Kabanata 27: Agam-agam (Part 2)
Agam-agam - pangamba
Mukha siyang naluluha ngunit dala ng sobrang tuwa.
"You know I've been waiting for you for these past few months and it's been so hard for me. I am almost wanting to be selfish and go to you. That I'd settle for less as long as I have you. But good thing, I didn't. I trusted you so much!"
Hearing those words from him makes me wanna cry in an instant. Napakaiyakin ko talaga no? Ang babaw ko bang tao? (Question for the second time haha)
"So is it a yes?" Tanong ko habang nakangiti sa kaniya.
"Ikaw naman ang manliligaw? Why not." He smirked at me.
"Walang problema. I'll court you 'til our dying day."
Grabe sobrang nakatataba ng puso ang mga nangyayari. My respect for him went off the roof. Napatunayan ko lang lalo na worth it ang lahat at totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"Basahin mo may 'open if yes' sa baba." Utos ko.
Binuksan niya ito.
Let me start by doing what I should have done when we became in a relationship.
"Ano 'yun?" tanong niya.
"On Friday, Go with me on a dinner. Kasama sina Mama at Papa. It's my sister's birthday on that day."
"Of course!" Maligayang sambit niya.
"Thank you for giving me another chance. We'll write our story, together, this time."
Magkasama kaming naglakad pabalik ng condo. Sa loob ng elevator ay niyakap niya 'ko nang mahigpit.
"Sobrang na-miss kita!" Na may halong panggigigil.
"Ano ba 'yan! Ang higpit masyado." Kunwari pa 'ko mga kaibigan. Akala mo hindi gusto.
Huminto ang elevator sa 5th floor at bumukas ang pinto. Pero hindi siya bumaba.
"Samahan kita sa unit mo." Sabay hawak niya sa kamay ko.
Dumating ang araw ng Biyernes at excited kami ni Ali na matapos na ang klase namin. Whole day man ang klase namin ay buti na lang at unang linggo pa lang ng klase. Puro homework at initial readings pa lang ang binibigay. Kaya maaga kaming napapauwi.
Dumiretso agad kaming tatlo nila Mylene at Ali na umuwi sa mga kani-kaniyang condo namin.
Naghanap ako ng pwedeng maisusuot at tsaka naligo. Buti na lang ay 6:30 pm pa ang reservation namin. 5 pm palang naman.
5:45 ay inantay ko na si Ali sa baba at nakapag-book na rin ako ng Grab. Nakasuot ako ng printed light blue shirt at dark jeans then Nike.
Nakita kong lumabas ng elevator si Ali. Nakasuot siya ng printed white shirt na nasa loob ng black slim coat bomber jacket niya tapos navy blue corduroy pants. Then sneakers ang kapareha.
"Ang pogi naman," sabi ko sa kaniya.
"'Wag ka masyadong tumitig. Matutunaw ako." Pang-aasar niya.
"Aba, edi mas okay! Maiwan ka ritong tunaw." Hirit ko.
"Masyadong ginagalingan mambara." Sabay pisil niya sa pisngi ko.
Maya-maya pa ay dumating na ang Grab driver at sumakay na kami.
Bago mag 6:30 ay nakarating na kami.
"We're here again." I said while looking at the top most floor of the building that my eyes can reach.
"You're truly rewriting everything," ani niya.
"Just making things right. Tara na!" Yaya ko sa kaniya.
Naabutan naming nasa taas na sina Mama, Papa, at Jas. Masayang-masaya si Jas na makitang nagkasama kami.
"Happy Birthday!" Bati ni Ali kay Jas.
"Thank you, Kuya Ali!"
"Sorry I have no present for you. Biglaan kasi. But babawi ako."
"Sure! No problem, Kuya. No hard feelings. Nandito ka naman, eh."
Nakatingin lang sa 'ming dalawa sina Mama at Papa.
"Ma, Pa, si Ali po." Muli kong pakilala sa kaniya.
Pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may humawak sa braso ni Ali. Ipapaalam ko na sana sa kanila na jowa ko si Ali.
“Ali is that you?” gulat na wika ng isang babae na nakakapit sa braso ni Ali.
Ang ganda ng suot niya. Powder blue dress na walang strap. Hindi ko makita ang heels niya dahil natatago sa loob ng layered dress. Mukhang nasa isang sosyal na gathering sila. Pero hindi ko siya kilala. Mapungay ang mga mata, naka-light make up pero ang ganda sa kaniya, at nakalugay ang buhok niya.
Bakas sa mukha ni Ali ang gulat.
“Ha? Sino ka?” tarantang tanong niya sa babae.
“Oh my gosh! Hindi mo na ko nakikilala?” She cross her hands.
Nakatingin lang kaming buong pamilya sa kanilang dalawa.
Hindi ko naiintindihan ang dapat kong maramdaman. Bakit magseselos eh hindi ko naman kilala yung babae? Baka kamag-anak lang. Pero bakit din naman ako makakampante eh hindi ko nga siya kilala?
“Frances from your previous high school place? Your muntik na maging you know.”
Ang gulo rin nitong babae na ‘to ah.
Pero… omg! Siya ba yung nakwento niya sa akin before?
“Ah! Ikaw pala ‘yan.” Halos mawalan siya ng emosyon nung padulo na siya sa kaniyang sinasabi.
“So sila ba ang family mo?” tanong nung babae kay Ali. “Hello po Ti-“
“Ah hindi,” kaagad na sagot ni Ali.
“Ay sorry po. Sorry rin po sa istorbo.” Pagpapaumanhin ni Frances.
“Ay ayos lang yun iha,” sagot ni Mama. “Magkaano-ano kayo?”
“Ex-fling lang po.”
Tinignan ko si Ali. Nangungusap ang aming mga mata. Para kaming nagtatalo na kung sino ba siya at sinasabi niya na wala lang.
“Pero pwede ko ba siya makausap po nang kami lang dalawa?” Pagpapaalam ni Frances sa amin.
“Ok sige lang. Siya ang dapat tanungin mo riyan. Nandito lang naman kami,” sagot ni Papa.
“So pwede bang mag-usap tayong dalawa, Ali? Let’s catch up?” muling tanong ni Frances.
Tinignan niya ‘ko. I just nodded. Anong karapatan kong humindi ‘di ba?
So umalis silang dalawa at pumasok sa dinaanan namin papasok dito sa dining place.
“Ang ganda nila tignan pareho,” biglang wika ni Mama.
Tila yata nang-aasar pa sila. Alam kong mas gusto nila ang mga hetero pero walang ganunan.
Matapos nilang makalayo ay dumating na ang pagkain namin at nagsimula na kaming lumafang.
Well, heto ako at kunwaring ngumingiti kahit pa ang taas na ng anxiety ko. Syempre ayoko namang sirain ang araw ng kapatid ko. Ito na nga lang ambag ko eh — ang pasiyahin ang mood. Kaya chill lang, self, please. ‘Wag kang gagawa ng ikasisira ng gabi ng lahat.
Makalipas ang ilang minuto ay inaantabayan ko pa rin sina Ali kung pabalik na sila. Napansin na rin ng kapatid ko ito.
“Uy! Babalik din ‘yun. ‘Wag kang mapraning diyan.” Pang-aasar ng kapatid ko sa akin.
“Pssst,” sitsit ko kay Jas. “‘Wag kang maingay diyan baka mamaya marinig ka nila Mama.”
“Ang oa mo. Nasa CR naman sila. Ano may speaker?” Pamimilosopo niya sa akin.
Hindi na ‘ko mapakali. Gusto ko na sila sundan. Hanapin ko na kaya sila?
“Mag-CR lang ako,” sabi ko kay Jas. Sabay tayo ko at dali-daling umalis habang pasagot pa lamang siya.
…
“I know there’s an angel in me
But i wont carve the marble
To set him free.”
- vin