Capitulo Tres

3771 Words
Tahimik lang ako sa buong durasyon ng aming biyahe papunta sa nasabing orphanage. Nanatili namang nagsasalita ang babaeng sumundo sa akin kanina at ang kasama nito. "Siguradong magugustuhan mo don, Ysabelle. Marami kang makakalaro," wika pa ni Ate Minda, pakilala nito kanina. "Hindi ka na din mag-iisa dahil may mga kasama ka na." Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Ate Josefa, iyong nabastos ko. "Patawad po." Napakurap ang dalawang babae at nagkatinginan, nagtataka at nagtatanong ang mga mukha ng mga ito. "Patawad, Ate Josefa at nabastos ko kayo kanina. Hindi ko kayo pinatapos magsalita at agad ko pa kayong tinalikuran. Pasensiya na po." Hindi ko nilubayan ng tingin ang mga mata nito, may naaninag akong pagkagulat roon. Nakatanga itong nakatingin sa akin at natauhan lamang ng magaang niyugyog ng kasamahan. "A-ah ano... ayos lang, Ysabelle." "Hindi po kailanman naging maayos ang kawalan ng respeto." Nagkatinginang muli ang dalawa at kumibit-balikat nalang si Ate Minda. "T-tama nga naman. Pinapatawad na kita," si Ate Josefa. "Salamat po." Ibinalik ko muli ang paningin sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Tingin ko'y hindi maayos ang pagkakahingi ko ng tawad dahil blangkong mukha lang ang iginawad ko sa mga ito. Ilang minuto ang lumipas at wala ng nagsalita sa dalawa kaya nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan. Bumagal ang takbo ng sasakyan, nakita kong may bumukas na gate at pumasok ang sinasakyan namin doon. Ang ganda ng lugar at malawak. May malaking fountain din na paikot sa harap ng isang palapag na gusali. Marami kang makikitang halaman sa lugar at kay berde ng bermuda sa lakaran. Nakasuksok lang sa bulsa ko ang mga kamay at nailabas lamang ng nahinto kami at kailangan ng bumaba. Kinuha ko ang karton at binuhat ito ngunit pinanatili kong itago ang kamay na may sugat. Gusto kong ako ang maglinis nito mamaya, ako lang. "Nandito na tayo, Ysabelle." Nilibot ko ang paningin ng biglang may nagsilabasan na mga bata. May mas bata, matanda, at ang iba'y ka-edaran ko lang. "Maligayang pagdating sa Happy Pit Orphanage, Ysabelle!" Nung una'y akala ko normal lang na pagbati ang ibibigay ng mga ito, pero may pahabol pa silang... Pagpadyak ng mga paa. Kakaiba. Binasa ko ang signage sa ibabaw nila na "Happy Pit Orphanage" habang patuloy silang nagpapadyak doon. Dahil na-weirduhan ako ay lumapit ako kay Ate Josefa at bumulong. "Ayos lang po ba sila?" Ang tingin nito ay nasa mga bata sa harapan na nagpapadyak, tuwang-tuwa ang mukha nito at napapapalakpak pa. "Ha? Ah, oo, Ysabelle. Hango kasi ang pangalan ng ampunan sa palabas na Happy Feet, yung penguins na nagpapadyak ng mga paa ba? Hihi, ang cute nilang tingnan 'no? Balang araw isa ka narin sa kanila at gagawin din 'yan bilang pagbati kapag may bagong bata na darating." Palihim akong napangiwi sa sinabi nito. Ako? Gagawin iyan? Poncio pilato. Hinding hindi ko gagawin 'yan... Pero infairness, parang nakakatuwa din. Maliban sa isa na seryoso lang na nakapamulsa at nakatingin sa direksiyon namin. Ni hindi ito nagpadyak ng paa katulad ng ginagawa ng iba. Parang estatwa lang itong nakatayo roon. Hindi nakangisi, hindi rin nakasimangot, blangko lang ang mukha nito. Nakakaasiwa ang tingin nitong si totoy. Nangingibabaw ang katangkaran nito sa iba. Mas matangkad pa nga ito sa Madre na nasa tabi niya. Tuli na kaya siya? Sa tangkad niya ay tingin ko'y teenager na ito. Pero bakit nasa ampunan pa rin siya? Maya-maya ay nagsipasukan na ang mga ito at nagkalat sa iba't-ibang sulok ng lugar. Iginiya ako nila Ate Josefa at Ate Minda sa matandang Madre na senior citizen na siguro na nakatayo kanina sa gilid nung matangkad na lalaki. Kumukulubot ang mukha nito kapag ngumingiti. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang may nagtutulak sa aking yakapin siya. "Mother Superior," magkasabay na wika nina ate rito at nagmano. "Kaawan nawa kayo," mahinhin na wika ni Mother Superior. Tumingin sa akin si Ate Josefa. "Ysabelle, siya si Mother Grace ang Mother Superior ng ampunan." Nagmano din ako dito. "Magandang araw sa'yo, munting binibini. Kaawaan ka nawa..." nakangiti nitong wika sa akin. "Magandang araw din po." "Maaari ba kitang tawaging Ysa?" Tumango ako bilang tugon. Ngumiti siya at marahang hinawakan ang buhok ko at ang balikat ko nang giniya niya kaming pumasok. "Pumarini na kayo. Ipapakilala kita sa mga kasamahan mo, Ysa." Tinawag ni Ate Minda ang mga bata kanina at muli ay nagtipok sila sa malawak na sala. "Ipakilala mo ang sarili mo, Ysa." nakangiting sabi ng madre. Tumikhim ako. "Ah... Ako si Maria Ysabelle Bianson." "Hi...Maria...Ysabelle...Bianson..." mabagal nilang bati. "Pakitunguhan ninyo ng maayos si Ysa, ha? At tulad ng laging sinasabi ko...?" "Power--" sabay nilang sigaw at itinaas ang kamao. Narinig ko na iyan sa palabas, ha? Kapag may pagtitipon sa isang networking company ay sinasabi nila ang katagang 'yan. Hanep din 'tong ampunan nila. "--and love each other!" May pahabol pa pala. Pagkatapos ng madamdamin at dramatic na power line nila ay may lumapit sa akin na babae. Mukhang ka-edad ko lang. Naka-bun ang buhok nito at may malaking flower na disenyo sa ginamit na pampusod. May mga makukulay din na hair clips sa buhok niya. "Hi, ako si Garutay." Tiningnan ko ang mukha nitong may kay lapad na ngiti papunta sa kamay nito at pabalik ulit sa kaniyang mukha-- teka...bungi siya? Bungi ang isang ngipin nito sa harap. Nabungi din ako noong nakaraang taon, pero tumubo na 'yong ngipin ko ulit dahil nilagay ko sa puno ng saging 'yon. Tinanggap ko ang kamay nito "Hi, Garutay-" natigil ako nang biglang nanlaki ang mga mata ni Garutay. "Hala... may dugo! May sugat ka!" Pilit ko 'tong tinatago kanina para hindi makita, pero dahil nadistract ako sa bungi niyang ngipin ay iyong may sugat na kamay ang nailahad ko. Hay naku.... "Hala, oo nga! Tumutulo pa 'yung dugo--ackkk!" sigaw ng matabang bata na nasa may lamesang malayo sa amin. Lumalamon ito at may pagkaing hawak sa magkabilang kamay. Bilugan ang mga pisngi nitong puno ng pagkain at nabulunan. Ayan kasi, sabi nga nila "Do not talk when your mouth is fooling." Nabulunan tuloy. Nilapitan ito ni Ate Minda at tinatapik ang likod nito at nilahadan ng tubig. "Lumalamon ka na naman, Butchoy. Mamaya pa ang tanghalian eh, nauna ka na naman." "Snack lang po 'to, ate." Kinurot ni Ate Minda ang pisngi nito at pinanggigilan hanggang sa nagreklamo itong nasasaktan na. Nawala ang tingin ko sa nagkukulitan nang magsalita si Mother Superior sa gilid ko. "Hija, may sugat ka," saad ni Mother Superior. Tiningnan ko ang kamay kong namamanhid. Hindi ko naramdaman ang sakit kanina kaya hindi ko napansing dumurugo na pala ito. "Ayos lang po." "Gagamutin natin 'yan, pahiran muna natin para matigil ang pagdugo." Naglabas ito ng malinis na panyo at akmang kukunin ang kamay ko nang bigla ko itong inilayo. "A-ah, Salamat Mother Superior pero ako na po. Ako na po ang maglilinis nito mamaya," seryosong tugon ko dito. "Tutulungan ka na namin ni Ate Minda mo diyan, Ysa," sabat ni Ate Josefa. Marahan akong umiling. "Hindi na po, salamat. Kaya ko na po ito." Nakatitig sa akin si Mother Superior at marahan naman itong tumango. "Oh siya sige. Dane hijo, pakisamahan mo si Ysa sa clinic. Dalhin niyo na lang itong karton sa kuwarto niya Josefa at Minda," sabi ni Mother Superior. "Masusunod po." Kinuha nila ate mula sa pagkakahawak ko ang karton. Lumapit naman sa akin si totoy. Iyong seryoso makatingin kanina. Nang lumapit ito ay parang nanliit ako, literal, dahil hanggang sa ibaba ng dibdib niya lang ako. "Tara," malimit nitong wika. Nakapamulsa ito at nauna nang naglakad. Nang tingnan ko si Mother Superior ay mahinhin lamang itong ngumiti sa akin at tumango na parang inuudyok akong sumama kay totoy. Tahimik naming tinatahak ang pasilyo. Ibinaling ko nalang ang tingin sa dingding na yari sa salamin at nang may mapag-aliwan ang aking mga mata. Kita ang magandang hardin sa labas na nasisinagan ng araw. May mga ibon pang lumilipad at dumadapo sa sanga ng mga puno. May bench roon na natatabunan ng anino ng mga puno at may playground sa dulo. Swing lamang ang nakita ko dahil bigla akong tinawag ni totoy, dahilan upang mapunta sa kaniya ang atensiyon ko. "Saan ka pupunta?" Inalis ko ang tingin sa labas at ibinaling dito. "Huh?" "The clinic's right here." Turo niya sa may kaliwang bahagi. Blangko ang mukha nitong nakatingin sa akin. Spokening dollar... Teka, ako kanina ang nagbibigay ng blangkong tingin sa mga workers nitong ampunan, ah? Nakarma 'ata ako, at ganon 'din ang ibinibigay ni totoy sa'kin. Nakalimutan ko ang golden rule na laging sinasabi ni nanay dati na, "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa'yo. Kung hindi may interest na itong 5% pabalik." Hay... Napakamakabuluhan ko talaga. Gusto kong tapikin ang sariling balikat sa pagkaproud dahil napakalalim ng words of wisdom ko. Buti nalang tinuruan ako ng maayos ni Ate Roan. Nang maalala ang kapatid ay napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa pintuan na hinawakan nito pabukas. Nang makapasok ay inilibot ko ang paningin. Kulay berde ang kurtina nila dito at may aircon. May limang higaan din na katulad sa hospital na nakalinya. "Wash your hands before I treat your knuckles." Sa sobrang daldal nina Ate Minda at Josefa kanina sa sasakyan kahit para akong amang at hindi sumasagot ay narinig ko naman at nasundan ang mga pinagsasasabi nila. Pero hindi nila ako na-inform na englishero pala ang mga magiging kasamahan ko dito. O baka siya lang ang englishero dito? Sana oo, dahil ayokong magka-noseblood...o noseblade 'ata 'yun? Pumunta ako ng banyo at hinugasan ang sugat ko. I saw the trace of the wound left by the plywood when I punched my knuckles upon it earlier making it bleed-- ay ka poncio pilato!Napapa-ingles na rin tuloy ako. Matapos kong maghugas ay lumabas na ako at nakita si totoy roon na nakadekwatro ng upo sa clinic bed at pinagkakalkal ang first aid kit box. "Ah, totoy-- este Dane ako na ang gagamot," sabi ko sa kanya. "Max," aniya habang busy pa rin sa pagkakalkal. "Ha?" "Call me Max." "Pero Dane ang tawag ni Mother Superior sa'yo-- sabi ko nga... Max..." Bakit ba parang leon ito kung makatingin? Parang galit. Parang lagi kang dadambahin ano mang oras. Nakakatakot. Sa pagkakaalala ko, una pa naman namin 'tong pagkikita at wala akong utang sa kaniya para tingnan niya ako ng ganiyan. "Give me your hand," utos niya. "Ah, Max, ako na lang ang gagamot sa sugat ko." "I won't say it twice, you'll give me your hand or you'll give me your hand." May saltik ba'to? "Wala naman akong pagpipilian diyan, eh." "Exactly, now sit here and lend me your hand." Tinapik nito ang clinic bed na inuupuan. Para niya akong sinupalpal sa sinabi niya. Aba! Sarkastiko 'tong si totoy, ah! Pero dahil nga mala-leon ito at sa hindi malamang dahilan ay tumitiklop ako dito-- at parang dumadaldal na ulit ako. Ibinigay ko nalang ang kamay ko. "A-aray!" untag ko. Para akong isang alien na ngayon lang nito nakita kung makatingin sa akin. Sabagay, iba naman talaga kagandagan ko sabi ng kalaro kong uhogin dati na si Berto. Nais pa niyang sumali ako sa Miss Universe paglaki. Pero sabi ko sa kaniyang ayoko at baka madiscover pa ako ng mga T.V. stations at gawing artista, pag-aagawan nila kung saang station ako mapupunta. Tapos 'pag naging artista, pagkaguluhan naman ako ng mga binata dahil sa ganda kong taglay. Tapos marami akong bulaklak at tsokolate araw-araw, para akong namatay niyan at laging pinapadalhan ng bulaklak. Tapos magkakadiabetes ako sa dami ng tsokolate, gusto ko pa naman 'yun. In short, ayoko sumali sa Miss Universe. "Tss, you're overreacting. Hindi ko pa dinadampi ang bulak sa sugat mo." Kumurap ako sa sinabi nito. Napahiya naman ako ng very very slight dahil nauna pa ang reaksiyon ko. Habang ginagamot niya ang sugat ko ay hindi ko napigilang pagmasdan ito. Maitim ang buhok niya at makapal ang kaniyang mga kilay, parang higad. Mahaba ang pilik mata nito at tumatama sa kaniyang pisngi kapag kumukurap. Ang tangos ng ilong nito at mapula ang labi na bahagya pang nakaawang. Naisara ko ang bibig kong kanina pa nakanganga at napalunok ako ng kaunti sa pagtitig sa kaniya. Nakapokus ito sa paggagamot sa kin, kaya hindi niya malalamang pinagnanas-pinagmamasdan ko siya. Ilang taon na kaya siya? "Done. Next time if you want to punch something make sure it's a punching bag and not a wall. Huwag mong saktan ang sarili mo kapalit ng pagpapalabas ng galit mo." Ito na 'ata ang pinakamahabang sinabi niya mula kanina. Marahan nitong hinihipan ang sugat ko sa kamao at maingat na hinahaplos ang gilid ng sugat. Nang mag-angat ito ng tingin ay sinigurado kong mahahagilap ko ang kulay ng kaniyang mata, at laking gulat ko ng makitang kakulay iyon ng mga kurtina dito. Kulay berde. "Why? Wait, are you listening?" nakakunot-noo niyang tanong. "H-ha? Oo naman." Napansin siguro nito ang sobrang pagtitig ko sa kaniya. Mabilis akong umiling at yumuko. Baka akalain niya pang pinupuri ko ang gwapo niyang mukha na mala-diyos ng griyego, at ang maganda nitong mga mata. Hindi 'no! Hindi ako nito pinansin at nilagyan na lamang nito nang benda ang sugat ko. "Salamat, totoy--" babawiin ko sana ang sinabi, pero naunahan ako nito. "I'm older than you, so stop calling me totoy." Napayuko ako roon sa hiya. Nadaplis lang naman ako. Nasabi ko palang totoy, dapat Max 'yun, eh. Ayan, nasampolan tuloy. "E'di kuya nalang?" Binigyan ako nito ng matalim na tingin. "Bakit ang sama mong makatingin, anong nasabi ko?" "I'm not a totoy, neither your kuya. We're not siblings." Eh? "Hindi naman talaga tayo magkapatid po." "Kaya nga huwag mo akong tawaging kuya. It's Max for you," aniya. "K," sagot ko. Namimihasa na 'tong lalaking 'tong tumitig sa'kin. Kaso kung makatitig, para naman akong kakainin...ng buo. Tulad ng kung paano kumain ng tao ang leon. Inayos nito ang mga gamit at ibinalik ang kit sa lalagyan nito. Matapos ay dumiretso ito sa pintuan at walang pasubaling lumabas. "Aba? Iniwan ako?" ani ko at tinuro ang sarili. -- "Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos Espirito Santo, Amen. Kain na kayo mga bata." Tahimik lang akong nakatitig sa plato ko. May laman itong kanin at isda may maliit na mangkok para sa sinabawang gulay at may saging din. Sana pala noon pa lang ay pumunta na kami ni ate dito sa ampunan, e'di sana hindi niya kailangang magtrabaho at maghirap. Sana hindi niya naibigay ang katawan niya sa isang matandang hukluban. Sana noon pa may masarap na kaming nakakain at paglalaro at pag-aaral nalang ang inaatupag namin. Sana hindi niya naranasan ang lahat ng sakit na idinulot sa kaniya ng buhay. At sana...sana buhay pa siya ngayon. "Kinakain ang pagkain, hindi tinititigan," bulong ng kung sino. Bakit ba hindi nawawala ang mga kontra-bida 'pag nagmomoment ang bida sa pelikula? Tulad ko, inistorbo lang naman ni totoy ang page-emo ko. Hindi ko nalang ito pinatulan at pinansin. Bagkus, ay magana akong kumain at sumubo lang ng sumubo. "Hinay-hinay, the food won't run." Mas binilisan ko pa ang pagkain at punong-puno na ang bibig ko. Bakit ba hindi nalang siya kumain diyan at huwag nalang akong pansinin? 'Di porket siya gumamot sa sugat ko kanina ay close na kami. Tahimik naman siya kanina, nanatili na lang sana siyang ganun. Matapos namin kumain ay naglinis kami ng katawan at pumunta sa kaniya-kaniyang silid para mag-siesta. May apat na bata sa isang kuwarto at nakabase sa kasarian ang magiging kasama mo. Sa kaso ko ay puro kami babae dito. Kung may tomboy man ay walang problema dahil pechay pa rin naman ang sa kaniya, kaya 'di kailangang mabahala. 'Tsaka Madre ang nagpapatakbo ng ampunan, kaya natural lang na ihinihiwalay ang mga babae sa mga lalake. Double deck ang higaan at hindi din gaanong kalakihan ang kwarto. May isang ceiling fan para sa mga nasa taas at isang mini fan para sa mga nasa baba. May isang bintana din dito at kita ang hardin sa labas. Kasama ko si Garutay sa kwarto dahil tatlo lang sila dito, ang dalawa pa naming kasama ay sina Renie at Joy. May mga bakante pa din namang kwarto para sa mga dadating pang mga batang ulila tulad namin. Dahil ang ibaba na puwesto nalang ang bakante ay doon na pumuwesto, at sakto ding narito sa puwesto ko ang bintana kaya mas presko dito. Inilagay ko na sa maliit kong cabinet sa uluhan ko ang mga damit. Hanggang ibabang bewang ko lang ang cabinet at napapatungan ng gamit ang ibabaw nito. 2 in 1 pala ito, cabinet na lamesa pa. Inilagay ko rito ang picture frame namin ni ate at nanay, oo may hinanakit ako kay nanay pero hindi ko maaaring punitin ang mukha niya sa larawan. Sayang din ang pagpapa-print nito, ang mahal kaya ng bayad tapos pupunitin ko lang? Kayaayos lang kahit nandito siya, hindi din naman siya ang titignan ko, eh, kundi kami ni ate. Pero sisilipin ko din ang mukha niya sa larawan minsan, mga once every every hours. Matapos ayusin ang mga gamit ay humiga na ako nang pumasok si Ate Minda sa kuwarto namin. "O, mga bata, magpahingang maigi para mabilis lumaki. Ysa, sabi ni Mother Superior bukas ka nalang namin ililibot dito sa orphanage. Magpahinga ka nalang daw muna ngayon." "Sige po," sagot ko habang inaayos ko ang aking kumot. Ngumiti si ate Minda at nagpaalam na. Nakatitig lang ako sa ibabaw na kama at pipikit na sana nang biglang sumilay ang mukha ni Garutay sa taas. Nakangiti ito at parang ipinangangalandakan ang kaniyang bungi nga ngipin. "Laro tay mamaya, Ysa ha? Hihi. Goodnight." Humikab ito at nawala ang ulo sa paningin ko. Hapon pa lang pero nag-goodnight na si Garutay. Naglikot ako ng kaunti sa aking kama hanggang sa nahanap ko ang kompartableng posisyon. Humikab ako at nagpagapi na sa antok. Alas-tres ng hapon nang ginising kami at snack-time na daw. Sandali akong uminom ng gatas na pinaresan ng biscuit bago nagpunta sa playground. Nang makita ko 'to kanina ay parang nagningning ang mga mata ko at gustong sumakay sa swing. Kasalukayang walang tao dito at ang mga kasamahan ko ay naglalaro ng habulan at nagpaikot-ikot lamang sila sa playground. "Uy, Ysa. Tara sama ka samin ni Butchoy maglalaro kami doon sa swing," aya ni Garutay. "Oo nga, Eeshaa," segunda ni Butchoy nauno na naman ang bibig at may hawak na biscuit. Ni hindi niya nabigkas ng maayos ang pangalan ko. Umiling ako. "Dito nalang ako sa duyan, Garutay." "Sasamahan ka nalang namin ni Butchoy. Diba, Butchoy?" Siniko nito ang kasama na nagpopokus sa pagkain. Tumango lang ito at tumitig sa bisuit na hawak na parang ine-examine ito. "Bakit parang kinagatan 'to? Kinainan mo ba 'tong biscuit ko, Garutay?" reklamo ni Butchoy. "Ikaw ang kumagat niyan, patay gutom ka kasi." Malapad ang ngising lumapit sa akin si Garutay na nakapig tails ang buhok ngayon. Nandoon pa rin ang mga makukulay na hair clips niya sa buhok. Bigla itong kumapit sa braso ko. "Tara na." "Hoy, hintay!" sigaw ni Butchoy. Nauna na kami ni Garutay sa duyan. Sumakay kami dito at mahina kong tinutulak ang sarili habang tinitingnan ang mga batang naghahabula. Nakuha ni totoy-- este Max ang atensiyon ko. Tahimik lang itong nakaupo sa hagdan ng slide at nagbabasa ng libro. "Garutay?" "Yes?" "Kilala mo ba siya?" tinuro ko ang kinaroroonan ni Max gamit ang labi. "Sino?" "Si Max." "Huh? Eh wala namang may palayaw na Max dito, Ysa." Natigilan ako. "Si Dane ang ibig kong sabihin." "Ah...si Kuya Dane?" "Oo." "Matagal na siya dito. Nandito na siya ng dalhin ako dito ni Tiya nang mamatay si mama. Alam mo ba sikat 'yang si Kuya dito at maraming nagkakagusto sa kaniya? Isa na sa kanila si Tiffany ambisyosa." Nanatili akong nakatitig sa pinag-uusapan namin na nakatagilid mula sa direksiyon ko. "Palaging inaaway ni Tiffany ang mga nagkakagusto kay Kuya Dane at pinagbabantaan niyang kukunin niya ang panty ng mga ito at ilalagay sa basurahan. Ang sama niya 'no?" "Ilang taon na siya?" Tinukod ko ang paa sa danuhan at mahinang tinulak ang sarili sa dayun. "Si Tiffany?" "Si Dane." "Fifteen." Naitigil ko ang pagduyan sa sarili. "Kinse na siya?" Tumango si Garutay. "At saka tahimik lang din siya at madalas magbasa ng libro. Kadalasan doon siya sa bench nagbabasa. Ngayon ko nga lang siya napansing nagbasa diyan sa hagdanan ng slide." "Alam ko kung ano ang gusto niya paglaki." Sabay kaming napatingin ni Garutay kay Butchoy na lumalamon pa rin nang sumabat ito sa aming usapan. "Ano?" sabayng tanong namin ni Garutay. "E'di maging sekyu! Tignan mo, parang nakabantay siya sa slide at ayaw niyang may maglaro diyan. Parang sekyu," aniya at tumawa. May mga bubog pa ng kinain niya ang lumalabas sa bibig niya dahil sa paghalakhak. Naikot ni Garutay ang mga mata. "Kumain ka na lang diyan, Butchoy. Wala kang nasasabing tama. Hay nako!" Ako nama'y ibinalik ulit ang tingin kay Max ngunit biglang nagtama ang mga mata namin! 'Kumalma ka, Ysa...' Pasimple kong binaling ang tingin sa mga babaeng pinagtutulukan ang isa nilang kaibigan na para kunong tinitingnan lang ang paligid. Na hindi ko talaga siya tinititigan at napadaan lang ang sulyap ko sa gawi niya. Whew! Muntik na 'yon ah. "Sige na, lapitan mo na." Napokus ang atensiyon ko sa grupo nh mga babae. Pinagtutulakan ng mga ito ang isa nilang kaibigan. May bangs itong babae at hanggang balikat lang ang buhok. May suot din itong headband na may napakalaking ribbon, tinabla pa ang malaking bulaklak na pampusod ni Garutay. Maputi din ito. Pinapacute nito ang mukha at kinukurap ang mga mata na parang aso. Nang sundan ko ang tingin nito ay kay Max pala ito nagpapacute pero ang atensiyon ng huli ay nasa librong hawak niya. "Ysa! Ysa! Siya 'yong sinasabi kong Tiffany," kinalabit ako ni Garutay at tinuro nito ang mga babaeng nagkukumpulan. "Saan diyan?" "Yon. 'Yong may malaking ribbon sa headband." Maganda naman si Tifanny, infairness. Pinanood ko lang mula dito sa duyan ang gagawin ng babae. Matapos ng ilang minutong pagpapa-cute kahit hindi tinitignan ni Max ay lumapit na ito. Nang makalapit ay kinausap nito si Max pero nakatitig lang ang lalaki dito. Nahihiyang nagbaba ng tingin ang babae nang hindi siya kinausap ni Max. Kanina pa dumadaldal 'yong Tiffany pero hindi ko man lang nakitang nagbukas ng bibig si Max. Naalala ko bigla ang naisip ko kanina nang una ko itong makita, siguro naman tuli na 'yan. Kinse na siya eh. Nanlulumong bumalik na lang si Tiffany sa mga kaibigan at inalo naman siya ng mga ito. Sa unang araw ko sito sa ampunan nakasaksi ako ng love story... One-sided nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD