“Kusang umalis si Noah ng condo namin, hindi ko siya pinalayas.” paglilinaw ko kay Abby. “Hindi ko alam kung saan siya nagpunta basta’t ang huling sinabi niya sa akin ay tutal lagi ko naman daw siyang pinaghihinalaan na nambabae siya kaya ginawa na raw niya!” I said in frustration. Kung totoo man ang mga naikwento ni Stephen kay Abby ay wala na rin akong pakialam. Pinagsalitaan ako ng masasakit na salita ni Noah na tila ba kasalanan ko pa kung bakit niya nagagawang mambabae. That incident caused a huge damage to our relationship. I’m planning to consult a lawyer friend by next week with regards to my annulment case. I wanted to end my misery. Ayokong patuloy na manatili pa sa “toxic” na relasyon namin ni Noah. Mabuti na lang at pumayag si Abby sa imbitasyon ko na mag-party night out ma

