking sariwang pagkain. Kasabay nito, may ilang alaala ang biglang pumasok sa utak ko.
Scenario ng isang lalaking bully sa school. Kung gaano siya kasiga sa eskwelahan ay ganoon naman siya katakot kapag kaharap nito ang isang malaking lalaki na sa tingin ko ay ama nito. Hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral ang lalaki dahil mas tinuon nito ang sarili sa pagtatrabaho sa isang karinderya. Kung hindi ako nagkakamali, ang karinderyang ito ay ang madalas na nadaraan namin ni Ama sa tuwing lumuluwas kami ng bayan. Tama, minsan ko nang nakita ang lalaki ito na naglakas-loob na lapitan ako at hingin ang cellphone number ko. Pero si Ama ang nakaharap nito. At simula noon, hindi ko na ito nakita pa sa karinderyang iyon. Iyon pala, narito lang sa bahay namin. At ginawang alay ng mga kamag-anak ko para sa aking pagdadalaga.
"Kawawang nilalang!" Tanging komento ko habang pinagmamasdan ko ang wala nang buhay nitong katawan. Muli akong dvmvkot ng piraso niyang vt4k, at muli ko itong kinain.
Daig ko pa ang nanonood ang isang pelikula sa tuwing kinakain ko ang kanyang vt4k. Pakiramdam ko, sumasanib ang kanyang kaluluwa sa katawan ko. At unti-unti kong nalalaman ang sekretong tinago nito mula pa pagkabata.
Para sa akin, ang vt4k ang pinakamasarap sa lahat ng parte ng katawan na nakain ko. Kakaibang kararanasan ang nararamdaman ko sa bawat pagnguya ko ng l4m4ng-l0ob nito.
Hindi ko pa nauubos ang buong nitong katawan ay parang nabusog na ako nang matikman ko palang ang kanyang vt4k.
Kasalukuyang abala pa rin ako sa pagkain nang maramdaman ko ang mga kamag-anak ko sa labas ng aming mansyon.
Nagawa ko nang tumayo, at nagtungo sa bintana. Sumilip na rin dahil nais kong malaman kung anong pinagkakaabalahan ng mga ito.
Doon nakita ako ang pagsayaw ng aking mga Tiyahin sa mga nag-aapoy na kahoy. Ilang saglit pa ay lumabas sa mansyon ang iba ko pang Tiyuhin na may bitbit na itim na ataul.
Malakas ang kutob kong si Lola Bell ang nasa loob ng ataul na iyon. Ito lang naman ang pumanaw sa pamilya namin.
Binuksan ni Ama ang kabaong kung saan nakita ko ang wala nang buhay na katawan ni Lola Bell. Halos parang kahoy na natuyo ang katawan ito dahil sa sobrang kapayatan.
Binuhat ng iba kong tiyuhin ang katawan ni Lola Bell. Pagkaraan ay buong lakas na hinatak ng mga ito.
Parang papel lang napunit ang katawan ni Lola Bell. Habang hiwa-hiwalay ang mga katawan nitong hawak ng aking mga tiyuhin.
May itim na likidong tumatagas sa k4tawan ni Lola Bell. At pinagpasa-pasahan iyon hanggang sa pinabunsong anak ni Lola. Pagkaraan ay inihagis ng mga ito sa nag-aalab na siga.
Lumikha ng malaking apoy ang pagtapon ng aking mga tiyuhin sa mga pinipirasong katawan ni Lola Bell. Kasunod niyon ang pag-ugong ng malalakas na tunog ng mga tambol. At ang malalakas na hiyawan ang aking mga kamag-anak.
Umalingawngaw na rin ang 4lvlong ng mga aso sa paligid na tila ba nakikiisa ang mga ito sa pagdiriwang ang angkan naming mga Montemayor.