Kabanata 25

1472 Words
Kabanata 25: Tangkakal (Part 2) Tangkakal - tanggol o ligtas   "Araw-araw ko pong iniisip na hindi ako yung anak na gusto niyo. Na masasaktan ko kayo habang nasasaktan ko ang sarili ko. Na kahit anong piliin ko o gawin ko, hindi ako mananalo. Pinipili ko na lang anong hindi mas masakit. Pero parang sa bawat pagpili kong mabuti ng tatahakin, mas dumodoble lang yung sakit. Araw-araw kong iniisip na sana hindi na lang ako binigay sa inyo para hindi niyo na 'to pinagdadaanan. Para hindi ko na 'to pinagdadaanan."            "'Wag mong sabihin 'yan, Kuya. Pero I am so sorry that this society made you go through that. That this society has failed you miserably. Kung wala ka, wala akong Kuya na nandiyan para sa 'kin lagi. Walang tutulong sa Math homeworks ko, walang magtatama sa grammar ko, at wala akong kasamang mag-aningan bawat araw kahit mukha tayong mga ewan." Hindi na napigilan pang magsalita ni Jas.            Lahat kami ay nag-iiyakan na. Sumama si Jas sa pagyakap sa akin ni Mama.            "Hindi sa ganun anak. Patawad kung hindi namin nagawang maramdaman mo na ayos lang na magsabi ka sa amin agad. Na pinagdaanan mo pa ang lahat ng pinagdaanan mo bago mo magawa. Sorry anak." Patuloy na pagyakap sa 'kin ni Mama.            "Hanggat maaari ay iniiwasan kong maging mahina ka anak. Wala namang problema sa akin kung ano ka pero ayokong mawala ka rin sa 'min." Unang beses na makita kong maiyak si Papa.            "Bakit naman po ako mawawala?" tanong ko.            "Ayokong matulad ka sa Tito Manuel mo, sa kapatid ko," sagot ni Papa.            "Ano po bang nangyari sa kaniya?" I followed up.            Tila hindi magawang magkwento ni Papa. Tila isang bangungot ang babalikan niya.            "Nakita ko lahat. Hindi alam ng pamilya na bakla ang Tito mo pero sa labas ay usap-usapan siya ng mga tao. Alam na pala ng marami pero pinili niyang hindi magsabi sa kahit sino sa amin." Kwento ni Papa.            "Ano pong nangyari?" tanong ni Jas.            "Isang araw hinahabol ko siya dahil naiwan niya ang baon niya. Nakita ko ang lahat. Kung paano siya kutyain ng isang grupo ng mga lalaki dahil naglalagay pala siya ng kolorete sa labas. Sinasabing salot siya sa lipunan at walang kwenta. Kung paano siya batuhin." Mas naiyak lalo si Papa.            Nilapitan siya ni Mama at hinagod ang likod niya.            "Wala akong nagawa. Hindi ko siya maipagtanggol. Dahil ganun din ang itinatak sa isipan namin. Doon ko lang din nalaman na hindi siya lalaki. Hanggang sa yung isang bato ang tumama sa ulo niya."            Sobrang nanggigigil talaga 'ko. Naiiyak ako sa galit. Na may isang tao at kamag-anak ko (o kahit hindi ko man kakilala) na may ganung pinagdaanan.            "Tumakbo ako papalapit sa kaniya nang makita ko siyang bumagsak sa kalsada. Nagsitakbuhan yung mga kalalakihan palayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagsisisigaw na lang ako ng tulong. Puro dugo na sa kamay ko." Patuloy na pagkukwento ni Papa.            "Ang hayop naman nila!" Nagulat akong nagsalita bigla si Jas.            "Kung nadala siguro siya nang mas maaga sa ospital, baka naisalba pa ang buhay niya. Pero kung nagawa ko lang ipagtanggol siya, hindi na kailangan pang umabot sa ganun." Itinigil na ni Papa ang pagkukwento.            Ngayon mas naiintindihan ko na si Papa. Ganun na lang pala kalalim ang bubog sa puso't isipan niya. Alam kong ang daming naipasok sa isipan nila na mga kaisipang taliwas na sa ating panahon ngayon pero alam kong hindi sila ganun kasamang tao at magulang para manakit at magsabi ng masasakit na salita.            "Hindi ko alam anong magagawa ko kung may isa pang mawala sa buhay ko nang wala akong nagagawa. Ayokong masaktan ka 'nak. Pwede bang balik na lang sa dati?"            Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ni Papa pero walang magbabago kung walang kikilos. Alam kong nasa labas ang totoong laban at masaya akong marami ang nakikibaka at sumusuporta para sa pantay-pantay na karapatan.            