"You know that I am a commitment phobic person pero sa pagkakataong ito Phene baka pwedeng huwag ka munang magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Pag-isipan mo muna." Abby stared at me keenly.
I gasped a deep sigh while I shifted on my seat.
"Can I entrust my future with a cheater?" matigas kong saad habang titig na titig na rin ako sa mga mata niya.
I couldn't fathom Abby's reaction. Pinaghalong panghihinayang at pagkasuklam ang kanyang emosyon.
"Mag-usap muna kayo ni Noah."
Umiwas ako ng tanaw. My eyes heated again. Mukhang may mga luha na namang nagbabadyang tumulo sa mga ito. Naramdaman ko na lang ang marahang pagdampi ng palad ni Abby sa aking pisngi.
"Do'n ka na muna matulog sa pad ko. Let's drink tonight! Nag-text kanina si Cyrus at nasa Manila raw siya ngayon. Huwag ka na munang umuwi sa bahay n'yo at baka magmukmok ka lang doon kakaisip kay Noah!"
***
We were on our way to Club Eclipse. I raked through my hair while we were inside Abby's car. Mahaba na ang buhok kong dating hanggang balikat lang. It was straight and in deep black hue. I mostly preferred this type of hairstyle now.
Long black straight hair really suited woman with my kind of features. Oriental eyes with skin that was white as snow. I wore a simple halter style black dress for tonight clubbing.
Pagkapasok namin sa mataong club we went directly to our reserved table. Regular na kami sa club na ito; which was known to be the party place for the rich and famous.
Mayamaya pa ay nahagip na ng mga mata ko si Cyrus na nakaupo na sa aming reserved table. He looked smokin' hot while wearing black long sleeve polo; its sleeves were folded up to his elbow. It was paired with dark blue jeans.
As usual, may nakapalupot na namang braso ng babae sa kanyang baywang. Napailing na lang ako.
At least ngayon mukhang wala pa namang make out session na nagaganap. Sabagay, normal na naman kaming makakita ng gano'n kapag nasa paligid itong si Cyrus. He was known for being a notorious playboy. Pinakilala niya agad kami sa kasama niyang babae.
"Si Macy nga pala!" magiliw niyang saad. Humitit siya sa tangan na sigarilyo. Mabilis na humalo sa hangin ang usok nito.
I stared earnestly at his girlfriend of the hour or should I say f*ck buddy for this night. She's fiercely gorgeous; I think she was about 5'6" tall just like me. Sobrang hapit sa kanyang sexy na katawan ang suot na itim na tube-style dress. Nakipag-beso kami ni Abby sa kanya.
"Hmm. May bago na namang mabibiktima ang walanghiyang 'to!" natatawang bulong ko kay Abby. She bestowed a smirk.
"Ibang klase yata talagang magmahal 'yang si Cyrus! Ililipad ka sa alapaap!" Napahagalpak ako ng tawa.
Isa na ngayong First Officer si Cyrus sa Island Pacific Airlines. Their family runs an aviation school kaya naman bata palang kami ay pinangarap na niya talagang maging isang piloto gaya ng kanyang Daddy. Ilang taon na lang ang bibilangin ay magiging isa na siyang ganap na Airline Captain.
Once in a while ay may iba kaming kakilala na lumalapit din sa lamesa namin. Sa bilang ko ay nasa sampung katao na kami ngayon sa aming pwesto.
After few hours of drinking ay mukhang tinatamaan na ng alak ang katabi kong si Abby. Panay ang ngisi nito habang nakikipag-usap sa iba pa naming kasama.
"Hindi mo ba nami-miss si Martina, Cyrus?"
Abby flaunted a faked smile sabay tingin sa walang muwang na si Macy. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtaas ng kilay ng huli.
She was referring to our friend Martina na matagal na naming nirereto rito kay Cyrus.
Tinampal ko ang isang hita ni Abby. It was obvious na sinasadya niya iyong iparinig kay Macy, hindi ako sigurado kung ano'ng trip niya at bakit feel niyang asarin ito.
Maagap na pinalupot ni Macy ang isang braso sa balikat ni Cyrus. Mukhang clingy pa ang isang 'to. Definitely not of Cyrus' type.
"Magkausap lang kami kanina sa phone, flight na nga raw niya ngayon papuntang Spain." Cyrus' casual reply.
Napangisi na lang ako nang napansin ko na mas idinidikit pa ni Macy ang katawan niya sa katabi niyang si Cyrus. Kitang-kita ang cleavage niya.
After the waiter served our additional orders I took a sip on the Cosmopolitan on my cocktail glass.
"Sayang kasi, ngayon ka lang nakabalik ng Pilipinas. Kakagaling lang naming tatlo sa Tagaytay Highlands last week. Favorite mo pa naman ang bulalo!" Cyrus suddenly shifted his full attention on me.
"Tara bukas punta tayo!" Ang walang pag-aalinlangang alok niya sa amin ni Abby. He looked attentively in my eyes while waiting for my reply. Maagap akong umiling
"I'm not sure. Medyo naghahabol kasi ako ng trabaho sa office."
Cyrus shifted on his seat. Inayos din niya ang nalukot na damit bago muling sumagot. "Oh yeah, I almost forgot. Kamusta na nga pala ang ikakasal?"
Unti-unti na ring natatanggal ang pagkakakapit ng mga braso ni Macy sa katawan ni Cyrus dahil sa ginawang pagkilos ni Cyrus kanina. I told you girl, ayaw ni Cyrus sa mga clingy na babae!
"Hay naku pagsabihan mo nga 'yang kaibigan mo, magba-back out na yata sa kasal niya!" walang gatol na saad ni Abby.
Cyrus eyes broadened afterwards he furrowed his eyebrows. Then he looked straight into my eyes.
Nag-excuse si Macy sa amin, siguro napansin niya na kanina pa siya nao-OP sa aming tatlo. May imi-meet lang daw siya na mga kaibigan niya sa kabilang lamesa.
Nagpaalam rin si Abby na aalis daw muna siya saglit dahil nag-text daw iyong boy toy niya. Kaming dalawa na lang tuloy ni Cyrus ang naiwan sa aming pwesto.
Cyrus drunk straight the whiskey on his glass afterwards his pair of gray eyes were locked on mine. His fierce gaze was kind of intimidating. Dati pa man ay nakakaramdam na ako ng panlalambot ng aking mga tuhod sa tuwing tinititigan ako sa paraang ganito ni Cyrus.
"I-I caught him cheating!" walang pag-aalinlangan kong utas. Though I was stammering a bit.
"We haven't talked for three days."
Humugot si Cyrus ng isang malalim na buntong hininga. Humitit siyang muli sa tangan niyang sigarilyo. Pagkabuga niya ng usok ay muli niya akong hinarap.
"You should straight out things with him Phene! Hindi pwedeng umiwas ka na lang. Malapit na ang kasal n'yo."
I just made a deep sigh after hearing what Cyrus have to say. Sa ngayon kasi ay wala pa talaga akong planong makausap muli si Noah.
Inaya ko na lang siyang magsayaw sa dancefloor. We were moving our body alongside the rhythmic music played by the club's dj. Gusto ko munang makalimot sa problema ko kahit sandali.
Lasing na ang halos lahat ng tao na nakakasalubong namin. Langhap na langhap ang pinaghalong amoy ng usok ng sigarilyo at alak sa paligid.
Hindi ko na mahagilap si Abby dahil sa dami ng tao. She hasn't replied on my text too.
Hanggang sa makasalubong namin ang isang kakilalang bouncer.
"Hey Alonzo have you seen our friend Abby?" ani Cyrus. Ngumiti ng makahulugan ang kausap.
"Iyong kaibigan n'yong maiksi ang buhok na medyo payat?"tugon niya. Mabilis siyang tinanguan ni Cyrus.
"Naku, kanina ko pa 'yon nakitang lumabas kasama 'yong boyfriend niya!"
Napailing na lang kami ni Cyrus sa tinurang iyon ng kausap niya.
Iniwanan na naman tiyak ni Abby ang kotse niya sa parking lot. Tiwala na kasi ito dahil enlisted member na kami ng club.
Cyrus and I drunk all through the night, hindi na rin bumalik si Macy sa aming pwesto. Around 1:00 AM when Cyrus and I decided to leave Club Eclipse. Wala akong dalang sasakyan dahil sumabay lang ako kay Abby kanina papunta rito. I guess, it was Cyrus again to my rescue!
Siya parati ang naghahatid sa akin pauwi sa tuwing nawawala na lang na parang bula sina Abby at Martina.
Hindi na namin nagawang mag-usap pa sa loob ng kanyang sasakyan. I was seating in the passenger seat; nakakaramdam na kasi ako ng labis na pagkahilo.
Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming mansyon. I kissed him on his right cheek before I bid my farewell.
"You take care, soon to be Mrs. Esparragoza." Ginawaran ko siya ng isang matalim na irap.
"Thank you sa paghatid. Ingat sa pagda-drive at diretso na ang uwi!" saad ko. He displayed a grin after that.
***
Kinabukasan, nagising ako dahil sa pag-alarm ng phone ko. Tamad ko itong kinuha mula sa side table. Nag-register dito ang schedule na ipinadala ng aming wedding coordinator. Napasapo ako sa aking noo.
Reminder: We have a scheduled food tasting today 1:00 PM at Stranford Hotel for the two dishes that you requested to change.
Hindi ako umattend sa nakatakdang food tasting namin ni Noah sa Stranford Hotel ngayong araw. I decided to off my phone that whole morning. Instead of heading my way to the hotel, I drove to the direction of Cyrus pad.
Halatang nagulat si Cyrus pagkakita sa akin sa tapat ng unit niya. Dire-diretso akong pumasok sa loob. Luminga-linga pa ako sa kabuuan ng pad niya upang matingnan kung may kasama ba siyang babae ngayon dito. Knowing Cyrus, he won't survive a day without any woman around him.
"Dapat pala ay hindi na kita hinatid sa mansyon n'yo kagabi. We should have drunk 'til dawn just like what we usually do in the past huh?" saad niya habang nakahalukipkip at nakasandal ang likod sa pinto ng kanyang unit.
I gave him my sardonic smile while I was making my way to his kitchen to get myself some refreshments.
It was good to find a bottle of Minute Maid on his ref, unlike before na puro beer lang ang laman. Marahil binili niya ito para sa babae niya na papapuntahin niya rito sa pad niya.
"So what brought you here Madam Pascual?" Sinundan na rin niya ako rito sa kanyang kusina.
Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng ref niya. Uminom muna ako sa bote ng Minute Maid na hawak ko bago ko siya sinagot.
"I need your advice!" Then I saw Cyrus' evil grin.
"Again?" Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanang kamay. That was the signature Cyrus' move that ooze admiration towards him from a lot of woman.
Tinitigan niya ako nang mariin sa mga mata ko. "Akala ko okay na 'yong kagabi?"
Naglakad na ako papunta sa kanyang sala. I made myself comfortable on the cushion of his sofa. He followed my footsteps pagkaraan ay tinabihan niya ako ng upo.
He put his left elbow on the arm rest of the sofa and then he rested his face above his closed fist. Mataman niya akong tinanaw.
I withdrew a sigh before asking him the question that was bugging my mind for this whole week.
"Cyrus can I ask you something?" He gently creased his forehead.
"Siguro ikaw dapat ang tinatanong ko tungkol dito dahil mukhang eksperto ka na naman sa mga ganitong bagay..." I trailed off.
Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.
"Numero uno kang babaero sa angkan ng mga Sandoval!" Diretso kong hayag.
He bestowed a smirk. He crossed his both arm and faced me conceitedly.
"I will not take that as a compliment!" natatawa niyang wika. Inirapan ko siya pagkaraan ay tinapunan ko siya ng nagtatakang mga mata.
I pressed my lips together before asking him again. He shot a brow up.
"Why do men cheat?"