Kabanata 17: Katoto
Katoto - kaibigan
Makalipas ang tatlong araw sa ospital, kasama yung gabi na sinugid si Papa sa ospital, ay ayos na si Papa. Pero ang dami na niyang maintenance na iinumin. Marami na ring bawal dahil sa mga kumplikasyon niya. Grabe iba talaga ang buhay matanda ‘no? Puro maintenance na.
So nakauwi na kami. Ako naman ay balik na sa paghabol sa mga backlogs ko. Ang stressing nako! Pero anong magagawa ko kundi tapusin ang lahat. Pero ready na 'ko pumasok ulit bukas.
Another puyat para habulin ang mga pasahan na bukas. Ang stressing! Pero wala eh ang daming ganap sa buhay. Tapos ngayon makikipaghabulan na naman tayo sa mga deadlines.
Katulad ng nakagawian kapag galing ako sa bahay, inaantay ako ni Ali sa gate para sabay kaming pumasok.
"Good morning, bee." Sabay beso niya sa 'kin pero umiwas ako.
"Nakahihiya, bee," sabi ko.
Hinawakan na lang niya ang kamay ko. Gusto ko sanang mag-holding hands while walking kaso hindi talaga komportable sarili ko na gumaganun.
Dala na rin siguro ng maraming what ifs ko. Kasama na rin siguro yung mga fears ko and yung hindi ako komportable sa sarili ko kasi ni hindi ko pa nga kayang magpaka-ako sa lahat ng tao, miski sa mga mahal ko sa buhay.
Pero ayoko namang lumabas na gusto kong itago yung amin. Magtatampo 'to. But maybe I just have to get used to it.
Hinayaan ko na siya. At dahil dun ay nakita kong nakangiti siya.
"Tara na." Yaya niya.
Naglakad na kami papasok sa school papunta sa room namin. Pero napabitaw agad ako ng hawak kay Ali nung nakita kong papalapit sa Mylene sa amin. Naaalala ko rin si Papa kaya mas lalong ayokong makita kami ng mga ka-close namin.
"May groupings tayo, TJ. Gawa raw tayo bukas." Banggit ni Mylene.
"Anong gagawin? Saang subject?"
"Sa Economic Development. Gagawa ng Porters tapos swot tsaka may isa pa eh."
"Ah, ok sige. Saan tayo?"
"Sa condo na lang. Kayo na bahala if sa inyo o sa 'min."
"Sa atin na lang, kasama naman si Lyca, e." Pagpupumilit ni Ali.
"Alright! Pakain kayo ah." Biro ni Mylene.
Pumasok na kami sa klase at simula na ulit ng pag-aaral. Hindi ng pagkukunwaring pag-aaral ah. Tumatanda na tayo.
Share ko lang, ah. Simula nung nangyari kay Papa at yung lahat ng mga realizations ko sa buhay, parang ang dami ko pa palang dapat ayusin. 'Yan ang akala ko. I keep getting against the current that's impossible to fight. I should have went with the flow and accepted things I couldn't change and change what I cannot accept.
Parang ang ayos-ayos na ulit ng lahat. Walang problema na nagbabadya. Mas payapa pa sa may mata ng bagyo.
Sama-sama kaming nag-lunch na apat. Puro kwentuhan lang pero 'di pa rin nila alam na kami na ni Ali. Pero gumagalawan na siya.
"Buti ok na Papa mo. Makakabiyahe na ba siya?" tanong ni Lyca.
"Next week. Super pahinga muna siya. Buti nga natauhan na rin at nakatatak na sa kaniya na magpahinga pa rin."
"Ang sipag ng Papa mo. Todo kayod." Puri ni Mylene.
"Taga sa'n ka nga pala ulit, Mylene?" tanong ni Lyca sa kaniya.
"Marinduque. Mag-isa lang ako rito sa kapitolyo," sagot niya.
"Bakit dito mo napili mag-aral kahit malayo sa inyo?" I asked next.
"I mean, given na na maganda 'tong school natin ngayon. Pero gusto ko lang din malayo talaga muna. Parang wala na kasing magandang nangyayari sa 'min sa probinsya."
"I'm sorry," sabi ko.
"Why? You have nothing to do with it."
Nanahimik kaming lahat.
"Eto ah naniniwala naman akong mga mature na kayo and komportable naman akong mag-share. Sorry ang fc ko sa inyo."
"Ano ka ba? Ayos lang naman 'yun. Di bale sana kung ginagawan mo kami ng masama," kaagad na sabi ni Lyca.
"Wala namang kaso sa 'min 'yun. Kami lang 'to oh," sabi ko.
"Kasi I've been alone with my life. Hindi sa pagdadrama pero I barely have friends unlike now na I can continue my studies na. I miss it so much. Miss ko na rin mga tao sa 'min but there's more life here than there." Kwento ni Mylene.
"Nandito lang kami for you!" sabi ko.
"Now, I'm more amazed of you 'cause you can make up for your own living tapos nasa maayos na lugar ka pa." Sa wakas ay nagsalita na rin si Ali.
"Salamat sa scholarships. Pinapadala ko rin yung iba para sa mga kapatid ko. I wish I could be there for them. I'm afraid they're all gonna end up like me. Kaya I'm trying my best na may matapos." Dagdag ni Mylene.
Yes there are battles na we have to face alone. But I believe that in everything that we do, we can't do it all alone. There are some points in our lives that we wanted someone to be by our side but we actually have no one. That's a heartbreaking situation for us because we have no one to vent up with personally. Some of us religious or faithful (both different among each other), find solace and comfort praying and telling the Supreme Being everything.
Ang hirap din nung wala kang best friend mo talaga. Yung alam mong tatawagan ka para magkwento sa 'yo out of nowhere or tatawagan ka para isama ka kung saan. Like naranasan niyo na ba yung walang friend na nangangamusta sa 'yo or sila naman ang kakausap sa 'yo dahil ikaw naman ang laging nag-i-initiate. Na sabik tayong lahat na maramdamang importante tayo para sa isang tao. We always try to find approval and love from other people. Constant reassurance that we're still worth for someone even just the slightest.
"Thank you for accepting me kahit na I forced my way in." Natawa si Mylene.
"We're thankful na you wanted us to be friends with you," Lyca said.
"Tayo-tayo na rin naman hanggang 4th year kung hindi matatanggal," sabi ko.
"O, kanino na ang bote? Sino na sunod?" tanong ni Mylene.
"Sige ako na." Pagpaparaya ni Lyca.
Naghanda ang lahat para sa kwento ni Lyca.
"Ok naman parents ko ngayon but they had their one na pinakamalalang problema. All about cheating. So I will not go into details na dun." Tinigil niya muna ang pagkukwento at uminom ng gulaman.
"May pa-thrill ah," sabi ko.
"Wait lang kasi! Eto na nga. Happy naman ako sa friends ko. Like, since shs classmates na kami ni TJ so sawa na 'ko diyan." Tawa niya.
"Talaga lang ah," sabi ko.
"Tapos ngayon mas marami na ang friends kaya mas happy. Ayun lang. Hindi naman madrama ang buhay ko." Pagpapatuloy ni Lyca.
"Sana all." Kantsaw ni Mylene.
"Ako naman," excited kong sabi.
"Ang bilis naman tapos na agad," sabi ni Mylene.
"Thank you for sharing!" Sinakyan ni Lyca ang trip ni Mylene.
"Ayoko na." Akmang aalis ako sa table.
"Joke lang. Sige na. Go na." Pilit ni Lyca. "Labyuuu!"
"So ayun na nga. I was bullied before pero this is something na gustong-gusto kong sabihin at makwento sa marami kasi I want to be an inspiration."
They are all glued to their seats.
"Mga kaklase ko nung grade 6, naglalagay ng transparent glue sa upuan ko. Alam niyo 'yun? Yung parang liptint tas may parang net sa dulo tapos dun lumalabas yung glue? Basta ayun. Tapos tatanungin ka ng hindi ba madikit. Tapos tatawa sila. I got pissed and told them na isusumbong ko sila. Inaasar pa nila 'ko nung una na nagagalit kaya nambabago sila ng crumbled papers sa 'kin."
"Alam mo nanggigigil ako." Putol ni Lyca sa sinasabi ko.
Napatingin ako kay Ali na nasa tabi ko at kita ko yung mga mata niyang medyo nanlilisik.
"So ayun na nga. Ang ending, hindi ko sila sinunbong kasi nagmakaawa sila matapos kong sabihing magkaka-record sila at mawawala sa top. Ayun naging daga ang mga kupal. And eto na ang best part, nag-deliberation na sa mga best best at top 10. Nalaman ko kasi na they want to mess up with my academics kaya nila ginagawa 'yun but I got 5 awards and naging valedictorian. So isang malaking sampal pabalik sa kanila 'yun kahit na hindi ko pinlano or something." I finished my story.
Nagpalakpakan silang lahat. Nahiya naman ako.
"Uy, 'wag nga kayo. Ako lang 'to," sabi ko.
"Pero grabe ang galing nun! Literal na ikaw na talaga." Mangha ni Mylene.
"Bff natin 'yan! Proud!" Pagmamalaki ni Lyca.
"Oh, tapos na kaming lahat. May isa pang hindi nagkukwento." Parinig ni Mylene kay Ali.
Dedma siya mga kaibigan.
"Pero ok lang kahit hindi mo gusto. We respect it naman."
"I'm not always doing this. I'm not going to share just because you all shared but because I wanted to." Seryosong panimula ni Ali.
"Makikinig kami," sabi ni Lyca.
"I grew up without my real parents. Namatay sila dahil sa aksidente nung 8 pa lang ako. Pero lumaki ako sa Tito ko at sa asawa niya. They're a gay couple."
I knew he expected them to be shocked or something but to his surprise, they didn't.
He continued sharing his story.
"And there's one thing I'd like to tell you all." Hinawakan niya ang kamay ko.
Nagsimula na akong kabahan. Hinahayaan ko lang siya dahil gusto ko rin namang sabihin na sa kanila. Alam ko rin namang mapagkakatiwalaan din namin sila.
Hindi ko na rin iniisip pa na baka i-judge nila ako o kung ano dahil alam kong hindi sila ganung klaseng mga tao. Hindi ko alam pero unti-unti akong nagiging bukas sa paligid ko. Ayoko na mag-hold back pa.
Bumalik ako sa ulirat. Si Papa, baka makarating sa kaniya. Hindi pwede!
"Ay hindi pwede," sabi ko.
"Ano?" tanong nila Mylene.
"May sasabihin pa si Ali, e. Ano yun, Ali?" Hinayaan ni Lyca na magpatuloy siya.
"Late na tayo. Dalian na natin." Pagmamadali ni Ali.
Jusko! Ayun lang pala ang sasabihin niya. Kung ano-ano na naisip ko.
Habang paakyat kami sa taas ay nag-thank you ako kay Ali.
Ang random lang. I don't know.
Matapos ang klase ay lumabas kami sa room at sama-samang naglakad palabas ng school.
Habang nagpapahinga ako sa sofa ay tinitignan ko ang picture namin ni Ali na nasa rooftop kami. I wan tto post it now. I don't have to, though. I mean not doing it for show but I just love to.
Binuksan ko ang private IG account ko na buti na lang ay walang account doon ang mga kamag-anak ko and hindi ko rin naman sila i-a-accept if ever.
I posted that picture with a caption "hate you."
It's been a while since I posted one so for sure it'll notify my followers.
"Oh my gosh! Totoo ba?" Hindi makapaniwalang comment ni Lyca.
"Grabe nagpapalakad lang ako sa 'yo tapos ikaw pala ang gusto? Pero congrats!" Gulat na gulat din si Mylene.
"Grabe sobrang saya ko para sa inyo. Hindi ko ma-express pero sobrang saya ng puso ko like I am rooting for the both of you!" Dagdag ni Lyca sa kaniyang reply.
Nag-comment din si Ali ng "love you too."
I felt like there's someone looking at me. Nakatayo si Ali sa may paanan ko.
"Kilig ka naman?" Pang-aasar ko.
"Aba, gumaganiyan ka na ah." He tried to tickle me pero wala akong kiliti so he lost.
And it's my way of coming out na rin sa lahat ng mga mutuals ko sa IG. Hindi na 'ko nakararamdam ng kahit anong hiya o takot mula sa kanila para sa sarili ko sa pagiging ako mismo. Mawawalan ka na lang pala ng pakialam sa iba kapag mas iniintindi mo yung ikaliligaya at ikapapanatag mo. Hindi naman sila ang nagpapalamon sa 'yo. Hindi naman sila ang bumubuo ng buhay at future mo. It's you with the aid of your parents and loved ones. Kaya mas importante sa 'yo kung ano ang tingin nila sa 'yo.
Kaya gustong-gusto ko yung sinabi ni Anna mula sa isang palabas. Sabi niya na ang komportable ng buhay niya sa sarili niyang espasyo (referring sa kausap niya which is yung bida), na sana matuto at piliin niyang mamuhay sa labas dahil deserve niya na makita.
Ayos lang naman ba 'tong mga ginagawa ko? 'Cause I realized na what I'm doing is building up my confidence through my bravery to come out step by step. Importante rin na may support system ka dahil they'll keep you afloat.
Naupo ako.
"Ano hapunan natin? Pa-deliver ba tayo?" He asked me so dearly after he pulled me closer to him and I rested my head on his chest.
"Deliver na lang." I answered.
...
"Isa, dalawa, tatlo, o ilan mang mga kaibigan,
Piliin mong pahalagahan yung hindi man parating nandiyan ay hindi ka iiwan."
- vin