CHAPTER 70 Nagsimula ang shooting. Unang sabak ko sa acting. Si Erin ang aking unang makaka-eksena. Una pa lang pumapalpak na ako. Hindi ko talaga madiretso ang aking linya dahil sa nako-concious ako sa camera at sa tindi ng acting ni Erin na parang hindi ko kayang mapantayan. NIlalamon niya ako. nagpakitang gilas talaga siya na ako na ang mahihiya sa sarili ko. Wala akong nakikita sa kanyang pag-aadjust. Para akong isang sisiw na humarap sa isang inahin. Nang una taas ng isang kilay lang ang inabot ko sa kanya dahil sa lantad na kahinaan ko sa acting. Nang hindi ko pa rin makuhang masabi ang dapat linya ko ay may kunot na ng noo na sinundan ng taas ng kilay hanggang sa umabot na ng pamamaywang at ngiting nakakainsulto. Hindi ko pa rin talaga masabi ang lahat ng aking linya. Kinakabahan a

