Sa ilalim ng tubig ay tinakluban ko ang aking maselang parte ng katawan. Ang usok na galing sa mainit na tubig ay kumakapal na kaya natatakpan ang malinaw na tubig ng bukal. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Paanong may lalaki rito? “Saan ka nagmula? Paano ka nakapasok dito?” tanong ko sa kaniya. Ang aking boses ay naging malakas. Hindi mapakali na suminghap ako. Pansin ko ang kaniyang maskara na tumataklob sa kaniyang mukha, ngunit ang ngisi sa labi niya ay hindi nakalampas sa paningin ko. Parang may pang-aasar sa ngisi niya. Napatingin ako sa kaniyang balikat. Ang balikat niya ay halatang maganda at matipuno. Ang leeg niya rin ay sobrang ganda at ang kaniyang balat ay sobrang puti. Napasinghap ako nang malakas sa nakita. Ngayon lang ako nakakita ng hubad na lalaki! Ulo hanggang

