Mugto ang mga mata ko sa aking paggising. Halos magdamag din akong walang tigil sa pag-iyak. Labis akong nasasaktan sa sitwasyong kinasasadlakan ko. May mga oras na pinanghihinaan na ako ng loob. Hindi ko na kasi alam kung hanggang kailan ba matatapos ang pagdurusa kong ito. Papalabas ako ng kwarto nang may makita akong isang papel sa ilalim ng pinto. Sulat kamay iyon ni Noah Sweetheart, May kailangan lang akong asikasuhin. I’ll be back in a couple of days. Hindi man niya sabihin, alam kong labis na nasaktan si Noah sa mga nasabi ko sa kanya kagabi. I’m just being true to my heart. Parang sasabog na kasi ang puso ko sa bigat ng nararamdaman ko. Sa araw-araw na magkasama kami rito sa loob ng condo niya ay tila araw-araw rin niya akong pinaparusahan. Bumalik ako sa pagtatrabaho sa aking

