Hindi na ako sinundan ni Marco. Dumiretso ako sa banyo at doon tahimik akong umiyak. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin. Lalong binigyan niya ng karapatan ang sarili niya sa amin ng mga anak niya. Magulong magulo ang isip ko at mugto na ang aking mga mata dahil sa tagal kong umiyak ng lumabas ako sa banyo. Nakita ko ang mga anak ko na nagtuturuan at hindi ko maintindihan kung ano ang binubulong bulong nila sa isa't-isa. "Nanay are you alright?" tanong sa akin ni Jacob. "Yes baby Iam." "then why are you crying. I heard you crying "malungkot na sabi niya. "I miss granny and grandpa." sabi ko nalang sa kanilang dalawa. "we can talk to her in your cellphone. I saw tatay talking to auntie in her cellphone." sabi naman ni Josh "who's aunti

