Niyakap ko ang aking sarili upang takpan pa lalo ang aking katawan. Natapos na ako sa paglalagay ng pantapis na tela. Malakas ang t***k ng aking puso dahil sa nararamdaman na kaba. May pagkapahiya rin akong nararamdaman. Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin na magandang tanawin? Sinisilipan mo ba ako?” malakas kong tanong at pagkatapos ay lumingon agad ako sa kaniya. Nakita ko siyang nakatalikod pa rin sa akin. Ang kaniyang matipunong likod ang nakita ko. Ang usok sa paligid ay unti-unting kumakapal. “Ang tinutukoy kong magandang tanawin ay ang bundok ng Rinave. Nababalutan na ito ng nyebe,” paliwanag niya sa akin ngunit marahas akong napasinghap. Ikinuyom ko ang aking kamao upang pigilan ang inis na nararamdaman. Tumingala ako at pagkatapos ay bu

