CHAPTER 80 "Excuse me, Jhes. Sandali lang. Kailangan ko lang makausap si Shantel." Bulong ni Brad kay Jheslee. Tinanggal ni Jheslee ang kamay niya na nakahawak sa akin. "Sige. Pakibilisan lang kasi ilang minuto na lang magsisimula na ang awarding." Pahabol ni Jheslee. “Thank you,”sagot ni Bradley. Nagtaka ako. Hindi ko iyon napaghandaan. Tinignan ko si Erin, pangiti-ngiti na parang may kung anong alam siya. Tumaas ang kilay niya. Napakasarap tusukin ng karayom ang kaniyang mga matang sadyang nagpapagalit sa akin. "Too late, Brad. Isusuko mo ako at ang tambalan natin para sa kaniya? Then you just earned your prize. Shantel, sabi ko sa'yo dati, tigilan mo kami. Kinausap kitang tumahimik na dahil hindi mo magugustuhan ang aking gagawin ngunit nagpumilit kang paglayuin kami ni Brad...

