Kabanata 26

1058 Words
  Kabanata 26: Agam-agam   Agam-agam - pangamba            Habang sem break pa rin ay gusto ko sanang puntahan si Ali sa bahay nila para mabisita siya at masabing ayos na ang lahat. Pero parang nagmamadali naman ako masyado.            Hinayaan kong maproseso ng mga magulang ko ang lahat. Patuloy lang sa normal na daloy ng mga gawain sa bawat araw.            Hindi naman nila 'ko tinuring na iba. Pero bumalik talaga yung trauma ni Papa sa nakaraan niya. Lagi niya akong inaalala. Pero lagi ko ring sinusubukang pakalmahin ang kalooban niya.            Bago tuluyang magsimula ang klase ay nagsimula na naman ako sa pag-aalsabalutan. Lipat na naman ng mga gamit sa bagong solo condo. Nakapaghanap na 'ko nitong enrollment week namin. Napuntahan ko na rin kaya naman kasado na ang lahat.            Sumama sa akin si Lyca sa pag-aayos. Grabe two weeks din halos walang usap-usap. Na-miss ko silang lahat.            "Super proud ako sa 'yo. Grabe! Ok ka na sa pamilya mo." Yakap niya sa akin.            "Thank you! Tsaka isa ka rin naman sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ako ng sapat na lakas ng loob. Thank you sa support!" Niyakap ko rin siya pero mas mahigpit.            Bumalik na kami sa paglalabas ng mga gamit sa box.            "Edi pa'no na kayo ni Ali?" tanong niya.            "Hindi ko nga alam bakit nahihiya ako ngayon. Pero gusto ko munang malaman if meron pa ba, ganun. Malay mo may nakakausap na siya or something."            "Eto naman! May point ka pero ikaw pa rin 'yan."            "Hindi mo sure," sabi ko.            Inayos ko na yung mga gamit sa may mini kusina at dining area.            Pagkatapos ay yung mga damit ko naman.            Bumaba kaming dalawa para bumili ng makakain.            "Saan tayo?" tanong ko.            "Kay Aling Susan na lang ulit," sagot niya.            Doon na kami dumiretso. Pero sa daan ay may naaninag akong pamilyar na tao.            "Shet! Si Ali 'yun, oh!" Sabay turo ko.            Tinanaw ni Lyca ang tinuturo ko.            "Hala oo nga! Tara dalian natin!" Pag-anyaya pa niya.            "Ayoko nga. Dito muna tayo." Pilit ko.            "Para kang sira. Kaibigan naman natin 'yun."            "Ano kasi sasabihin ko?"            "Edi kung kumusta na? Ano sabaw ka na agad?"            Hindi na 'ko sumagot pa. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.            Para kaming mga police na may operatiba sa pagtatago naming dalawa. Nakita naming may kasama siyang babae. Makinis ang balat, payat, maigsi ang buhok na mag pagka-blonde, at nakasalamin. Naka t-shirt siya na hindi ko mabasa ang print tapos shorts at sandals.            "Hala sino kaya 'yun?" Pagtataka ni Lyca.            "Sa iba na lang tayo bumili. Sabi ko sa 'yo 'wag na rito, eh."            "Sige na nga. Sorry na."            Umalis na kami kina Aling Susan. Naglakad-lakad na lang kami kung saan.            "Jabee na lang. Miss ko na kumain dun. Halos dalawang buwan na rin ata ang nakalipas nung huling kain ko dun."            "Sige! Ayos lang sa 'kin," sabi ni Lyca.            Dapat pala nagpa-deliver na lang kami. Pero nandito na rin naman kami so push na rin.            Mag-isa na lang akong bumalik sa condo. Nauna na si Lyca dahil may lakad pa sila ng bebe niya. Sana all.            Nakita kong sinundo sina Ali at yung kasama niyang babae ni Tito Rod.            "Grabe talaga."            Dumiretso na lang ako ng lakad na kunwari wala akong nakita.            Para ngayong sem, T, Th, F, at S ang schedule namin. Dalawang whole day at dalawang half day. Halos lahat ba naman ng subjects namin ngayon ay accounting. Bahala na utak ko kung paano kakayanin ang lahat.            Pag-accounting ang subject, pumapasok kaagad ang mga prof para next week, start na agad ng discussion. Puro pakilala pa lang ulit tapos requirements then early dismissal.            Magkakasama kami during lunch time. Kwentuhan tungkol sa maikling bakasyon namin.            "Nagbakasyon kami sa Palawan." Pang-iinggit ni Mylene.            "Grabe! Yayamanin!" wika ko.            "Ang ganda sobra! Hindi mabibigyang hustisya ng mga pictures ko. Favorite ko na dun!"            "Sana all na lang talaga. Pero umuwi kaming province. Sa La Union." Kwento ni Lyca.            "Ang lalapit naman ng pinuntahan niyo." Pagyayabang ko.            "Eh saan ba kayo pumunta?" tanong ni Mylene.            "Sa bahay lang." Sabay tawa ko.            "Funny, funny, funny. Very, very, very..." at nag-eye roll pa si Lyca.            "Ikaw Ali? Kwento ka naman," sabi ni Mylene.            "Ah, wala, nagpunta kaming Korea. Pangarap nila Tito makapunta dun."            "Iba naman pala. May paglipad palabas ng bansa. Kabog ang Palawan at La Union natin, sis." Napahalukipkip na lang si Mylene.            Bakit ba awkward? Ako lang ba? Hindi man lang makapag-usap nang casual. Oo nga pala. May babae na.            "Edi sino nga pala yung kasama mong babae sa condo?" Chismosang pang-uusisa ni Lyca.            Nakurot ko siya habang magkatabi kami.            "Aray! Nagtatanong lang naman," sabi niya sa 'kin.            "Ang ingay mo talaga," bulong ko.            "Para sa 'yo rin 'to. Magtiwala ka lang," bulong niya pabalik.            "Ah! Pinsan ko. Dito na rin nag-aaral. Nag-shift." Paliwanag ni Ali.            "Sabi ko sa 'yo, eh! Kamag-anak lang," bulong niyang lumalakas na.            "Ano na mga room number niyo? Magkakalayo na tayong apat nila Jaydee." Singit ni Mylene.            "Sa 6th floor ako. 613." Sagot ko.            "Sa 5th ako. 513," sagot ni Ali.            Alam ko na gagawin ko.            May naisip akong plano. Sana pumayag siya.            "Ali," tawag ko sa kaniya. "pwedeng alis tayo mamaya?"            Ngayon lang ulit kami nagkatinginan at nakapag-usap.            "Sige. Saan?" he answered promptly.            "Basta. Mamayang uwian."         Hindi na siya nakipagtalo pa. Nagtitinginan lang sina Mylene at Lyca at nangungusap ang kanilang mga mata.            Nang uwian na ay magkasama kami ni Ali at nagpunta kami sa isang milktea shop malapit sa school.            "Sige na maupo ka muna diyan. Ako na bahala sa order mo."            At naupo na lang siya.            Pagbalik ko ay dala ko na agad yung order. Hinintay ko rin doon kasi ayoko munang maupo at hindi ko alam ang sasabihin ko. Tsaka para tuloy-tuloy na ang usapan.            "Bakit tayo nandito?" tanong niya habang papaupo pa lamang ako.            "Kasi gusto ko sana mag-usap tayo."            "Tungkol sa?"            "Sa atin."            Nagulat siya.            "Sa atin? Bakit?" Napahinto siya sa pagsasalita at mukhang nagka-ideya na siya sa sasabihin ko.            Muli kong nakita ang ningning sa mga mata niya at hinihintay na lang niya ang sasabihin ko para tuluyan na siyang maging maligaya at hindi humopia.            "Basahin mo 'to." Sabay abot ko sa kaniya ng sulat na ginawa ko.            Can we rewrite our story this time? Will you be my daylight once again? Because I am ready to love you with all my heart. Without hiding anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD