SA PILING NG ISANG ARTISTA

1978 Words
Chapter 13 By: Joemar Ancheta   "Alam kong kahit hindi mo sa akin aminin, mahal mo rin ako. Nakikita koi yon sa iyong mga mata. Shan hindi tayo ipinganak noong unang panahon, alam ko, ramdam ko sa mga titig mo sa akin, sa bawat pag-iwas mo kung nagkakasalubong ang ating paningin, yung pakikipag-usap at pagtitig mo ng madalas s akain. Saka sa katulad nating nagmamahal, batid natin kahit sa unang tingin palang kung gusto o ayaw natin sa isang tao. The moment na magkasalubong ang inyong paningin kahit first meeting lang iyon, daman-dama mong may kakaiba. Ilan nga diyan kahit picture lang sa f******k, nahuhulog na sila, tayo pa kaya na noong mga bata pa ay may kakakaiba nang naramdaman sa isa’t isa? Ano, yung totoo, mahal mo rin ba ako? Kasi ako mahal na mahal kita." "Tol, natatakot ako." sagot ko. "Ang totoo niyan, iniiwasan kong mahulog lalo sa'yo." "Saan? Anong kailangan mong katakutan?" "Natatakot akong mahalin ka ng higit sa paghanga ko sa iyo bilang isang artista, natatakot akong masaktan. Natatakot akong baka sa taas ng pinapangarap ko na mahalin ang katulad mo ay hindi ko kakayanin kung lalagapak ako." "Humarap ka nga sa akin." Hinawakan niya ang balikat ko. Pinapaharap niya ako sa kaniya. "Ano ba? Nahihiya ako. Ayaw ko." "Ano bang kailangan mong ikahiya.” “Eto, yung katawan kong h***d sa harapan mo?” “Marami na akong nakitang katawan. Yung katawan mo, hindi iyan dapat ikinakahiya. Dapat diyan, ipinagmamalaki.” “Hindi lang ‘yon e.” “E ano pa?” “Nahihita ako sa’yo. Nahihiya ako na alam mo yung nararamdaman ko sa’yo.” “Shan, tingin mo dapat bang mahiya ka sa pagsabi kung ano talaga ang nararamdaman mo ng nakaharap sa akin?" Nanatili ako ng nakatalikod sa kaniya. Naglakad siya papunta sa harap ko. Nagkatinginan kami pero yumuko ako. "Tinatanong kita, gusto mo din ba ako? Mahal mo rin ba ako?" Napalunok ako. "Kailangan ko bang sagutin 'yan? Ano to? Bakit kailangan may ganito na agad. Sabi mo magba-bonding lang tayo. Sabi mo mag-uusap lang, magkukuwentuhan. Bakit biglang may ganito na?" Sobrang nabibilisan kasi ako sa mga nangyayari. "Sagutin mo ako. Gusto mo din ba ako? Mahal mo ba ako?" inulit niya ang isang tanong na kayhirap kong sagutin dahil iyon ang bulong ng aking puso ngunit kinokontra ng aking isip. "Kasi naman napakabilis. Hindi ko tuloy alam kung totoo bang nangyayari ito." Natahimik siya. Huminga ng malalim. Parang nahimasmasan. Tinignan niya ako. Sinapo niya ang kaniyang ulo. Alam ko nakainom siya pero hindi siya ganoon kalango para maniwala akong hindi niya alam ang kaniyang sinasabi at ginagawa. Sanay lang talaga siyang makipaglaro. Iyon ang kaagad na pumasok sa isip ko. "Sorry. Hindi ko naisip na lahat ng ito ay bago sa'yo. Nakalimutan kong magkaiba tayo ng sitwasyon at pinagdaanan. Nasanay ako sa buhay na mabilisan. Kapag ginusto ko, agad ay nakukuha ko. Hindi ko naisip na iba ka, iba ako. Masyado kong pinangunahan ka." "Tama. Nagugulat nga ako sa'yo e. Kung sanay ka sa one night stand o kaya may nakita lang sa party, puwede nang iuwi at may mangyari na agad sa kaunting titigan lang, sa akin, bago ang lahat ng ito. Ngayon lang ako sumama sa bahay ng isang lalaking matagal ko ng gusto. Oo, inaamin ko, pareho tayo siguro ng nararamdaman. Inaamin ko naman e, gusto kita, noon pa, hindi man noong mga bata pa tayo kundi nagsimula ito nang makita ko ang picture mo sa cover ng notebook ni Miley. Hindi ko alam kung paghanga lang ito o talagang mahal kita pero sana naman huwag yung mabilisang ganito kasi natataranta ako e. Gusto ko munang masigurado kung ano nga ba talaga ito." "I understand. Kanina naaartehan na ako sa'yo kasi sa lahat ng nadala ko sa condo ko, ikaw yung napakahirap gawan ng first move. Hindi ako sanay na ako ang agresibo kaya na-challenge ako sa'yo." Pag-amin niya. "Ibig sabihin madami ka ng dinadala dito?" "Artista ako Shan. Maraming humahanga at nagkakagusto. Ayaw kong magmalinis sa'yo. Ayaw kong sabihing iba ako pero inaamin ko, may mangilan-ngilan na akong nadala dito at ang iba dinala ako sa place nila. Piling-pili lang talaga. Madalas katulad ko ding mga artista. Yung mga hindi naman gustong pumasok ng relasyon. Alam ko kasing mahirap makahanap ng seryosong relayson ang kagaya namin. Maaring tawag lang ng laman. Nagkainitan sa shooting at gustong tapusin ng totohanan." Nagulat ako sa narinig ko. Ibinalabal ko ang tuwalya sa katawan ko. May sasabihin pa sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Tinungo ko ang pintuan ng banyo. Akala ko talaga iba siya sa mga nababasa ko at naririnig. Kagaya rin pala siya ng karamihang lalaking artista. “Galit ka ba sa nalaman mo? Bakit biglang nagbago ang iyong mukha?” “Hindi ko na lang gusto yung naririnig ko pero wala ‘to. Nagugulat lang talaga ako.” “Alam mo, kung may ayaw ka, you are free to say it. Kausapin mo ako. Sabihin mo lahat ang gusto mong sabihin." Hinawakan niya ang balikat ko. "Tol, hindi na nga ikaw yung dating kakilala ko." maikli kong wika sa kaniya. “Hindi na ikaw yung hinangaan ko.” “I was a thief. Noon pa man, alam mo na na may mali sa pagkatao ko. Bata pa lang ako, matibay na ang sikmura at matapang na ako. Sinasabi ko ang lahat ng ito kasi nagpapakatotoo ako sa’yo. Ngayon, ano ba ako sa tingin mo?” “Wala, hindi ko na lang kasi talaga gusto yung mga sinasabi mo.” "Yung sinasabi ko Shan ay ginawa ko. Ginawa ko bago pa man tayo nagkita muli. Dahil ba sa tingin mo madumi na ako? Dahil marami na akong naging karanasan sa s*x? Iyon lang ba ang sukatan ng pagkasino? Kung marami ka ng karanasan, sapat na bang dahilan iyon para sabihing nagbago na ako? Shan, ako pa rin ito. Sige, inaamin ko, hindi ako kasinlinis mo ngunit tao lang din naman akong sinusubukang maghanap ng kalinga, atensiyon at pagmamahal ng iba. Mag-isa na lang ako sa buhay, masisisi mo ba ako kung ganoon na lang ako kadesperado para makahanap ng makatutuwang? Yung sana may tatanggap at magmamahal pa rin sa akin kahit ganito lang ako. Oo, maramin nagkakandarapa na matikman ako pero alam kong hanggang pagnanasa lang iyon. Wala sa akin ang tumanggap at nagmahal ng tunay na ako." "E, ano kayo ni Erin." Diretsuhan kong tanong. "Kumplikado.” “Kumplikado? E alam naman ng lahat na kayo. Na nagmamahalan kayo?” “Hindi mo maiintindihan ang set-up namin." "Anong mahirap intindihin doon? Sabihin mo sa akin kung ano kayo dahil hindi naman ako bobo o tanga. Anong mahirap intindihin sa kunyaring kayo sa harap ng camera para kikita ang pelikula ninyo at tataas ang rating ng inyong teleserye. Di ba ganun ang madalas ninyong gawin bilang mga artista?" "Exactly. Pero hindi lang gano’n yung sa amin ni Erin. Mahal ako ni Erin. Mahal ko ang trabaho ko kaya ginagamit ko ang pagiging artista ko para maipakita sa lahat na mahal ko din siya. Ganoon sa showbiz. Dikitan ang artistang mabango ang pangalan. Kung kinakailangan maging kayo para lalong mapag-usapan o para sa ikaaangat ng inyong career, gawin mo. Kaya hindi ko alam kung maiintindihan mo ako. Ginagamit niya ako marahil ngunit totoong mahal niya ako. Ako ginagamit ko siya para lalo akong sumikat. Gamitan." Tinalikuran ko siya. Pumunta ako sa sala. Naupo ako sa sofa niya. Paglabas niya sa banyo nakatapis na din lang siya ng tuwalya. Pumasok sa kuwarto niya. Nakaboxer short na lang siya nang lumabas at iniabot niya sa akin ang isa pang short at white t shirt. "Magpalit ka. Basa yata pati panty at b*a mo." pakiusap niya. Tumayo ako tinungo ko ang banyo niya. Isunuot ko ang mga binigay niya sa akin. "Akin na yang panty mo at b*a nang mailagay ko sa drier." "Hindi.” Nahiya ako bigla. “Ako na." "Akin na. Nahihiya ka na naman." Inagaw niya sa kamay ko ang panty ko at brief. Pinabayaan ko na lang siya. Nakahiga na ako sa sofa at nakatutok sa TV nang bumalik siya. Umupo siya sa sofa na kinahihigaan ko. Tumingin siya sa akin. Tumitig din ako sa kaniya. Yumuko siya at tinitigan niya ang mukha ko. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa sofa at pinunasan niya ang basang buhok ko. Kinikilabutan ako sa ginagawa ng dati ay pinagpapantasyahan kong artista. Inagaw ko ang tuwalya sa kamay niya. Nang makuha ko iyon ay sinuklay-suklay naman niya ang buhok ko sa pamamagitan ng kaniyang daliri. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. "Ano ba! Masiyado kang pa-fall." Reklamo ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko. Huminga siya ng malalim. "Ayaw mo ba talaga sa akin?" "Hindi sa ayaw. Natatakot ako sa kumplikasyon kung hahayaan kong tuluyan akong mahulog ako sa katulad mo. Sa ngayon, okey na sa akin yung magkaibigan tayo, no expectations." "Hindi ba natin puwedeng subukan man lang? Dahil sa natatakot ka, ganun na lang iyon. Kaya kong patunayan sa'yo. Kung kailangan nating mag-adjust para sa isa't-isa bakit hindi natin gawin. Para ano pang nagkita tayong muli kung hindi natin subukang lumaban?" pakiusap niya. Nasa mukha niya ang pagsasabi ng totoo. “Mahal kita, mahal mo ako. Hindi ba sapat na muna iyon?” "Sigurado ka ba sa sinasabi mo sa akin? Hindi mo lang alam kung gaano ko pinangarap ito... pero sige. Try natin munang dumaan sa parang nakikita kong normal na ginagawa ng nasa edad ko.” “Ano ba yung normal?” “Hindi mo alam?” “It just that namulat na ako sa ibang mundo. Orient me. Ano baa ng normal?” “Dating?” “Dating? Liligawan muna kita?” “Sort of.” “You know my situation, right?” “Oo alam ko. Kung mahirap sa'yo ang date sa labas, puwede dito o sa bahay namin.” “Okey. But what about when am busy?” “Texting, chatting... basta subukan muna natin sa ganoon. Huwag naman yung sasabak tayo kaagad sa nakasanayan mo na s*x. Hindi sa ayaw ko o nagmamalinis ako. Gusto ko lang maiba. Gusto ko lang sana na kahit papaano ay hindi ako magiging katulad ng mga nakaraan mo. Alam ko wala sana akong karapatang mag-inarte ng ganito sa'yo dahil sino ba naman ako kumpara sa'yo. Sino ba naman ako kumpara sa mga magagandang artista at mga babaeng naikama m na. Pero sana respetuhin mo muna ang pagkakabae ko. Please?’ Hindi siya sumagot. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. “Sorry ha kung ganito ako. Isa lang akong fan alam ko ‘yon pero kung sa tingin mo, hindi puwede at nag-iinarte na ako masydao ay..." mabilis niyang inilagay ang kaniyang hintuturo sa pagitan ng aking labi. Tumigil ako sa pagsasalita. Tinanggal niya ang hintuturo niya at ipinalit niya ang kaniyang malalambot na labi. Pumikit ako. Hinayaan kong muling namnamin ang tamis ng kaniyang halik. "Pumapayag ako sa gusto mo. Patutunayan kong kaya ko. Ayaw ko lang isipin mo na magiging isa ka lang sa mga one night stand ko. Gusto kong iparamdam sa'yong iba ka. Tara matulog na tayo." Bulong niya habang ang kaniyang labi ay halos nakadikit pa rin sa aking labi. Amoy ko ang mabango niyang hininga. Hinawakan niya ang kamay ko. Bumangon ako. Sabay naming tinungo ang kaniyang kama. Pagkahiga namin ay kinikilabutan pa rin ako. Wala sa hinagap kong magiging ganito kabilis ang lahat. Mabilis pa sa t***k ng aking puso ang bilis ng mga nangyari sa gabing ito. Dumikit ang kaniyang braso sa braso ko. Humarap siya sa akin habang nakatihaya ako. Naramdaman ko ang labi niyang nakadikit sa aking pisngi. Iniharap ko ang labi ko sa labi niya. Hinalikan ko iyon. Hindi ko alam kung kaya kong panindigan ang hiniling ko sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD