Kabanata 44

2505 Words

Naging mabilis ang oras ngunit ang aming pagkuha sa mga rosas ay naging mabagal. Kahit na pagod na kami ay kailangan pa rin naming ituloy ang pangunguha. Wala kaming magagawa kundi tapusin ang trabaho. Hindi na maaaring ipagpabukas ang nasimulan na trabaho. Mula sa pagkakayuko ay napaayos ako sa aking pagkakatayo. Ramdam ko ang pagsakit ng aking likod at pangangalay ng aking mga braso. Napalingon ako sa mga kasamahan ko upang tingnan kung nasaan na sila. Nakita ko na magkakalayo na sila habang ang kanilang mga dalang sako ay punong puno na. Ang aking mga mata ay napatingin sa kalangitan. Pansin ko ang magandang paglubong ng araw. Ang mga ulap ay magkakahiwalay at nakahugis alon na parang dinadala sa pangpang. Ang kulay ng kalangitan ay nagkakaroon na ng kulay kahel dahil sa repleksyon n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD