bc

The Royal Puppet

book_age16+
611
FOLLOW
2.1K
READ
love-triangle
possessive
pregnant
sadistic
arrogant
goodgirl
powerful
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Kosmos Vampir #1

Azalea Freesia Xorzea, she's commonly known as The Royal Puppet. No More, No Less. She has only one desire— freedom. She’s so tired of being the Royal Puppet. She wants to escape being tortured, physically and mentally. But how can she escape if someone is holding her neck?

She did everything to survive. She’s trying to be cold and strong but at the end of the day, she’s silently crying to ease the pain.

How can she get her liberty, If she doesn’t have any confidence to escape from the ruthless world that she belongs to?

When everything was being controlled, she accidentally falls inlove with Padraig—he is the Knight of the Princess. Her black and white life turns into a colorful radiant of happiness.

But How can she fight for her freedom and shows her love to Padraig when she’s only a Royal Puppet?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Liwanag ang dala ng araw sa buong paligid, ngunit ang araw sa aming mundo ay hindi katulad ng araw na nasa mundo ng mga tao. Ang aming araw ay hindi nakakasunog at hindi rin mainit, hindi tulad sa mundong mahirap paniwalaan kung totoo. Ilang bampira lamang ang may alam sa mundong iyon, sapagkat para lang iyong katang-isip na kwento. Ngunit may ilang haka-haka sa Kaharian ng Azea na totoo raw ito. Wala pang nakakapagpatunay, at kung sakali mang meron nga ay hindi titigil si Haring Zemora sa pagtuklas nito. Totoo nga kaya iyon o sadyang likha lang ng isang sinaunang bampira? Ang bawat impormasyon sa mundong iyon ay nakuha lang sa mga librong hindi pangkaraniwan at nakatago sa isang sikat na aklatan sa Kaharian ng Azea. Sa tuwing pumupunta ako roon upang kumuha ng kasuotan ni Prinsesa Zemira, hindi ko nakakalimutan na magtungo rin sa aklatan upang magbasa ng mga libro doon. Huni ng mga ibon ang aking narinig kaya nakuha nito ang aking atensyon. Umaawit ang mga ibon at kay sarap nitong pakinggan. Kalaunan ay pinagmasdan ko ang ibang puno, Sa pagmamasid sa paligid ay nakakita ako ng magandang pwesto. Ang nanlalagas na puno ng aratilis ang napili kong pwesto. Hindi ko ito nilubayan nang tingin hanggang sa makalapit ako rito. Nang tumigil ako sa paglalakad ay muli akong tumingin sa paligid. Naghahanda na ang bawat puno sa darating na tag-lamig. Ang mga dahon ng mga puno sa kagubatan ay bumabagsak na sa lupa. Kay gandang pagmasdan dahil para itong sumasayaw na mga dahon habang bumabagsak sa ere patungo sa lupa. Ang kulay ng mga dahon ay kape tanda nang pagiging tuyo nito. Tumingin ako sa parte kung saan nandoon ang mga makukulay na bulaklak. Bukod tanging nandoon pa rin ang mga ito at hindi bumabagsak. Ngunit sa oras na magkaroon ng nyebe ay tuluyan na itong malulusaw. Nakakalungkot na hindi ko na makikita ang magagandang bulaklak na iyon sa panahon ng tag-lamig. Kung pwede lang pagmasdan lagi, ngunit sadyang hindi mapipigilan ang panahon. Isang maliit na ngiti ang aking ginawa nang makita ang buong kagubatan. Magtataglamig na naman. Ang dating kulay luntian na kagubatan ay ngayon ay naging kulay kape na….na susunod namang magiging kulay puti. Kay bilis ng panahon na para bang pahina lang ito na inililipat ng isang mambabasa. Sa gitna nang pagtingin sa paligid ay napatigil ako nang makita ang mga batang tumatakbo papalapit sa akin. “Binibining Azalea! Ipagpaumanhin mo po ang aming pagkahuli,” sigaw ng batang bampira habang nauunang tumatakbo patungo sa akin. Nakita kong nagmamadaling naglapitan sa akin ang mga batang bampira na nakasunod sa kaniya. Napangiti na lang ako at napatango sa kaniyang sinabi. Hindi na ako nakatanggi nang bigla akong yakapin ng mga batang bampira. Ang masasayang tawa nila ang nakakapagpagaan ng loob ko. Pinaupo ko na sila sa damuhan upang makapagsimula na kami. Agad naman silang sumunod sa aking sinabi. Ang apat na batang lalaki ay magkakatabi na nakaupo sa malaking bato at ang anim na mga babae naman ay nakaupo sa aking harapan. “Handa na ba kayong makinig sa aking kwento, mga munting bampira?” tanong ko habang kinukuha ang libro sa aking sisidlan. “Handa na po kaming makinig sa ipagpapatuloy mong kwento,” magalang na sagot ni Sio. Siya ang pinaka-matanda sa lahat ngunit pinaka-makulit din. “Mabuti naman kung ganoon. Ipagpapatuloy ko na ang kwento,” sambit ko habang binubuksan ang libro. “Nasaan na nga ba tayo?” tanong ko sa kanila. Napatingin ako sa babaeng bampira na nagtaas ng kamay. Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Masiglang sumagot ang batang babae na si Geniya sa akin, “Nasa kabanata dalawampu’t siyam na po tayo.” Nagpasalamat ako sa kaniya at pinaupo ko na rin siya upang makapagsimula na ako. Noong makita ko ang tamang pahina nito ay sinimulan ko na agad ang pagkukwento. Sa kalagitnaan ng gabi ay tanging kuliglig lang sa kagubatan ang naririnig. Ang mga bituin sa kalawakan ay kay linaw at ang apat na buwang tumatanglaw sa madilim na gabi ay nagbibigay ng liwanag. Ang apat na buwan ang siyang gumagabay sa lahat tuwing madilim na ang paligid. Tuwing apat ang buwan ay nagaganap din ang pagpupulong ng mga hari sa mundo ng Kosmos Vampir. Sa mundong kinabibilangan ng bampira, sa mga buwan malalaman ang pagtakbo ng panahon. Ang isang taon ay binubuo ng apat na buwan. Ang isang buwan naman ay binubuo ng tatlumpu’t isang araw. Ang isang araw ay tumatakbo ng bente kuwarto oras, at ang isang oras ay animnapung minuto. Noong sunod-sunod na dumating ang mga hari mula sa iba’t ibang kaharian, napalitan ang tahimik na kagubatan nang malakas na ingay ng mga yabag ng mga kabayo. Ang bawat hari ay may kasamang isang daang mga kawal bilang bantay nila sa maaring mangyari. Kada-isang daang taon, sa saktong apat ang buwan ay nagpupulong ang lahat ng hari sa pusod ng Kagubatan ng Enquilar. Sa mismong tapat ng puno ng Aponiya. Ito ay ang mahiwagang puno na namumunga ng maliwanag na prutas na hugis bilog. Ang kagubatan ng Enquilar ang sumisimbolong puso ng mundo nila. Pinalilibutan ito ng mga kaharian. Nasa gitna ito at nagsisilbing sentro ng lahat. Noong nakababa ang mga hari sa kanilang mga kabayo ay agad silang nagtungo sa kanilang upuan. Bago sila umupo ay itinaas nila ang kanilang kanang kamay upang bumati sa isa’t isa. “Magandang gabi sa inyong lahat,” bati ni Haring Oxiria. Ang namumuno sa Kaharian ng Oxir. Ang mga hari ay magiting tingnan at maganda ang kanilang tindig pati na rin ang kaanyuan. Ang mga bampira ay hindi tumatanda ngunit pagdating ng limang libong taon ay nanghihina rin at namamatay. May limitasyon din ang pagiging imortal. “Bakit mo nga ba kami ipinatawag ngayong gabi, Haring Oxiria?” tanong ni Haring Cimon—ang hari sa kaharian ng Azea. Tumingin si Haring Oxiria kay Haring Cimon, at isang ngiti ang ibinigay ng pala-kaibigan na hari. Ipinakita niya ang papel kung saan nakalagay ang larawan na iginuhit niya. Ito ay ang mga makapal at mataas na bagin na nasa pinakadulo ng nasasakupan sa kalupaan ng Kaharian ng Emiral at Kaharian ng Oxir. Tila ba nagsisilbing hati ng lugar. Ang hilaga sa kaharian ng Oxir ay karagatan at ang kanluran naman nila ay patungo na sa Kaharian ng Noris. Palaisipan na sa mga bampira ang hating iyon, ngunit walang maglakas loob na tuklasin pa iyon. Sapagkat naniniwala ang iba na patag at hindi bilog ang kanilang mundo. Sa kabilang dako, Ang silangan ng Kaharian ng Noris ay natatanaw ang walang hanggang karagatan, at sa Kaharian ng Azea ay ganoon din. Sa silangan na bahagi naman sa Kaharian ng Azea, naroon ang magandang puting buhangin habang ang makikita naman sa timog ang kulay kalimbahin o mapusyaw na kulay rosas na dalampasigan. “Nais ko lang ipabatid na hindi kakayanin ng aking mga tauhan ang pagsira sa mataas na baging nakaharang sa daanan patungo sa mundo ng mga Werewolf. Kailangan ko ng tulong mula sa inyo,” paghingi ng tulong ni Haring Oxiria. Sa sinabi ni Haring Oxiria, nakuha niya ang atensyon ng tatlong hari. Kumunot ang noo ni Haring Zemora sa narinig habang si Haring Cimon at Haring Persus ay naguluhan ngunit natuwa rin. “Werewolf? Hindi ba’t asong lobo iyon? Totoo ba ang alamat sa lahi nila?” pagtatanong ni Haring Persus. Hindi siguradong tumango si Haring Oxiria. Magsasalita na sana siya ngunit inunahan siya ni Haring Zemora. Si Haring Cimon naman ay tahimik lang na nakikinig ngunit nag-iisip din kung sasabihin ang gumugulo sa isipan niya. May plano siyang tuklasin ang tungkol sa mundo ng mga tao. Hindi niya alam kung totoo ito ngunit ang hindi pangkaraniwang libro na napulot ng ama niya ay nagsasabing may iba pang mundo maliban sa kinabibilangan nila. “Isang kahibangan. Tayong mga bampira lang ang nandito sa mundong ito,” madiin na giit ni Haring Zemora. Sarado ang isipan ng hari dahil sa pagiging makasarili. Gusto niya'y sa kaniya lang ang mundo. Lumingon si Haring Persus sa kinauupuan ni Haring Zemora. Malalim ang gitli sa noo nito dahil sa inaasta ng makasariling hari. “Nakakasiguro ka ba, Haring Zemora? Hindi natin sigurado na tayo lang ang nasa mundong ito. Sa tingin ko’y madami pa tayong hindi natutukasan,” pagkontra ni Haring Persus na sinang-ayunan naman ni Haring Oxiria. “Ipagpapatuloy kong tuklasin upang maliwanagan tayong lahat,” turan ni Haring Oxiria. Inis na lumingon si Haring Zemora kay Haring Oxiria. Kunot na kunot ang noo niya habang pinanlisikan ng mata ang hari ng Oxir. “Nahihibang ka na ba, Haring Oxiria? Bakit nga ba hindi ka pa tumitigil sa pagsira sa walang katapusang mga bagin? Walang mundo ng asong lobo. Isang kwentong gawa-gawa lang,” giit ni Haring Zemora. Sa apat na hari ay ito ang lubos na mainitin ang ulo. “Ito ay mundo lang natin,” dagdag niya. “Ngunit ang mga nakasulat sa aklat ay mukhang makatotohanan,” hindi