Prologue
PROLOGUE
Nakakabinging katahimikan ng paligid ,napapalibutan ng kanya-kanyang mga tauhan ang dalawang taong nakaupo sa bilog na mesa na may nakalatag na pera at card's na gamit sa paglalaro ng baraha.Bawat panig ay nasa mga hawak nilang card nakatutok ang kanilang mga mata,walang kurap,ingat na ingat sa paghawak nito na para bang kapalit ng buhay nila ang nakatayang salapi sa gitna ng pulang mesa.
Isa sa sikat na Hotel sa Manila ang Heritage hotel na nakatayo sa lugar ng Pasay City. Kung saan ang bawat parukyano nitong pumapasok ay karamihan mga Banyaga,meron rin mga purong pinoy kabilang na dito ang magkatunggali sa gabing iyon na sina Senyor Eduardo Montemayor,nagmamay-ari ito ng naglalakihang kompanya sa buong Metro Manila at ang Binata at Tusong negosyante na si Jayden Saavedra."Takot ang ibang manlalaro sa iba't-ibang casino kay Jayden dahil sa bilis ng kamay nito sa paghawak ng baraha"tinagurian itong The Golden Boy sa mga casinong pinupuntahan nito kasama ang bodyguard nitong si Elmo...
"Pero para kay Senyor Eduardo hindi siya naniniwala na magaling ang binatang Saavedra nagkataon lamang na sin'werte ito kaya nananalo sa bawat laro nito,malaki ang kompiyansa nito sarili ng masilip nito ang kanyang baraha na nakataob sa mesa",sumenyas ito sa kanyang bodyguard na may hawak na briefcase,na naglalaman ng milyones pagkatapos ay nakangeti ito humarap kay Jayden na cool na cool sa pagkakaupo habang ang isang kamay ay hawak ang dalawang cards na pang-unang inilatag sa kanilang laro.
"Dalawang milyon para sa unang round ng ating laro,ani ni Senyor Eduardo kay Jayden,ngumiti ang binata sabay silip nito sa nakataob na baraha ng makita ang nasa loob ay pumitik ang mahahabang daliri nito,lumapit naman si Elmo rito sabay abot ng perang nagkakahalaga ng milyon.Limang milyong piso Senyor Eduardo ani ni Jayden sa katunggali,napatingin ulit sa kanyang baraha ang matanda sinisipat ng mabuti kung tama bang lalakihan pa nito ang halagang inilatag ng tusong manlalaro.
Ang dalawa at limang milyon ay nadagdagan pa ng nadagdagan hanggang umabot sa halagang 50 milyon,ang briefcase na pinaglagyan ng pera ng matanda ay nasaid na wala na itong laman kahit na iisang sentimo,gusto niyang mabawi ang perang natalo kaya pati mga ari-arian at ang Mansion na minana nito ay ipinusta sa laro nila ni Jayden,hindi parin ito nawawalan ng pag-asa na mabawi ang natalo kaya sa kahuli-hulihang pagkakataon ay sumigaw si Senyor Eduardo ng makuha nito ang 3 king at ang isa ay huli nitong binuksan habang ang binata ay abot hanggang tenga ang ngisi dahil na sa kanya ang 4 na Alas.
Sabay na inilatag nina Jayden at Senyor Eduardo ang mga barahang hawak nila,muntik nang mawalan ng ulirat ang matanda ng makita ang baraha ng katunggali 4 na Ace Diamond samantala siya ay 3 King at isang Queen ang kanyang baraha....NO!...no!...no!, hindi maaari to,imposible!may dayaang nangyari.,sigaw ng matanda sa loob ng casino,di nito mapigilan ang humagulhol,wala na ang lahat sa kanya,paano na sila ng anak nitong si Scarlett?na kasalukuyang nasa Baguio kasama ang mga kabarkada nito,wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa kanyang Daddy habang nanonood ng mga taong Igorot na sumasayaw.
"Oh c'mon,Senyor Eduardo talo kana kaya ako na ang nagmamay-ari ng lahat ng meron ka at sa loob ng isang linggo ay gusto kong umalis kana sa Mansion na pag-aari ko na ngayon,pagkatapos ay mabilis ng nilisan ng grupo ni Jayden ang casino,larawan ng tagumpay ang nakapaskil sa mga labi nila,tiyak malaking selebrasyon na naman ang mangyayari sa bahay ng binata,walang kahirap-hirap at isang iglap lang ay nasa kamay na nito ang kayamanan ng pamilyang Montemayor...
Sa loob ng isang linggo ay nasa loob ng kanyang silid si Senyor Eduardo,hindi ito lumalabas ng bahay,pati pagkain nito ay hinahatiran na ng mga katulong na di naman kinakain ng matanda.Parang nasisiraan na ito ng ulo,hindi niya kayang iwanan ang Bahay na pamana pa sa kanya ng kanyang mga ninuno..Saan sila titira ng kanyang mahal na anak?wala na silang pera kahit katiting ay nakuha na ni Jayden tiyak kamumuhian siya ni Scarlett kapag nalaman nito na itinalo niya sa sugal ang lahat ng pera nila pati ang mga ari-arian ng kanilang pamilya.Napukaw sa malalim na pag-iisip ang ama ni Scarlett ng kumatok ang kanilang katulong na pinapasabi ni Mr.Saavedra na nasa kanila na ito at naka-dekuwatrong nakaupo sa may sala habang ang dalawang pares ng mata nito ay nakatutok sa Magandang babae na nasa malaking frame na nakasabit sa dingding ng bahay...
ITUTULOY...