Nagising ako nang tamaan ng sikat ng araw galing sa glass window ang aking mukha. Hindi ko na pala nagawang ibaba ang blinds ng bintana ng master’s bedroom kagabi. Napatingin ako wall clock. Ganap na palang alas siyete ng umaga. Mabuti na lang at Sabado ngayon. Naging okupado na naman ang isip ko ng mga pangyayari ng nagdaang gabi. Habang tumatakbo ang mga araw na nandito ako sa condo ay mas nagiging bayolente si Noah. Hindi ko mapigilang makaramdam ng takot. Paano kong dumating ang oras na magawa na niya akong saktan ng pisikal? Tila ibang Noah na ang kasama ko. It is obvious that he is mentally sick! My heart kept drumming inside my rib cage as I went to the dining area. Naabutan ko roon si Noah na abalang nagkakape habang may kausap sa kanyang cellphone. May nakahain na rin na ulam