nagpapatalo na sabi ni Haring Oxiria kaya mas nainis si Haring Zemora. Inihampas ni Haring Zemora ang kamay niya sa pabilog na lamesa. “At sinong nagsulat? Ang baliw na si Haring Erio? Ang ama mo, Haring Persus!” sambit niya at inilipat niya ang tingin kay Haring Persus. Dumilim ang tingin ni Haring Persus dahil sa sinabing kapangahasan ni Haring Zemora. Lubos ang inis niya dahil sa pangungutya nito sa ama niya. “Kung matatawag mong baliw ang aking ama, para mo na rin akong tinawag na baliw. Irespeto mo ang aking ama tulad ng respetong kaya mong ibigay sa akin,” may halong gigil na wika ni Haring Persus. “Patawad kung ganoon,” labas sa ilong na dispensa ni Haring Zemora. Ramdam ni Haring Cimon ang pagbigat ng kapaligiran dahil sa pagsasagutan ng dalawang hari. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng lahat. “Kung kinakailangan mo man ng tulong ay handa kong ipahiram ang anim na daang kawal ko,” sambit ni Haring Cimon habang tinitingnan si Haring Oxiria. Isang malawak na ngiti ang ibinigay ni Haring Oxiria sa hari ng Kaharian ng Azea. Nagpasalamat din siya dahil sa kabutihan ng loob nito. “Ngunit ako’y hindi naniniwala. Hindi ko ipapahiram ang aking mga tauhan para lang sa walang kwentang bagay na iyan. Mas may katotohanan pa nga yata ang mundo ng mga tao kaysa sa mayroon tayong kasama na mga asong lobo sa kabilang parte ng matataas at makakapal na bagin.” Umayos sa pagkakaupo si Haring Zemora at taas noong tiningnan si Haring Oxiria. Kahit na nang-iinis at nang-iinsulto ang tingin na ibinibigay ni Haring Zemora, nginitian pa rin siya ni Haring Oxiria. “Gusto kong subukan at tuklasin. Wala namang mawawala sa akin kung gagawin ko man ang plano kong ito. Kung wala ay ayos lang sa akin, ngunit mas maigi nang subukan. Kung wala mang mga Werewolf ay malay mo'y may lupa ring malawak doon?” umaasang paliwanag ni Haring Oxiria. Tumango si Haring Cimon. Sang-ayon sa sinabi ni Haring Oxiria. Kung may lupa man doon, magandang pagkakadiskubre iyon na pwedeng isulat sa kasaysayan. “Ang mundo natin ay patag,” usal ni Haring Zemora. “Walang masama kung susubukang tuklasin,” wika ni Haring Cimon. “Kung mayroon mang lupa sa kabilang parte nito, Magagamit natin ang kalupaan. Hindi tatagal ay mas dadami pa ang populasyon ng mga bampira.” Inayos ni Haring Persus ang kaniyang kapa habang nakatingin kay Haring Oxiria. Mas lalo namang napataas ang kilay ni Haring Zemora. Ibang pagdududa ang naiisip niya. Baka gusto nilang maging malawak pa ang kanilang nasasakupan! “Sang-ayon ako sa inyo. Kung kinakailangan niyo pa ng tulong ay tutulong ang kaharian ko.” Itinaas ni Haring Cimon ang kamay upang mapatibay ang kasunduan sa pagitan nilang dalawa ni Haring Oxiria. “May pag-uusapan pa bang ibang bagay ngayong gabi?” tanong ni Haring Zemora. Naiinip na siya at gusto nang umuwi. “Ako’y may nais ipaalam,” wika ni Haring Cimon sa lahat. Lumingon siya kay Haring Persus at pagkatapos ay tumango siya. “Ano ang iyong nais iparating?” tanong ni Haring Oxiria. “Gagawa ako ng aksyon sa pagtuklas sa lagusan ng mga tao.” Mahinang singhap ang narinig kay Haring Oxiria. “Kung iyan man ang gusto mo, hindi ka namin tututulan.” Tumango si Haring Zemora. Maraming nabasang libro si Haring Zemora tungkol sa mundong iyon. Kung malalaman man nila ang lagusan ay siya ang unang papasok doon upang makita ang kabilang mundo. Mas mabuting sakupin upang lumawak pa ang kaniyang nasasakupan. “Mas sang-ayon ako sa iyong plano. Mas kapanipaniwala ang mundo ng mga tao kaysa sa mga asong lobo,” sabi ni Haring Zemora at pagkatapos ay tumingin siya kay Haring Oxiria. Ngumisi pa siya upang mang-asar. “Ang bawat impormasyon sa kanila ay nakasulat sa mga lumang libro. Isinulat pa ng ating mga ninuno. Sa palagay ko ay may katotohanan ang dalawang mundong ito,” pagpapaliwanag ni Haring Persus. “Kung ang apat na buwan ay mahiwaga, ang mundong kinabibilangan natin ay ganoon din,” pagsabat naman ni Haring Oxiria. Hindi niya na pinagtuunan ng pansin si Haring Zemora nang marinig niya ang pagtawa nito. “Kung nais niyo mang gawin ang mga iyan, kayo na ang bahala sa inyong mga plano. Hindi ako makikisali sa inyong mga gusto,” ani Zemora. “Iyon lang ang gusto kong iparating,” Usal ni Haring Oxiria. “Ating wakasan na ang usapang ito,” dikta ni Haring Zemora. “May nais pa kaming sabihin,” pigil na sabi ni Haring Persus. Muling nagsenyasan si Haring Cimon at Haring Persus. “Handa kaming makinig,” sabi ni Haring Oxiria habang tumatango. “Napagkasunduan naming dalawa ni Haring Cimon na ipakasal ang aking pangatlong anak na lalaki sa kaniyang nag-iisang prinsesa,” pagbibigay ng impormasyon ni Haring Persus. Malakas na pagsinghap ang lumabas sa bibig ni Haring Zemora. Marahas siyang tumayo bilang pagtutol. “Isang kapangahasan!” “Kung ganoon ay magiging magka-alyado ang inyong pamilya? Ang lahi niyo ay magsasama at magiging pamilya?” tanong ni Haring Oxiria. Hindi siya tumutol dahil suportado niya ang lahat ng mga plano ng ibang hari. “Sa mapayapang usapin lamang. Pagpapatibay lang ng samahan at relasyon sa bawat panig. Hindi namin hangad na maging isa ang aming kaharian,” sagot ni Haring Cimon ngunit hindi naniwala si Haring Zemora. “Ako’y tumututol sa inyong napagkasunduan,” malakas ang boses na sabi ni Haring Zemora. “Ngunit sa anong dahilan?” nagtatakang tanong ni Haring Persus. Nanlilisik ang mga mata ni Haring Zemora. “Kaguluhan lamang ang inyong nais! Nasaan na ang balanseng inaalagaan natin? Kung magiging magka-alyado kayo ay magiging mas maimpluwensya at malakas kayo sa tingin ng ibang bampira!” “Mali ang iniisip mo, Haring Zemora. Tanging kapayapaan lang ang hangad namin at wala nang iba,” paliwanag ni Haring Persus na sinang-ayunan naman ni Haring Cimon. “Wala namang sakupan at digmaan na mangyayari. Hindi ba’t ang kasunduan ng pangkapayapaan ay ating inaalagaan,” paglilinaw ni Haring Cimon. “Ang digmaan ay hindi namin nais,” dagdag pa ni Haring Persus. “Malaki ang tiwala kong hindi nila gagawin iyon. Nakalimutan mo na ba na kung sino man ang sumira sa Kasunduan ng kapayapaan ay may sumpang kaakibat. Magiging makapangyarihan nga ngunit ang lahat ay may kapalit. Huwag kang mag-alala, Haring Zemora. “Napagkasunduan na ng ating mga ninuno ang pangangalaga sa Treaty of peace,” dagdag ni Haring Oxiria sa kaniyang sinabi. “Walang hari ang dapat maghangad ng wagas na kapangyarihan,” wika ni Haring Persus. Ang bawat hari ay may pagnanais na maging mas maimpluwensya at malakas ngunit takot ang pumipigil sa kanilang gawin ang kasamaan na iyon. Ayaw nilang sirain ang kapayapaan. At higit sa lahat, Mahal nila ang kanilang pamilya. Natapos ang pagpupulong nila dahil umalis si Haring Zemora nang walang pasabi. * Sa pangatlong buwan ay nagtungo si Haring Zemora sa kaharian ng Azea upang makausap si Haring Cimon. “Haring Zemora, natutuwa ako at naparito ka ngunit sa anong dahilan,” naguguluhan na tanong ni Haring Cimon habang umuupo sa kaniyang trono. Itinaas ni Haring Zemora ang kaniyang kamay bilang pagbati. Ngunit ang kaniyang ekspresyon ay walang kasiyahan. “Iyong itinatanong sa akin ang dahilan tuwing pumupunta ako sa iyong kaharian ngunit tuwing si Haring Persus ay wala kang katanungan at natutuwa ka na lang,” may inis sa boses na sabi ni Haring Zemora. Panandaliang napatahimik si Haring Cimon dahil sa sinabi ng kausap niyang hari. “Ako’y hindi lang makapaniwala sapagkat bilang lang sa aking mga daliri ang pagbisita mo sa aking kaharian,” tanging sagot ni Haring Cimon. “May nais lang akong ipakiusap,” ani Haring Zemora at hindi na pinansin ang sinabi ng kaharap niyang hari. “Ano ang iyong nais?” Kumunot ang noo ni Haring Cimon dahil sa kalituhan. Hindi alam kung ano nga ba ang kailangan nito sa kaniya. “Nais kong putulin mo ang planong kasunduan kay Haring Persus.” “Tungkol sa planong ipakasal sa anak niya ang nag-iisa kong prinsesa?” naninigurado na tanong ni Haring Cimon. Tumango sa kaniyang sinabi si Haring Zemora. “Oo. Nais kong anak ko na lang ang ipakasal mo sa iyong nag-iisang prinsesa.” Ngumiti si Haring Zemora ngunit hindi naman natuwa ang hari ng Azea. “Ngunit hindi maaari. Nakatala na iyon sa libro ng kasaysayan,” tukoy ni Haring Cimon sa nakatadhanang kasal ng anak niya sa pangatlong anak ni Haring Persus. Sa ika-limang daan na taon, magaganap ang kasal ng mga anak nila. “Maaari pa iyong mabura o pilasin!” giit ni Haring Zemora. “Isang krimen ang pagpilas sa makasaysayang aklat! Ang bawat naisulat doon ay hindi na kailan man maaaring alisin o baguhin!” tutol na sabi ni Haring Cimon. May inis siyang naramdaman sa kapangahasan ni Haring Zemora. Ang galit na nararamdaman ni Haring Zemora ay mas lalong nadagdagan. Una siyang pinangakuan ngunit hindi naman tinupad. “Kay bilis niyo namang planuhin ang tungkol sa bagay na iyan! Hangad niyo bang dalawa ang mas maimpluwensyang kapangyarihan? Mas pinatibay niyo ang bawat kaharian niyo sa pagkakasundo ng mga anak niyo! Ang bawat kaharian niyo ang may pinaka-malawak na nasasakupan! Balak niyo bang maging isa upang mas maging makapangyarihan pa sa aming dalawa ni Haring Oxiria?” nagdududa na bulyaw ni Haring Zemora. “Mali ang iyong iniisip!” Umiling si Haring Cimon. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa trono. Gigil na inihampas ni Haring Zemora ang tungkod sa marmol na sahig. “Kung ganoon ay patunayan mong mali ang iniisip ko! Ipakasal mo ang anak mo sa aking pangalawang anak na lalaki!” pamimilit ni Haring Zemora. Umiling si Haring Cimon habang lumalapit kay Haring Zemora. “Ako’y tumututol!” “Ginagalit mo ako, Haring Cimon!” “Kahit na anong pilit mo ay hindi ako papayag sa gusto mo,” madiing sabi ni Haring Cimon. “Ito ay iyong pagsisisihan!” galit na galit na sabi ni Haring Zemora bago siya umalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook