Drunk

1247 Words
Trisha Pagkapasok palang ng tricycle sa malawak na solar ng bahay ni Lola Tilde ay kaagad siyang bumaba. Napagod siya sa biyahe idagdag pa ang ginagawang pagsulyap ni Kevin sa kanya ng kakaiba. May mali kay Kevin. Kasing mali ng pagdating nito sa buhay nila noon. Lakad-takbo siya patungo sa pinto ng antigong bahay. Papihit na siya sa doorknob ng mahigit ni Kevin ang braso niya. "Hindi mo ako habambuhay matatakbuhan Trish."galit na sabi nito. Kumunot ang noo niya. Ano bang gusto nitong ipahiwatig? Binitawan nito ang braso niya pero masama pa din ang tingin sa kanya. Wala siyang matandaang ginawang masama dito. Ito pa nga ang may malaking kasalanan sa kanya-sa pamilya niya. Inagaw nito ang mommy niya at... Mariin niyang pinikit ang mga mata para huwag hayaang umalpas ang nagbabanta niyang pagluha. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ni Kevin. "I hate you."mahina ngunit mariing sabi niya. "Hate me Trish but you cannot hate me forever."he said in his husky voice. Alam niya. Napapagod na din siyang magalit dito. Dumating na sa puntong hinayaan niya na lang ang existence nito sa buhay nilang mag-ina. Pero hindi ibig sabihin noon ay mapapatawad niya ang mga ito o di kaya'y makakalimutan ang kasalanan sa kaniya at sa kaniyang dad. Iminulat niya ang mga Mata at nahuling mataman itong nakakatitig sa kanya. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Kevin. Tinangka nitong hawakan ang pisngi niya ngunit suminghal siya. "Don't touch me." Nasaktan ito base sa itsura nito pero matigas na ang puso niya para mabahala nang dahil doon. "I will make you love me Trish." determinadong sabi nito. Halatang nahihirapan din sa sitwasyon nila. "Not in this lifetime Kevin."patuyang sabi niya dito. Kaya ayaw niya nang bakasyon ay napipilitan siyang makipag-interact ng mas madalas kay Kevin. Sa Manila, kapag nagkulong siya maghapon sa kwarto niya ay hindi siya ginagambala ni Kevin ngunit kapag nandito sila sa probinsya ay malaya siya nitong iniistorbo o kaya'y wala siyang magawa kapag inutusan na siya ng Lola nila na makihalubilo dito at sa iba nilang pinsan, tulad na lang ngayon. Dumating si Jess at Vanna. Nagset ng maliit na salu-salo ang Lola nila. Kahit napipilitan ay kinailangan niyang makipag-usap sa mga ito. Super plastic ni Vanna. Ramdam niyang unwelcomed siya dito. Akala niya ay matatapos na ang p*******t ng ulo niya sa pakikipag-usap sa mga ito ngunit nagkamali siya. Matinding pasabog ang inanunsyo ng Lola nila pagkatapos mananghalian. Pansamantala daw na kina Vanna muna sila ni Kevin. 2 to 3 days lang naman daw dahil requested ng mga magulang nito. Nagprotesta siya ngunit sinansala siya ni Kevin. Hinila pa siya nito sa gilid upang makapag-usap sila ng sarilinan. Sa huli ay nanalo ito dahil hindi sila pwedeng maghiwalay. Iyon ang bilin ng mom nila. Kahit gusto niyang suwayin ang Ina ay hindi niya kaya. Kahit pa namumuhi siya dito ay hindi niya kayang sumuway dito. Siya ang mas matanda kay Kevin at bilang panganay ay responsibilidad niya ito. Pumasok siya sa inuokupahang kwarto upang kumuha ng ilang pirasong damit at mga personal na item.  Hindi na siya nagulat ng sundan siya ni Vanna. Ano pa bang kataka-taka sa bruhang ito? Kung tinik sa lalamunan niya si Kevin, ano pa kaya ang babaeng ito? Tinik sa ngala-ngala niya at tonsil? "Mas gusto kong hindi ka kasama Trisha pero anong magagawa ko package deal kayo ni Kevin e." "Ayoko nga ding pumunta sa bahay ninyo. I hate seeing your ugly face." "You!"akmang susugurin siya nito ngunit natigilan ng marinig nila ang pag-ingit pabukas ng pinto ng kwarto niya. Ang nakaputing vneck shirt at navy blue na beach shorts ang bumungad sa kanila. "Ready Trish?"tanong nito. Bahagya pa itong nagulat ng makita