PIGIL NA DAMDAMIN

1597 Words
Chapter 12 By: Joemar Ancheta   Huminga ako ng malalim. Tumahimik kaming dalawa. Tinignan ko siya. Namumungay na ang kaniyang mga mata sa nainom. Nilagay niya ang palad niya sa hita ko. Lumapit siya sa akin. Dumantay ang mainit niyang katawan sa aking katawan. Inakbayan niya ako at hinawakan niya ang batok ko. Nanginig ako. Kakaiba ang kanyang titig sa akin. Tinutupok ng kaniyang tingin ang lahat ng naiiwan kong lakas. Hindi ko na alam kung may mahuhugot pa akong lakas para iwasan ang isang tukso sa harap ko. Hindi ko na kontrolado ang aking emosyon. Tinutupok ng kaniyang nang-aakit na tingin at nang matagal ko nang paghanga sa kaniya ang naiiwan kong lakas. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Sa totoo lang ay wala pa akong karanasan kahit halik lang. Marami sa mga kaklase ko ang nagkakagusto sa akin ngunit lahat ng panahon namin ni Miley ay naibubuhos namin sa aming pag-aaral at pagsubaybay sa buhay na dati ay isang bituing tinitingala ko lang at ngayon ay halos makahalikan ko na. Napapikit ako. Isinusuko ko na ang lahat. Nakainom siya ngunit ni hindi ako natatamaan sa nainom kong beer dahil ni hindi pa nga ito nangalahati. Amoy ko na ang kaniyang mabango ngunit may halong amoy beer na hininga. Halos ramdam ko na ang pagdikit ng kaniyang labi sa aking labi. Hindi ako makahinga dahil sa paninikip ng aking dibdib kasabay ng panginginig ng buo kong katawan. "Puwedeng pa-CR?" naitulak ko siya sa dibdib. "Sorry." Bumuntong-hininga siya na parang bumalik sa kaniyang katinuan. Inilayo niya ang kaniyang mukha sa aking mukha. Yumuko siya. Sinapo niya ang kaniyang ulo. "Sorry tol." Nilingon niya ako. Mabilis akong tumayo. "Wa- wala 'yun. Pa-CR... pa-CR lang ako sa-sandali ha?" nauutal na naman ako. Mabilis akong tumalikod. Pagdating ko sa loob ng CR ay agad akong humarap sa salamin. Kinausap ko ang sarili ko. Bahagya kong sinampal-sampal ang mukha ko dahil nagpagapi ako sa takot na baka tuluyan akong mahulog sa kaniya kung hahayaan kong mangyari iyon. Pumikit ako. "Antanga mo talaga Shantel! Antanga-tanga mo! Andun ka na! Konting-konti na lang lalapat na eh! God!" pabulong kong sinabi iyon sa aking sarili. "Sana huwag kang pinangunahan ng takot. Sana pinabayaan mong mangyari iyon. Napakatagal mong pinangarap ito tapos bigla kang aatras!" Dumilat ako. Nagulat ako nang makita ko siya sa tabi ko. Nakangiting nakatingin sa akin. Nagsalubong ang aming paningin sa salamin. Ngumiti siya. Umalis at tinungo niya ang toilet bowl. Ibinaba niya ang harapan ng kaniyang boxer short para umihi. "May narinig kang sinabi ko?" tanong ko sa kaniya. Naninigurado. "Hindi ko alam kung tama yung pagkakaintindi ko. Nandito ako, huwag mong kausapin ang sarili mo, tol. Kung iba makakita sa'yo baka isipin nila nasisiraan ka na ng ulo." Nagflush siya ng CR. Tumabi siya sa akin. Naglagay siya hand wash sa kaniyang kamay. Binuksan niya ang gripo. Binalnawan niya ang kamay niya. Nakatingin pa rin siya sa akin sa pamamagitan ng salamin. Kumindat sa akin. Ngumiti ako. Muli siyang naglagay ng handwash sa kamay niya at nang bumula na ito husto ay ipinunas niya iyon sa aking mukha. "Ah ganun ha!" pinuno ko ang kamay ko ng hand wash saka ko ito ipinunas din sa kaniyang mukha. "Lumalaban ka ha! Sige. Tignan natin ngayon ang lakas mo. Kahit nakainom ako hindi mo ako kaya." Hamon niya. Kinuha niya ang faucet sa tabi ng bowl, itinutok niya sa akin at iwinisik. Napakislot ako sa ginaw ng tubig na tumama sa aking katawan. Nabasa ang aking t-shirt at short at hindi pa rin siya tumitigil na wisikan ako ng tubig. Wala akong mahagilap na na itapat sa kaniya kundi ang nasa gripo lang sa harap ko. Hinarap ko siya. Lumapit ako sa kaniya, kailangan kong agawin ang hawak niyang pinangwiwisik sa akin para makaganti. Nang makalapit ako ay kiniliti ko siya ng kiniliti habang tinatanggal ko sa kamay niya ang iwiniwisk niya sa akin. "Uyy! Shan! Ano ba! Nakikiliti ako diyan! Tumigil nga! Ha ha ha! Uyy! 'to naman! Huwag diyan hahahaha!" "Anong huwag diyan ha! Akala ko ba di mo ako aatrasan! Ha Ha!" natatawa na din ako sa nakikita kong reaksiyon niya. Pilit kong iniharap sa kaniya ng gripo hanggang sa nabasa ko din siya ngunit hindi siya nagpatalo. Kiniliti din niya ako ng kiniliti hanggang sa niyakap niya ako patalikod. Nilayo ko ang faucet at yumuko para hindi niya iyon maabot sa kamay ko. Niyakap niya ako sa tiyan at naramdaman ko ang pagbundol-bundol ng harapan niya sa aking likod. Natigilan ako. Para akong kinukuryente sa naramdaman kong iyon. Tumatawa pa rin siya ngunit natigilan ako. Tinanggal ko ang kamay niya sa tiyan ko. Pinilit kong kumawala sa kaniya. Nadadarang ako sa nakatutok niyang kaselanan sa aking puwitan. Basa kaming dalawa at ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagwawala ng init na aking nararamdaman. Hanggang sa hindi ko na ito mapigilan pa. Nakuha niya sa akin ang hawak kong faucet at nang humarap sa akin at winisikan niya ako ay hindi na niya naagapan pang itago ang galit na galit niyang p*********i. Nakita ko na iyon kahit pa takpan niya ng kanyang palad. Tumigil siya sa kaniyang pagtawa. Nawala ang ngiti sa aking labi. Itinigil niya ang pagpihit sa faucet. Nagkatitigan kami. Naalangan ako. Mabilis kong kinuha ang nakasampay na tuwalya at patay malisyang itinago ang pag-humahapit sa t-shirt kong katawan. Tumalikod ako. Pinunasan ko ang mukha ko at leeg. "Okey lang 'yan tol. Huwag kang mailang. Marami na akong na-encounter na ganyan." Mahina niyang wika. Lumingon ako sa kaniya. Nakangiti siya. Itinaas niya ang sando niya at ibinaba niya ang boxer short. Tanging brief na lang ang naiwan. Binawi ko ang tingin ko. Lalong nagwala ang bilis ng t***k ng aking puso at pagwawala ng aking init sa katawan. Muli ko siyang nilingon halos hubo't h***d na siya. Sobrang lakas na talaga ng kabog ng aking dibdib. "Tara shower na lang tayo. Nabasa na tayo kaya ituloy na lang nating magshower." Yaya niya sa akin. "Sige, mauna ka na." bumuntong-hininga ako. Hindi ako makaharap sa kaniya na galit pa ang ari niya. Naaalangan ako. Kung sanay siya sa mga ganitong eksena, ako hindi. Kinahihiya ko iyon. "Sabayan mo na ako." bulong niya sa akin. Naramdaman ko ang pagdantay ng kaniyang labi sa likod ng aking tainga. Napakislot ako. Kasunod iyon ng paglapat ng dibdib niya sa likod ko. Nangatog ang tuhod ko. Napapikit ako nang muli kong naramdaman ang paglapat ng kaselanan niya sa isang pisngi ng puwit ko. Nakagat ko ang aking labi. "Gusto mo yatang hinuhubaran ka pa eh!" bulong niya. Itinaas niya ang basa kong t-shirt. “Tol, huwag please. Hindi ko pa kaya.” “Ang alin? Maliligo lang naman tayo ah. May panloob ka naman hindi ba?” muli niyang sinubukang hubaran ako. "Ako na! Oo na, sasabay na ako." Pagsaway ko sa ginagawa niyang paghubad sa t-shirt ko. Nahawakan ko ang kamay niya. Siya ang kusang nagtanggal sa kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Nang mahubad ko ang t-shurt ko ay nanginginig kong ibinaba ang short ko. Tanging ang puting panty at b*a ko na lang ang naiiwan. Napakislot ako nang mabilis niya akong niyakap sa likod at dahan-dahan niyang itinagilid ang mukha ko hanggang sa naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kaniyang labi sa aking labi. Napapikit ako. Ngunit sandaling-sandali lang iyon dahil iniwas ko din ang aking labi. "Bakit mo ginagawa ito sa akin?" tanong ko. Bumunot ako ng malalim na hininga. Sa totoo lang hirap na hirap na akong labanan ang tukso. Bumibigay na kasi talaga ako. Nakatalikod pa rin ako dahil hindi ko kayang tignan siya sa kaniyang mga mata. "Shan, gusto kita. Nang makita kitang muli kanina, alam ko, sigurado akong tama ang naramdaman ko noon sa'yo nang mga bata pa tayo. Hindi ko gagawin ito kung alam kong ayaw mo sa akin." Huminga siya ng malalim. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. "Mga bata pa tayo noon, paano mo nasabing may nararamdaman ka na noon sa akin." "Ikaw siguro wala, ngunit ako, labindalawang taong gulang na ako noon. Sa tuwing kasama kita sobrang saya ko. Sa gabi, iniisip kita pero sinasabi ko sa aking sarili, pagtingin lang ng isang Kuya ang nararamdaman ko. Ngunit kanina, nang magtama ang ating paningin sa studio. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Iba e. May spark. May kung ano akong naramdaman. Basta. Kung pareho tayo ng nararamdaman, alam kong maintindihan mo kung ano ang tinutumbok ko." Napapikit ako. Tama ba itong naririnig ko? Hindi ba isa lang itong panaginip lang? "Anong ibig mong sabihing pareho tayo ng nararamdaman?" tanong ko muli. "Alam kong kahit hindi mo sa akin aminin, mahal mo rin ako. Nakikita ko iyon sa iyong mga mata. Shan hindi tayo ipinganak noong unang panahon, alam ko, ramdam ko sa mga titig mo sa akin, sa bawat pag-iwas mo kung nagkakasalubong ang ating paningin, yung pakikipag-usap at pagtitig mo ng madalas s akain. Saka sa katulad nating nagmamahal, batid natin kahit sa unang tingin palang kung gusto o ayaw natin sa isang tao. The moment na magkasalubong ang inyong paningin kahit first meeting lang iyon, daman-dama mong may kakaiba. Ilan nga diyan kahit picture lang sa f******k, nahuhulog na sila, tayo pa kaya na noong mga bata pa ay may kakakaiba nang naramdaman sa isa’t isa? Ano, yung totoo, mahal mo rin ba ako? Kasi ako mahal na mahal kita." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Wala pa sa plano ko ang makipag-relasyon. Ngunit palalagpasin ko ba ang pagkakataon? Nandito na ang matagal kong pinagarap? Basta ko na lang ba pakakawalan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD