“Magandang tanghali po,” magalang na bati ko sa isang Ginang na dumaan sa tulay. Nanatili akong nakatigil doon upang mag-antay nang dadaan. Nais kong magtanong sa mga bampira na nakatira rito ngunit ngayon lang may dumaan sa tulay. Kailangan kong maging mabilis sa pagbili sa mga gamit ni Prinsesa Zemira. “Magandang tanghali rin. Anong maipaglilingkod ko sa’yo, Binibini?” tanong ng Ginang sa akin habang pinagmamasdan ako. Bumaba ako sa kalesa at pagkatapos ay nilapitan ko siya. Tumingin siya sa akin at kitang kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. “Nais ko lang pong itanong kung saan po matatagpuan ang bahay gamutan na ito?” sagot ko sa kaniya. Pansin ko ang pag-aliwalas ng kaniyang mukha. Nawala ang pangamba sa mukha niya. Inilabas ko ang papel sa aking sisidlan at pagkatap