ang panauhin sa kwarto niya. "Ang cool mo Kevin. Tiyak matutuwa si Jasmin na makita ka!"puri ni Vanna sa kapatid niya. Umangat ang kilay niya sa pangalang nabanggit ni Vanna. Jasmin, pangalan iyon ng BFF ni Vanna at kapareho nitong bruha. May gusto ito kay Kevin at noon pa ipinapares ang dalawa. So that's it. Iyon ang dahilan kaya atat na atat si Kevin sumama kina Vanna. Gusto nitong makita si Jasmin. E di okay dahil mawawala ito sa paningin niya. Makakapagrelax siya kahit papaano. Pinanood niya ng bigyan ni Kevin ng matipid na ngiti si Vanna. Sa isip niya naman ay nagdiriwang siya. Maikli mang freedom ay okay lang. Nang maizipper niya ang tote bag ay kaagad iyong kinuha ni Kevin sa kanya. "Eto lang ba Trish, how about your neck pillow?"tanong nito. "Madali lang naman tayo doon. Hindi tayo magtatagal."parinig niya kay Vanna. Gusto niya ang nakikitang inis sa mukha nito dahil sa sinabi niya. "Kevin, how about magstay pa ikaw ng another 3 days or 1 week?"ani Vanna kay Kevin. Paconyo pa ang maarte niyang pinsan. Mukhang naglalambing  din ito. "I can't . Kapag umuwi si Trish uuwi na din ako."sagot ni Kevin na ikinangisi niya ng tumingin sa gawi niya si Vanna. Umasim ang mukha nito dahil doon. Sakay sa tricycle nila Jess ng nagtungo sila sa bahay nina Vanna. She doesn't mind ng sa halip na si Jess ang magmaneho ay si Kevin ang nasa manibela ngayon katabi sa likuran si Vanna habang siya naman ay katabi sa loob si Jess. Mabait si Jess at iginagalang nito ang pananahimik niya. Ilang minuto lang ay nakarating na sila kina Vanna. Malaki ang bahay ng mga ito ngunit hindi pa tapos. Sementado na at finished ngunit wala pang pintura. "Ayokong kashare ka ng room Trisha."maarteng sabi ni Vanna ng ihatid siya sa pinakadulong silid. Wala pa iyong pinto at tanging kutson na mababa lang ang nakalatag. Kurtina ang nagsisilbi noong harang sa pinto maging sa bintana. Dinedma niya lang ito. Hindi siya affected kung pangit at di komportable ang patutulugan nito sa kanya ang mahalaga malayo lang siya dito. "Thanks."sabi niyang pasarkastiko. Ibinagsak ni Vanna sa sahig ang tote bag niya na ipinirinsinta nitong dalhin kanina nang NASA harap sila ng mga magulang nito. Mapagkunwari ang pinsan niyang ito. Hindi niya na lang ito pinansin. Lumabas si Vanna na bubulung-bulong. Inayos niya lang ang pagkakalagay ng tote bag niya at lumabas na din. Sa baba ay naabutan niyang kumakain na ng meryenda sina Kevin at Jess kausap ang uncle Pete at auntie Claire nila. Mabait naman ang mga ito kaya nakakapagtaka na salbahe si Vanna. Dumating ang mga kabarkada ni Vanna na sila Jasmin at Chiasa. Panay ang landi ng dalawa kina Kevin at Jess. Nagkayayaan pang uminom ng beer. Aprubado naman sa mga magulang ni Vanna kaya kahit paano ay shuma-shot din siya. Gabi na sila natapos ng inuman. May tama na siya ng maghiwahiwalay sila. Nauna ng umuwi si Jess dahil tinawagan ito ng inay niya. Pagewang-gewang na siya habang binabagtas ang daan patungo sa kwartong ipinahiram sa kanya ni Vanna. Ilang dipa na lang ang layo niya sa silid ng may humila sa kanya at takipan ang bibig niya. "Shhhh..it's me Kevin."anang tinig sa gilid ng tenga niya. Tumango siya. Nang makasiguradong hindi siya sisigaw ay inalis nito ang takip sa bibig niya. "Vhakit Keyvin?"tanong niya dito.  "Dito ka na matulog."anito. Hindi siya pumalag ng igiya siya nito patungo sa malambot na kama. "Maganda kwartoh mo. Unfayr shi Vanna Impakta!"sabi niya sabay tawa. "We can share Trish."sabi nito. Humiga siya nang igiya siya nito. Nagkusang pumikit ang mga mata niya. Nahihilo siya dahil sa nainom na beer pero nakakahilo ang mabangong amoy ni Kevin. "Sleep tight. I love you." Ngumiti lang siya sa narinig na sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD