Sa pagsapit ng alas-otso ng gabi ay may kumatok sa aking silid. Agad akong nagtungo sa pintuan at binuksan ko ito. Ang bumungad sa akin ay si Feliza. Siya ang tagapaglinis ng mga silid sa panuluyan. Siya rin ang nag-aasikaso sa mga hiling at gusto ng mga parokyano. Nagpakilala siya sa akin kanina noong pumunta ako sa palikuran. “Magandang gabi, Binibini,” magalang na bati niya sa akin. Sa palagay ko ay mas matanda siya sa akin ng ilang daang taon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya gumagalang sa akin. Hindi naman mataas ang aking estado. “Magandang gabi rin po,” magalang kong bati sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. Pinagmasdan ko lang ang ngiti niya at tumungo ako upang umiwas sa kaniya nang tingin. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. Sobrang gaan kasi ng ngiti niya sa akin. Para

