Tanghali na ng magising ako. Nasarapan ako sa pag tulog ko dahil siguro sa puyat at pagod sa biyahe. Nag-aayos na ako ng sarili ko ng biglang naalala ko ang aking mga anak. Binilisan ko ang kilos ko at nagmadali akong lumabas upang hanapin ang mag-aama ko.
Paglabas ko ay naririnig ko ang tawanan sa labas kaya nagtungo ako sa labas.
"Mars ang ganda naman ng bahay bakasyunan niyo ng Mr. mo." nakangiting sabi sa akin ni Bea.
"Mr. ka diyan. buti nakapunta kayo dito?"
"oo tumawag pala ang Mr. mo kay William kagabi at alam mo na ininvite kami dito. Ang ganda ng ambience dito."
"Bea ha kanina ka pa Mr. ng Mr. diyan"
sasagot pa sana si Bea pero binati na ako ng mga anak ko.
"good morning nanay."
Good morning babies" bati ko din sa kanila sabay halik sa kanilang mga pisngi.
Binati din ako nila Lance, William at Claire. Lumapit narin sa akin si Marco at binati ako tsaka binigyan ng magaan na halik sa aking mga labi. Nagulat ako sa kaniyang ginawa at hindi ako nakahuma sa ginawa niya lalo na nung inilagay niya ang kamay niya sa magkabilang bewang ko.
"nakikita ka nila at baka kung ano ang isipin nila sa atin." bulong ko sa kaniya na nakangiti habang nagsasalita para hindi nila mahalata.
Pero bigla naman inalaska ni William si Marco.
"pare ok na ba kayo ng asawa mo at kung makalingkis ka parang ayaw mo na siyang mawala ulit?" tanong niya ni William kay Marco na natatawa sa kaniya.
"shut up William" sabi naman niya. Sa asaran nilang dalawa ay masasabi kong matalik na magkaibigan ang dalawa.
"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig." sabi pa niya kay Marco.
"nagsalita ang may ginagawa para mapansin lang ng iniibig" balik naman na alaska ni Marco kay William.
Bigla naman natahimik si William. Hinampas ko si Marco sa dibdib niya at kung ano ano ang sinasabi niya. Pero bago pa magreklamo si Marco ay may humihila na sa kamay ko. Pagtingin ko ay si Jacob.
"Naku pare may gwardiya sibil pala si Misis" sabay halaklak na naman ni William.
Natatawa na lang si Marco at pinakawalan na ako. Sakto din na nagring naman ang cellphone ni Marco at nagexcuse na naman sa amin. Alam ko na tuwing may tumatawag sa kaniya ay si Trina ang nasa linya.
"So kayo na?" tanong ni Bea
"Hindi at hindi kami, Ano bang pinagsasabi niyo na asawa eh hindi naman kami kasal." nahihiwagahan ako sa mga pinagsasabi ni William.
"hindi ko alam kay William, kasi yun naman ang sabi niya kanina kaya nakisakay kami."
""Loko talaga si kuya pero ang alam ko kasal na si Kuya Marco at matagal niyang hinahanap ang asawa niya."
"Huh? hindi naman kami kinasal"sagot ko kay Claire.
"eh sino ang asawa na sinasabi niya? eh ikaw lang naman ata ang nawala?" sabi pa ni Claire.
"naku wag na nga natin pag-usapan yan. Ano ba ang hinanda ni Marco?" tanong ko sa kanila.
"bbq and inihaw na mga isda. ang sarap ng mga isdang nabili niya mars puro fresh parang ikaw fresh na fresh dahil bagong gising. parang amoy uuhhhmmm"
"Hooy Bea tatamaan kana talaga sa akin. walang ganun at hindi na ako bibigay sa kaniya."
"ay green minded lang mars? bakit kapag uuhhmmm yugyugan na? hindi pag bagong paligo kaya fresh?" natatawa pa siya sa mga pinagsasabi niya pati si Claire ay natatawa sa kaniya.
"ewan ko sayo gutom kana naman siguro kaya ka ganiyan. Naku Claire nabagok na ata ang ulo niyan kaya naging ganiyan."
"hahaha nagbago na nga." sabi naman ni Claire.
"Alam mo kung ilang araw yan nagbago? Simula nung bago kami umalis naging ganiyan na. Change daw for the better. Eh nabuang na ata ang gusto niyang mangyari." napalabi naman siya sa sinabi ko.
"diba sabi ko ilabas ko yung totoong ako eh ito na. the happy me."
"oo na Bea happy ka na niyan."
"yes naman haping happy. tara na nga tignan natin ang niluluto ni Manay Belen sa loob. Sabi ni Marco masarap daw magluto si Manay Belen."
"oo masarap nga ang niluto niya kagabi." sabi ko naman at nagtungo na kaming tatlo sa likod at doon nagluluto si Manay Belen.
"Manay ano po niluluto niyo?" tanong ko
"ay laing po ma'am tapos magsisigang ako ng isda at itong mga hipon ay si Sir daw po ang magluluto." sagot niya sa akin
"Manay Belen may ulam po ba para sa mga bata?"
"sabi po ni Sir ay magorder na lang daw po sa restaurant ng chicken."
"okay po Manay Belen."
"Manay Belen baka may maitutulong kami sa inyo sabihin mo lang." tanong ni Bea sa kaniya
"Naku wala na mga ineng at tinulungan ako kanina ng bunso ko bago siya umalis kanina."
"ay sige po kung ganun, dun nalang po kami sa may pool at kung kailangan niyo ng tulong ay tutulong po kami." sabi ulit ni Bea.
Tumango lamang ang matanda at inayos ang mga sangkap sa pagluluto niya. Bumalik na kami sa pool at naabutan namin si Lance na nakikipaglaro sa mga anak ko, at si Marco ay hindi pa bumabalik simula nun may tumawag sa kaniya. Nilapitan namin sila at yumakap sa akin si Jacob. Talagang mama's boy ata ang baby ko na ito.
"Nanay I want milk." sabi niya sa akin.
"ok wait me here or do you to go inside to drink your milk?" nagbobote pa ang dalawa at mahirap pigilin na wag na silang uminom sa bote at baso nalang pero ayaw nila kaya hinahayaan ko muna.
"I want to lay down nanay."
"ok baby, how about you Josh do you want milk?" baling ko naman kay Josh.
"no nanay later." sagot naman niya at busy sa pakikipaglaro kay Lance.
Pagpasok namin sa loob ay nasa sala si Marco at may kausap parin sa kaniyang cellphone at halatang naiirita na sa kausap dahil sa kaniyang facial expression. Hininaan niya ang kaniyang boses pagkakita sa amin ng anak niya. At lumakad pa palayo sa amin.
Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na kami sa taas dahil may nakaprepare naman na bote para sa mga bata.
"Nanay I want to sleep." sabi sa akin ni Jacob at humikab pa siya.
"Ok baby you can sleep I will stay beside you."
"ok nanay." pagkasabi niya ay sinubo na ang kaniyang bottle milk. Tinatapik tapik ko siya para makatulog ng mabilis. Humiga narin ako sa tabi niya at mabilis siyang nakatulog.
Habang binabantayan ko ang aking anak ay iniisip ko kung paano na kami ng mga anak ko pagbalik sa Manila bukas. Ayaw ko sa gustong mangyari ni Marco dahil alam kong lalong magagalit sa akin si Trina at baka madamay pa ang mga anak ko. Ayaw kong makita nila na may ibang kasama ang kanilang ama. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na umuwi na dito sa Pilipinas.
Biglang bumukas ang pinto habang ako ay nag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Dahil ayokong pati ang mga anak ko ay masaktan sila lalo na ngayon at kilala na nila ang kanilang tatay. Baka lalong lumayo ang loob ni Jacob kapag nangyari ang kinatatakutan ko.
Nilingon ko ang taong pumasok at dahan dahan na lumapit sa amin. "hey bakit kayo nandito?" tanong niya sa malambing na boses.
"shhh baka magising mo si Jacob." bulong ko sa kaniya.
"Napagod siguro yan kanina dahil walang tigil sa pakikipaglaro kay William at Lance."
"He loves Lance kaya ganyan yan sinusulit niya makipaglaro sa kaniya dahil alam niyang malapit na silang babalik sa Canada." sabi ko naman.
"I see, dapat makibond din siya sa amin ni Josh, nilalayo niya ang sarili niya sa akin."
"hindi pa siya sanay na kasama ka ganyan talaga siya malay mo bukas ok na kayong dalawa." pagkasabi ko nun ay lumipat ako sa kabilang kama para doon umupo dahil alam kong maiistorbo si Jacob sa ginagawa ni Marco.
"I hope so."
"bumalik kana dun at baka hinahanap ka na nila dahil ang tagal mong nawala."
"mamaya na I want to cuddle with you muna." sabi niya sabay lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Marco pwede ba huwag ganito ayaw kong magpakita ka ng sweetness lalo na sa harap ng mga anako natin. Ayokong mag expect sila na tayo."
"I want to do this Aileen."
"Ayokong may masabi si Trina sa akin at sa mga anak ko, ayokong magalit si Trina sa mga anak ko di baleng ako lng masaktan huwag lang ang mga anak ko." sabi ko sa kaniya na nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Wala na kami ni Trina matagal na." sabi naman niya sa akin.
"ayoko parin na niyayakap at hinahalik halikan mo ako na ok parang ok tayo. I don't want to give hopes sa mga anak natin. Lalo na pangit tignan kung may ibang karelasyon ka."
Nag-iwas siya ng tingin pagkasabi ko ng may karelasyon siya. Malamang meron dahil sa gwapo niyang yan plus points pa na mayaman siya. Sino ba ang hindi magkakagusto kay Marco, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang mata, fit ang katawan maalaga at madami pa siyang katangian kaya siya ang nagustuhan ko noon.
"Hindi pa tayo tapos sa issue na iniwan mo ako. I will give you punishment pagdating natin sa Manila."
sabi niya at tumayo na siya at lumabas ng kwarto.
"Punishment my ass! wala akong paki sa punishment na sinasabi mo" usal ko na ako lang ang nakakarinig dahil wala na siya.
Binantayan ko pa ng saglit ang aking anak bago ko napagpasyahan na lumabas na dahil baka mamaya pa siya gigising.
Nagtungo na ako sa kinaroroonan nila at nakita ako ni Josh na paparating kaya tumakbo siya at sinalubong ako.
"nanay where's Jacob? tanong niya sa akin.
"He's sleeping baby, why? do you want to sleep too?"tanong ko sa kaniya
"no nanay I don't want." sagot niya.
"aren't you hungry?"
"no nanay because I ate chicken while I'm waiting for you, tatay feed me." sabi pa niya.
"that's good baby."
Bigla kaming natahimik lahat ng biglang may dumating at biglang tumayo si Marco at nagmura siya.
"s**t!" sabi niya at napalakas ng pagkakabanggit niya dahil nagulat pa kami sa inasal niya. Deretso siya sa sasakyan na bagong dating.
Nagkatinginan naman si William at Claire, malamang kilala nila kung sino ang taong dumating.
"Guys I think we need to eat na." Sabi ko sa kanila para mawala ang tensyon sa aming lahat. Alam ko na babae ang dumating at hindi maikakaila sa mga itsura ni Claire and William dahil nag-usap sila sa mata. Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong masasaktan lang ako ulit.
"Yes gutom narin ako." sabi naman ni Bea.
"Me too gutom na dahil sa amoy ng mga pagkain."
Kumakain na kami at masayang nagkwekwentuhan ng biglang my sumigas
"bakit ba ayaw mo akong papuntahin dito may tinatago ka ba sa akin Marco!" sigaw ng babae. At kilalang kilala ko ang boses na yun. Hindi nga ako nagkakamali at si Trina parin ang girlfriend niya.
"Huwag niyo nalang pansinin yun kumain na lang tayo." sabi ni William.
Binulungan naman ako ng katabi kong si Bea at tinanong ako kung sino yung bagong dating.
"Si Trina yata yung girlfriend niya." sagot ko na hindi sigurado.
"Girlfriend? eh ikaw ang asawa."
"Mars kakakita lang namin kahapon, ulitin ko ha hindi ko siya asawa at wala din akong balak na mapangasawa siya." sabi ko sa kaniya na may diin bawat salita ko.
"Ok fine mars."
Hindi nagtagal ay pumunta na sa pwesto namin si Marco kasama nga si Trina.
"So ikaw pala ang tinatago ng boyfriend ko. Buti nagpakita ka pa sa kaniya." masamang patutya niya sa akin at tinignan ako ng masama. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya.
"Alam na ba ng friendship mo na nakauwi ka na?" tanong niya ulit sa akin at hindi ko parin siya pinapansin at wala akong balak na pansinin siya. Basta ako ay kakain na lang, dahil ayaw ko makipag-away lalo na sa harap ng anak ko.
"Please Trina stop it, kung gusto mong kumain ay maupo kana." sabad ni Marco dahil ayaw tumigil ni Trina.
"Fine!" sabi niya at umupo sa tabi ni Marco.
"baby let's go?" aya ko sa anak ko kahit hindi pa siya tapos kumain. Pinainom ko muna siya ng tubig at tsaka ko siya binuhat. Ayaw kong may nakikita ang anak ko na nag-aaway at lalo na ayaw kong nakikita niya na may umaaway sa akin. Nag-excuse ako sa kanilang lahat at tinitignan lang ako ni Marco.
"excuse us guys." sabi ko sa kanila at binuhat ko na si Josh.
Pumasok na kami sa loob na masama ang loob ko at kumuha muna ako ng tubig dahil gusto kong humupa ang inis ko kay Marco.
Hindi man lang niya pinigilan ang kaniyang girlfriend na huwag pumunta dito sa kaniyang rest house. Pagkatapos kong uminom ay umakyat na kami ng anak ko sa kanilang kwarto na tinutulugan. Pinaliguan ko at pinalitan ng damit dahil sa sobrang pawis niya kakalaro kanina kasama si Lance.
"Nanay who is that girl?"
"who's girl?"
"The that girl that is talking to you. Is she mad at you?"
"aahm that's tatay's friend. Don't mind her ok and she's not mad maybe she just misses me a lot." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Ok nanay, I don't like her." sabi pa niya sa akin.
"don't talk like that baby." sabi ko sa kaniya at alam ko naiintindihan naman niya ako. At nginitian niya ako sabay kuha sa bote ng kaniyang gatas na iniaabot ko sa kaniya. Hindi na muna ako lumabas kahit na nakatulog na si Josh. At pinagmasdan ko silang dalawa na peaceful na natutulog.
Naisipan kong kunin ang cellphone ko sa kwarto ni Marco at nagulat pa ako na nandun silang dalawa at pati si Marco ay nagulat dahil biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang silid. At napasimangot na naman si Trina.
"What are you doing here b***h! Talagang ipagsisiksikan mo ang sarili mo kay Marco ha!" galit na sigaw niya sa akin, pero hindi ko siya pinansin at kinuha ko na lang ang cellphone ko na nasa bedside table.
Sinundan ako ni Trina at mahigpit akong hinawakan sa braso tsaka ipinaharap sa kaniya. At sasampalin na sana ako ay napigilan siya ni Marco. Mabuti at mabilis na nasundan ni Marco si Trina.
"Bakit mo ako pinipigilan Marco? Talagang ipagtatanggol mo pa yang malanding yan? Siya ang sumira sa relasyon natin!" sigaw ni Trina kay Marco.
"Tumigil kana matagal na tayong nagkakalabuan at matagal na akong nakipaghiwalay sayo." sabi ni Marco sa mababang tono at halatang nagpipigil na magalit ng husto.
"Umuwi kana dahil tapos na tayo at hindi na tayo pwede dahil matagal na kaming kasal ni Aileen bago pa siya umalis. Kaya umalis kana." nagulat kaming dalawa ni Trina sa rebelasyon ni Marco.
"Hindi totoo yan love please tell me that you're just joking me." Umiiyak na baling ni Trina kay Marco at pilit na gustong yumakap kay Marco pero pinipigilan siya ni Marco.
"I'm sorry Trina but it's true." sabi ni Marco.
Kahit ako ay nagulat sa nalaman ko. Hindi ko maisip kung paano kami naikasal. Sa pagkakatulala ko ay nagulat pa ako ng sabunutan ako ni Trina.
"Malandi ka talagang babae ka mangaagaw!" sigaw niya sa akin at pilit tinatanggal ni Marco ang kamay ni Trina sa buhok ko.
"Umalis kana!bago pa kita masaktan." sabi niya kay Trina at talagang galit siya dahil pulang pula ang mukha niya sa galit.
Umalis si Trina na galit na galit at pabalibag niyang sinarado ang pintuan.
"baby, I'm sorry.." sabi ni Marco sabay kuha niya sana sa kamay ko pero mabilis akong humakbang palabas ng kwarto. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon. Nagpunta na ako sa silid ng mga anak ko.