Marahas na binitawan ako ng mga kawal kaya napasubsob ako sa sahig. Narinig ko agad ang malakas na pagtawag sa akin ni Prinsesa Zemira. Kinagat ko ang ibaba kong labi. Tatlong araw lang ang naging paglalakbay namin at nakarating agad kami sa Emiral. Imbis na sa kabisera nila ako dalhin upang parusahan dahil sa malaki kong kasalanan ay hindi nila ito ginawa. Sa Desife Village nila ako dinala kung saan nakatira si Prinsesa Zemira, ang lugar na aking pinanggalingan. Hindi ako tumingala. Ayokong tingnan ang mukha ni Prinsesa Zemira dahil alam na alam ko na ang reaksyon niya. Paniguradong galit na galit siya sa akin. “Sinuway mo ang utos ko! Kung hindi pa nagsumbong sa akin ang espiya na nakatalaga sa Noris ay hindi ko malalaman ang ginawa mo!” malakas niyang sabi ngunit imbis na magmadal

