Maraming tanim na iba’t ibang bulaklak sa kalupaan na pagmamay-ari ni Baron Welingson. Mayroong tulips, mirasol, santan, dama de noche, gumamela, at rosas. Ang rosas ang pinaka-importante nilang tanim dahil dito sila kumukuha ng pagkakakitaan. Ang taniman ni Baron Welingson at Baroness Frena ang nag-iisang taniman ng bulaklak dito sa Kaharian ng Emiral. Kung nagkulang ang kanilang panustos sa pangangailangan sa buong kaharian ay marami namang pagkukunan sa Noris ng rosas. Kilala rin kasi ang Noris sa pagkakaroon ng maraming rosas. Ginagawa kasi nila itong alak. Inilibot ko ang aking atensyon sa buong taniman. Tahimik lang namang nakasunod sa akin si Ginoong Padraig. Ngayon lang siya nakapunta rito. Pasimple akong lumingon sa kaniya at napansin ko ang kaniyang walang ekspresyon na mukha