Ako rin naman ay natatakot dahil paano kung mangyari rin sa akin yung sa Tito ko. Pero hindi dapat ako mamuhay sa takot.            "Pa, sorry. Hindi ko na po mababago ang sarili ko. Pero napaliligiran naman ako ng mga taong tanggap ako at mahal ako. Kasama kayo. Hindi ko maiaalis na hindi po kayo mag-alala pero hindi na po ako papayag na mamuhay nang hindi ko nagagawang maging ako at gawin ang gusto ko."            Sa takbo ng naging usapan ay alam pa man nila nung una na may pagkakataong iba ako. Akala nila ay ayos na 'ko dahil naging tulad na lang ako ng ibang batang lalaki habang lumalaki. Pero dahil 'yun sa mga naging karanasan ko sa labas mula sa mga mas nakatatanda. Kaya naging kampante na sila hanggang nitong huli lang na hindi ako nakatutupad sa naka-set na standard ng lipunan para sa isang young adult man.            At that moment, kanina, I was worried that Papa would kick me out and that I would be shunned forever. It was a risk I had to dive into or else I would not be here today as the true me. I am unquestionably extremely family oriented. At alam kong hindi kaagad-agad ay magiging parang normal ang lahat. Kulang na nga lang ay mag pa-seminar ako sa kanila linggo-linggo. Gusto ko rin silang maging maalam.            After all that has happened, I feel like my relationship with my family has grown and that I am more independent. Mas close na kami ni Papa. Nagpaturo akong mag-drive. Mas bukas na ako sa kanila. May mga magpo-protekta na sa akin mula sa iba. Kaya bakit ko pa iintindihin ang sasabihin ng iba. Mas mahalaga kung anong tingin sa 'kin ng mga mahal ko sa buhay.            My coming out for me was very freeing and it was also very uplifting and motivating. It has been a long road but I still made it. Although there are still many battles to win, it's just the beginning. All of the pressure and my sadness were released after talking to them. I am embracing who I am more and more. I am also more aware just how much support friends and my university have been for me through their support for the community.   ...            "Ang pagtanggap sa ating sarili,   Sa lahat ng mga kapintasan at pagkukulang,   Ano mang kasarian,   Ay ang pinakamatapang na bagay na ating magagawa."      -vin Maybe I can finally express myself through this song. Title: restricted I can see but’s all been in black I knew I have some things that I purposely lack Phone light giving me a dubious sight I’m inside a train, never going to alight  That at the end of the day Everything’s just superficial  No matter how glad i was It’s as shallow on the sea side Can’t even scream at rides In every theme park my feet would try That I can’t even sing my heart out in every jamming night Can’t cry with any sort of sound Can’t just be me, can’t just be me I’m all restricte-yeah-ed oh woahh oh no I’m handcuffed and feels like in a cage Or blindfolded, now just turn this page My indelible ink is running out I’m inside a loop and things won’t turn around That at the end of the cliff You won’t dive to see what’s below the iceberg  You shiver at night It’s as shallow on the seaside Can’t even scream at rides In every theme park my feet would try Oh I can’t even sing my heart out in every jamming night Can’t cry with any sort of sound Can’t just be me, can’t just be me I’m all restricte-yeah-ed oh woahh oh no I wake up on sundown And never let to be around My huntings in the closet that i never want to come about I wanna write on this page And to stop losing me My huntings under all these masks I always want to wreck at once Ristricte-yeah-ed oh woah no, no That at the end of the day Who’s going to accept me? Don’t want to keep my tears I need to let myself and breathe  Can’t cry with any sort of sound Can’t love the way i wanted one Can’t even leave this daunting path Can’t just be me, can’t just be me I’m all restricte-yeah-ed I’m all restricted yeah yeah I wake up on sundown And never let to be around I wanna write on this page And to stop losing me My huntings in the closet that i never want to come about
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD