Inayos ng babae ang mga putahe sa lamesa. Kunot noo na pinagmasdan ko siya habang nakangiti siya. Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay tumayo ako. Nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito nang pagtataka. Tumayo siya ng tuwid. “Hindi ko nais na kumain,” wika ko sa seryosong tono ng boses. Isang matipid na ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin. Yumuko siya kaya mas lalo akong nagtaka sa kaniyang ikinikilos. Bakit siya yumuko sa akin? Hindi naman ako dapat iginagalang. Isa lang akong alipin at laruan ng prinsesa. Ang aking nakakunot na noo ay mas lalong kumunot. “Mahigpit na bilin po sa amin na kailangan mo munang ubusin ang pagkain sa hapag-kainan bago mo siya makita,” paliwanag sa akin ng babae. Mas naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Bakit naman kailangan ko pang kumain bago ko

