I still couldn’t believe na tinanggal ako sa trabaho ni Daddy! Tulala lang akong nakatanaw sa apat na sulok ng master’s bedroom na kinaroroonan ko ngayon. Plano ko na kausapin bukas si Mommy. Baka sakaling makumbinsi niya si Daddy na huwag akong pahintuin sa pagtatrabaho sa aming kumpanya. Napabaling ang mga mata ko sa digital clock na nakapatong sa side table. Alas-dose ng gabi ang natanaw kong oras. If I’m not mistaken, hindi ko pa naririnig na umuwi si Noah. Lumabas ako ng aming kwarto upang tanungin si Lita. “Hindi pa po siya nakakauwi Ma’am. Nagtataka nga rin po ako kasi alas-dose na ay wala pa si Sir Noah!” Mababakas sa boses ni Lita ang pag-aalala. Pagkagaling ko sa maid’s quarter ay dumiretso ako sa sala. After I seated on the sofa, I dialled Noah’s number immediately. Nakailang

