Boxed Out

1182 Words
Trisha Hindi siya sumasakay sa likod ng driver ng tricycle pero dahil inunahan siya ng malditang si Vanna sa loob at kasama nila patungong bayan si Manang Lisa ay wala siyang nagawa kundi magpaubaya. Kahit labag sa loob ay sa angkasan siya. "Kapit ka Trish."masiglang utos sa kanya ni Kevin. Iningusan niya lang ito. Naiinis pa din siya kay Vanna at sa kaartehan nito. Mas lalo siyang nainis sa babae ng dumako sila sa lubak-lubak na kalsada at makalog siya sa angkasan. Kasalanan ni Vanna kung bakit sumasakit ang pwet niya. Malayo pa sila sa bayan at nangangalay na siya. Pakiramdam niya din ay binubugbog siya dahil sa impact ng pagkakakalog nila sanhi ng daan. "Ayy!!!"parang iisang tao na sigaw nilang tatlo nila Vanna at Manang Lisa ng malubak sila. Promise feeling niya ay nakasakay sila sa jack hammer. Muntik pa siyang mahulog kung hindi siya nahawakan ni Kevin sa balikat. "Marami pang ganitong lubak Trish, bakit hindi ka kumapit sa akin?"ani Kevin. "No thanks."sabi niya. Ipinagpatuloy niya ang pagkapit sa bakal na nasa bubong pero gaya nga ng sabi ni Kevin ay madami pang lubak kaya naman ngalay na ngalay siya. "Iyakap mo mga kamay mo sa akin Trish para Hindi ka mahirapan at malessen ang pag-aalala ko na baka mahulog ka."utos ni Kevin ng sandali silang tumigil dahil pinagbigyan nilang makadaan ang kasalubong nilang tricycle. Nabanggit niya bang almost one way lang ang daan kaya kapag may nakasalubong talaga namang tabi to the max sa gilid ng daan kasehodang halamanan na o di kaya'y palayan. "No way!"tanggi niya. "E di sige tingnan natin kung magmamatigas ka pa!"ani Kevin sabay tawa ng nakakaloko. Hindi pa siya nakakakapit sa bakal ng bigla nitong patakbuhin ang tricycle. She was afraid of falling off kaya napayakap siya sa katawan nito. "Nice, Trish."sabi nito bago walang imikan na silang nagbiyahe. Nang makarating sila sa bayan ay tumanggi siyang sumama kina Vanna at Manang Lisa na mamalengke. Naiwan siya sa tricycle kaya naman nagpaiwan din si Kevin. "Gusto mong maghalo-halo? Sabi ni Vanna may masarap na tindahan malapit daw sa may munisipyo." "Ayoko." Nainis siya ng itukod ni Kevin ang tigkabilang kamay sa tagiliran ng kinauupuan niya kaya naman nagmistulang nakabilanggo siya dito. "Layo ka nga. Don't you know Personal Space?" "Alam ko kaya nga ino-occupy ko ang sa iyo." Tumaas ang kilay niya. Sinusubukan talaga nito ang pasensya niya. "Malalaman ni mommy ang pang-aasar mo sa akin."pagbabanta niya dito.  "At anong sasabihin niya? Masyado kang uncaring sa akin at immature Trish. You know mom, sa ating dalawa ako ang mas pinapanigan niya." Tumalim ang tingin niya kay Kevin sanhi ng sinabi nito. Tama ito pero hindi iyon rason para deliberately na inisin siya nito. "Whatever."she rolled her eyes. Bumigat ang paghinga niya dahil sa pambabox out sa kanya ni Kevin. Nakakapanibago talaga ang pagiging mapang-asar nito sa kanya. Mas okay sana kung babalik na lang ito sa pagiging tahimik sa kanya. Normal naman itong makulit sa iba kaya bakit pa siya nito kinukulit? "Say Trish--" "Manang Lisa!"malakas niyang tawag sa likuran ni Kevin. Umigkas palayo sa kanya si Kevin. He had this stupid suprised look. Weird, pero nakuha niya ang gusto niyang mangyari. Lumayo ito sa kanya. Marahan itong humarap sa likuran nito kanina bago madilim ang anyo na tumingin sa kanya ng madiskubreng wala namang Mang Lisa sa likuran nito. "That's funny Trish."madilim pa din ang anyong sabi ni Kevin. Hindi niya alam kung bakit napikon ito sa ginawa niya. Malaya na siya sa pangba-box out nito. Isang dipa na din ang layo nila. Better. And know what? Naaasar siya sa tuwing tinatawag siya nitong Trish. Mas gusto niyang tinatawag siyang Trisha. Ngumisi lang siya bilang sagot dito. Buti ngang maasar din ito. Honestly, naiinis din  talaga siya dito. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay. Akala niya ay magsasalita pa ito ngunit tahimik lang sa buong durasyon ng paghihintay nila kina Vanna. At nang maisip niya ang ginawa ng pinsan kanina sa kanya ay nakaisip siya ng paraan para asarin din ito kaya tinangka niyang  sumakay sana sa loob ng tricycle  para ito naman ang agawan ngunit maagap siyang napigilan ni Kevin na hindi niya napansing sumunod pala sa kanya. "Don't you dare Trish."anito. Hinila siya nito  pabalik sa angkasan at pwersahang ibinalik sa pagkakaupo. "What's wrong with you, a$shole?" nanggagalaiti niyang sabi. Balak niya ng kalmutin ang makinis nitong mukha ngunit nakapagtimpi siya. Sa halip ay naglabanan na lamang sila ng titigan. "Oy, Trisha? Kevin?"anang tinig lalaki sa likuran nila. Kapwa pa sila nagulat ni Kevin dahil may bumati sa kanila. At ang walanghiyang kapatid niya ay masayang ngiti ang isinalubong sa lalaki nilang second cousin. Kapatid ng Tatay ni Vanna ang Nanay nito. That's make them first cousin. "Jess, kumusta?" "Ayos lang. Sinabi ni Vanna na nandito nga daw kayo ng dumaan sila sa store namin. Mukhang napaaga kayo ng bakasyon ngayon?"masayang sabi ni Jess. Mas matanda ito ng isang taon sa kanya tulad ni Vanna. Tinapik nito sa balikat si Kevin. Pabirong sinuntok naman ito ni Kevin sa balikat. Typical na batian ng mga lalaki. May-ari ng grocery store sila Jess dito sa Bayan. Kapag sinabing bayan, asahan mo ng may wet and dry market. Ibig sabihin pamilihan.May mga iba't ibang stall tulad ng barberya at mga eatery. May kung anu-anong tindahan pero di kasing sosyal ng nasa mga mall sa Maynila. "Hi Trisha!"bati nito sa kanya. Malawak ang pagkakangiti. Tumango lang siya. Hindi siya close dito tulad ni Kevin. Kumamot ito sa ulo bago ipinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan sa kapatid niya. Nagkayayaan pang pumunta sa bahay nila Jess ang dalawa. Malapit lang iyon dito. Nakailang beses na din naman silang punta doon . May 2 nakakabatang kapatid si Jess na pawang mga lalaki din. Isang 15 years old at 12. "Ikaw na lang Kevin. Hihintayin ko na lang sina Manang Lisa."tanggi niya ng yayain siya ni Kevin. "Don't you think na iiwan kita ditong nag-iisa Trish?" Minuwestra nitong bumaba siya sa angkasan at pumasok sa loob. Naglaban pa ulit sila ng titigan bago nila narinig ang alanganing tawa ni Jess. "Next time na lang siguro Kevin tayo pumunta sa amin. Sama na lang ako sa pagbalik ninyo kina Lola Tilde. Nagpaalam na ako kina inay at pumayag naman sila." "Tiyak na doon ka patutulugin  ni Lola."ani Kevin. "Hahaha. Uuwi din ako mamayang gabi dahil may pupuntahan sila inay at kailangan kong bantayan mga kapatid ko." "A okay." Nagkusa na siyang pumasok sa loob ng tricycle. Naiinis siya sa walang tigil na pag-uusap nila Jess at Kevin. Dinalaw siya ng antok sanhi ng pagkabagot. Naalimpungatan siya ng maramdamang may mga matang nakamasid sa kanya. Napadilat siya ng makitang nakatitig sa kanya si Kevin. "Wala pa ba sila Manang Lisa?"tanong niya. Initsapwera niya ang pagkailang sa uri ng tingin ni Kevin. "Dumating kanina bitbit ang ilang boxes pero umalis din, pwede na daw tayong maunang bumalik. May dala namang tricycle si Jess kaya doon na sila sasabay nila Vanna. "Okay sige."sang-ayon niya. Nakahinga siya ng maluwag ng umikot patungo sa motor si Kevin. Nagmaneho ito ng tahimik bagaman nahuhuli niyang panaka-nakang nakatitig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD