CHAPTER 67 Huminga siya ng malalim. Mukhang kinakabahan. Nakita ko ang pangingig ng kanyang mga labi. “Hindi lang iyan ang ipinunta ko dito, Shan.” “Ano pa?” “Maalala mo nung tinanong sa akin ni Tito Boy noon tungkol sa kung itutuloy ko ba ang panliligaw ko sa'yo? Nandito ako para sana gawin iyon." Ngumiti ako. "Umaakyat ka ng ligaw? Uso pa ba 'yun ngayon?" "Bakit hindi? Hindi ba dapat nililigawan muna ang babae sa mismong bahay nila? Kinikilala muna ang pamilya? May masama bas a ginagawa ko ngayon na tradisyonal na paraan? Huminga ako ng malalim. Nakita ko sa kaniyang mga mata na hindi siya nagbibiro. "Puwede ba akong manligaw?" "Matt, hindi ko gustong saktan ka pero lalong ayaw ko ring paasahin ka sa wala. H

